Dairy Box outlet, itatayo sa Zambales

 

DA-PCC NHQGPKilala ang Zambales sa magandang baybayin nito na puntahan ng mga turista lalo na kung tagaraw.

Ang Masinloc, isang coastal municipality sa Zambales, ay kilalang bilihan ng matamis na mangga na pangunahing produkto din ng mga tagaroon. Bukod sa mga nabanggit na atraksyong pangturista, malapit nang masilayan ang isa pang inaasahang magtatanyag sa probinsya ng Zambales sa larangan ng turismo. Ito ay ang nakagayak na itatayong Dairy Box outlet at processing facility sa Masinloc. Hudyat nito ang isinagawang groundbreaking ceremony noong Abril 4

Ang Dairy Box ay isang infrastructure support para sa mga smallholder dairy farmers na idinisenyo upang magkaroon sila ng puwang sa merkado ng gatas para sa bastanteng kita.

Nang pinag-iisipan pa lang ang tungkol sa pagtatayo ng nasabing outlet, agad naisip ni Atty. Cheryl DelosoMontalla, representative ng pangalawang distrito ng Zambales, ang bayan ng Masinloc bilang recipient ng proyekto dahil sa aktibong kalakalan at iba pang gawaing pangekonomiya rito. Mainam na mainam, ayon kay Cong. Montalla, ang lugar na ito na malapit sa baywalk dahil dito umuusbong at nagtatagumpay ang mga proyektong communitybased katulad ng sa DAPCC.

“Nung nakita ko ‘yung design, nirecommend ko kaagad yung baywalk para maging lokasyon kasi it complements the ambiance,” wika naman ni Mayor Arsenia Lim ng Masinloc.

Ang proyekto ay pamamahalaan ng Masinloc Farmers Agriculture Cooperative habang ang LGU at ang DA-PCC ay magbibigay ng technical na pagsasanay at tulong sa pagsisimula ng operasyon nito.

Ayon kay Dr. Ericson Dela Cruz, Center Director ng DA-PCC sa CLSU, simula pa lamang ito ng makabuluhang partnership ng DA-PCC, ng LGU, at ng mga lokal na magsasaka sa Masinloc.

Nagkaroon din ng MOA signing sa Masinloc Municipal Hall bago ang groundbreaking ceremonies na dinaluhan ni Congresswoman Montalla, DA-PCC Deputy Executive Director for Production and Research Dr. Claro Mingala, co-op chairperson Hermenegildo Manglicmot, at Dr. Dela Cruz.

Ang pagtatayo ng Dairy Box ay isang bahagi ng Carabaobased Business Improvement Network (CBIN) project na pinondohan ng Office of the Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform sa pangunguna ni Senator Cynthia Villa. Nilalayon ng CBIN na ipakita ang isang buong value chain ng paggagatasan sa buong bansa.

 

Author

0 Response