Sikreto ng isang tunay na kampeon Apr 2024 Karbaw Sikreto ng isang tunay na kampeon By Ronaline Canute No one is born to be a champion. It can only be earned. Sikreto ng isang tunay na kampeon Bahagi lamang ito ng pahayag ni Pau Rabil, isang sikat na American sports executive at retired professional lacrosse player kung sino at ano ang katangian ng isang tunay na kampeon. Taong 2006, inilathala ni Rabil ang kanyang librong may pamagat na “The Way of the Champion.” Laman ng librong ito ang mga naging karanasan ni Rabil bago siya nakilala bilang isa sa ‘greatest lacrosse player of all time’ sa kanyang bansa. Ipinauunawa niya sa mga mambabasa kung paano maging matapang at magkaroon ng tamang disiplina upang maging isang tunay na kampeon. Mula sa kapatagan ng Badoc, Ilocos Norte, isang Ilokano ang dalawang beses na tumuntong sa national stage. CARAnasang ‘di pangCARAniwan Nasa 30 minuto na ang nakalilipas nang lumipad ang eroplanong sinasakyan ni Rhommel. Tumingin siya sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga ulap. Parang kailan lang noong nakatingala siya sa langit at pinagmamasdan ang mga eroplano mula sa kanyang kalabawan. Ngayon, siya na mismo ang nasa eroplano at kasama pa ang kanyang misis na pupuntang Cebu upang dumalo sa pagdiriwang ng 9th National Carabao Conference. Sa loob-loob ni Rhommel, naniniwala siya na ang mga magagandang karanasan ay produkto ng pagsisikap. “Sa pag-aalaga pala ng kalabaw ako makararanas ng mga biyaya na hindi ko inakalang makakamit ko,” saad ni Rhommel. Si Rhommel ay dating magsasaka ng tabako at palay. Nguni’t para sa kanya ay hindi ito naging sapat dahil sa mababang presyo at ang kumikita ay mga middleman at buyer. Pero likas kay Rhommel ang pagiging isang madiskarteng ama dahil nag-aalaga siya ng kambing at manok para may ibebenta habang hinihintay ang panahon ng anihan. “Napinpintas ti dairy (mas maganda ang dairy) dahil kita dito ay daily,” pagpapatunay niya. Nagsimulang mag-alaga si Rhommel ng kalabaw na native noong 2011. Taong 2017, nang maipakilala sa kanilang bayan ang programang AI. Ayon sa kanya, sa simula ay hindi pa buo ang kanyang pasya na sumubok ng AI pero ‘di naglaon ay nakumbinse rin siya dahil hindi siya tinantanan ng AI technician ng DA-PCC sa MMSU. Noong 2021, tuluyang naranasan ni Rhommel na gumatas ng mas marami kaysa sa kanyang inaasahan. Sa tulong ng DA-PCC sa MMSU at sa pagsisikap ni Rhommel at ng kanyang pamilya, kumita siya ng humigit sa PHP60,000 noong 2021. “Tuluy-tuloy na akong nakapagbibigay ng allowance sa mga anak kong nag-aaral. ‘Yung natanggap kong cash prize noong NCC na PHP55,000 ay ipinambili ko ng tricycle at motor,” pagbabahagi ni Rhommel. Sa kasalukuyan, si Rhommel ang nag-iisang magkakalabaw na naggagatas sa Badoc. Isa sa kanyang pangarap ang makatulong upang maparami ang bilang ng mga maggagatas sa kanilang lugar Formula ng isang kampeon na magkakalabaw “Mahusay na pagpapakain!” Ito, ayon kay Rhommel ang dahilan kung bakit dalawang beses niyang nakamit ang championship title sa pinakamahuhusay na kalabaw sa NCC. Ang kanyang mga kalabaw ay taun-taon kung manganak at consistent din ito sa pagbibigay ng maraming gatas. Ayon sa Dairy Buffalo Production Handbook, mayroong anim na mahalang nutrients na kailangang pagtuunan sa pag-aalaga ng buffalo: carbohydrates, protein, fats, minerals, bitamina, at tubig. Ang mga karaniwang pinagmumulan ng mga nutrients na ito ay sa silage, legume hay, damo, crop residues, molassess, soybean, concentrates, urea, at marami pang iba. Sa karanasan ni Rhommel, ang pagpapakain niya ng ipil-ipil at gabi ang nakatulong sa kanyang mga alaga na magkaroon ng magandang pangangatawan at mataas na produksyon ng gatas. Kung bubuklatin ni Rhommel at babalikan ang mga nakaraang pahina ng kanyang naging paglalakbay sa pagkakalabaw, hindi maitatangging ang unang hakbang upang maging isang kampeon ay ang sumubok nang walang pag-aalinlangan.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.