iASK inyong alamin solusyong kaya natin! Ano ang Dulce Gatas?

 

Ano ang Dulce Gatas?

Ang Dulce Gatas ay isa sa mga produktong maaaring gawin mula sa nai-prosesong gatas ng kalabaw. Ito ay patok sa gawi ng Silay City, Negros Occidental bilang matamis na panghimagas.


Paano gumawa ng Dulce Gatas?

1.    Haluin ang sariwang gatas, refined sugar at glucose.
2.    Pagkaraa’y, lutuin ito sa katamtamang init habang hinahalo hanggang sa ito ay kumulo.
3.    Patuloy na haluin sa mahinang apoy hanggang sa maging kulay brown at lumapot.
4.    Isalin ito sa malinis na lalagyan at hayaang lumamig sa temperaturang 40°C - 50°C.
5.    Ibalot ito sa makulay na plastic na papel. Iselyo ang lalagyan at markahan ng 
    expiration date. Ipalamig ito sa refrigerator sa temperaturang  4°C to 10°C.


Bakit mainam magnegosyo ng Dulce Gatas?

Maaaring i-proseso ang Dulce Gatas sa bahay sapagka’t hindi ito nangangailangan ng maraming gamit at malaking kapital.
 

Author

0 Response