Biyaheng BMW

 

Bilang alternatibong mapagbebentahan ng mga produktong may gatas sa panahon ng lockdown, inilunsad ng Department of Agriculture-Philippine Carabao Center (DA-PCC) ang Kadiwa ni Ani at Kita (Kadiwa) Buffalo Milk on Wheels (BMW).

Sa pamamagitan ng BMW ay mailalapit sa mas maraming mamimili ang gatas ng kalabaw.

Ang mga residente ng San Jose City sa Nueva Ecija ang unang nakatikim ng mga produkto ng BMW dahil dito inilunsad at unang nagbiyahe ang mobile store noong Abril 27. 

“Ang Kadiwa BMW ay naglalayong solusyunan ang suliranin ng mga magsasakang maggagatas sa pagpoproseso at pagbebenta ng gatas dahil sa COVID-19 pandemic,” ani Dr. Eufrocina Atabay, DA-PCC Scientist I at officer-in-charge ng Research and Development Division (RDD) na nangangasiwa ng Kadiwa BMW.

Ang Kadiwa BMW ay kabilang sa mga inisyatiba sa mga proyekto ng DA-PCC na Creating Opportunities through Value Innovations Development (COVID) at Gatas, Isda, Gulay at Karne (GIGK) na alinsunod sa “Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra COVID-19” ng DA. 

Ang Central Dairy Collecting and Processing Facility ng DA-PCC ang nagpoproseso ng gatas mula sa magsasaka sa tatak na Milka Krem.

Bukas ang BMW sa mga mamimili ng produktong may gatas tulad ng pasteurized milk, yoghurt-flavored drink, chocomilk, pastillas, kesong puti, at Milkybun.

Sa pagsisimula ng Kadiwa BMW, ilan sa mga empleyado ng ahensiya na mananaliksik at siyentista ay nagboluntaryo sa pamamalakad ng BMW.

Sa likod ng operasyon ng Kadiwa BMW ay ang grupo ng mga eksperto mula sa DA-PCC Planning and Information Management Division - Business Development and Commercialization Unit, Knowledge Management Division, NIZ Coordinating Unit, at iba’t ibang units ng RDD.

Ang Kadiwa BMW ay tinatangkilik ng mga bago at suking mamimili na nagbigay ng mga positibong komento para sa mga produkto.

Samantala, nagkaroon naman ng sabay-sabay na launching ng BMW sa DA-PCC regional network sa iba’t ibang panig ng bansa noong Mayo kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda.

Bukod sa Kadiwa BMW, hinikayat din ang mga resellers na “makisakay” sa naturang adbokasiya, na ang pangunahing layunin ay hindi lamang mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga magsasaka at mga pribadong sektor, kundi makatulong din sa pagpapalakas ng immunity laban sa COVID-19.

Ani Dr. Atabay, sa kalauna’y ipauubaya na ang pamamahala ng Kadiwa BMW sa mga kooperatiba. 

Narito ang mga naging biyahe ng Kadiwa BMW sa iba’t ibang panig ng bansa mula Abril hanggang Hunyo:

 

DA-PCC sa Mariano Marcos State University

Batac, Ilocos Norte

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 697 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php75,285.00

Lugar: Piddig, Banna, Pagudpud, Dumalneg,

          at Bacarra

 

DA-PCC sa Cagayan State University

Tuguegarao City, Cagayan

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 2,332.05 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php225,148.75

Lugar: Tuguegarao City

 

DA-PCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University

Rosario, La Union

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 2,592 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php237,995.00

Lugar: San Fernando City, San Juan, San Gabriel,

          at Balaoan

 

DA-PCC National Headquarters and Gene Pool

Science City of Muñoz, Nueva Ecija

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 4,113.76 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php693,184.60

Lugar: San Jose City, Science City of Muñoz, Bongabon,

          Carranglan, Rizal, Llanera, Guimba, Pantabangan

          Talavera, at Cabiao

 

DA-PCC sa Central Luzon State University

Science City of Muñoz, Nueva Ecija

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 482 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php77,236

Lugar: Pampanga at Bulacan

 

DA-PCC sa University of the Philippines-Los Baños

Los Baños, Laguna

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 215 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php17,102.00

Lugar: General Trias at Bacoor

 

DA-PCC sa Visayas State University

Baybay City, Leyte

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 2,770.75 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php213,854.00

Lugar: Baybay City, Ormoc City, Maasin City, Mahaplag,

          Abuyog, Hilongos, Bato, Hindang, Biliran,

          Limasawa, at Mochoron South                                                                       

DA-PCC sa West Visayas State University

Calinog, Iloilo

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 428.56 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php46,350.00

Lugar: Iloilo City, New Lucena, Zarraga, Maasin,

          at San Miguel

 

DA-PCC sa La Carlota Stock Farm

La Granja, La Carlota CIty, Negros Occidental

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 387 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php40,525.00

Lugar: Dumaguete City, Tanjay City, at Bais City

 

DA-PCC sa Ubay Stock Farm

Ubay, Bohol

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 130 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php19,350.00

Lugar: Ubay

 

DA-PCC sa University of Southern Mindanao

Kabacan, North Cotabato

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 4,535 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php408,060.00

Lugar: Kabacan, Kidapawan, Carmen, Pikit, Mlang,

           Makilala, Matalam, Tulunan, Sto. Niño,

           Surallah, at Esperanza

 

DA-PCC sa Central Mindanao University

Maramag, Bukidnon

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas: 164 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan: Php18,775.00

Lugar: Don Carlos, Valencia City, at Maramag

 

DA-PCC sa Mindanao Livestock Production Complex

Kalawit, Zamboanga Del Norte

 

Kabuuang dami ng naibentang gatas:  1,801.71 L

Kabuuang halaga ng napagbentahan:  Php175,660.00

Lugar: Dumalinao, Labangan, Pagadian, Tukuran,                                Zamboanga City, at Dapitan City

Author

0 Response