Mga kawing ng kadena para sa negosyo sa gatas ng kalabaw Jun 2016 Karbaw kawing kadena, negosyo ng paggagatasan, Rosario Dairy Raisers Association (RoDRA), Sta. Maria Dairy-Catmon Multi-Purpose Cooperative (MPC) By Ma. Cecilia Irang Sa negosyo ng paggagatasan, mayroong tatlong mahahalagang salik o pinagsasandigan upang matamo ang inaasam na pagtatagumpay. Ang una ay mahusay na produksyon ng gatas, pangalawa, ang angkop na pagpoproseso nito sa iba’t ibang klaseng produkto; at pangatlo, epektibong pagsasapamilihan. Rosario Dairy Raisers Association (RoDRA), Ang relasyon ng tatlong bagay na ito ay tila kadena na ang mga kawing ay nakakonekta sa isa’t isa. Nguni’t nangyayari na may diskonek, wika nga, sa kadenang ito sa paggagatasan. Mayroong sektor, lalo na sa panig ng mga magsasakang-maggagatas, na hanggang produksyon lang ng gatas ang nagagampanan. Mayroon ding pagpoproseso lang ang ginagawa at ang iba naman ay pagbebenta lang ng produkto ang pinagtutuunan ng pansin. Gayunman, mayroong matutukoy na mga grupo ng mga magsasakang-maggagatas na nasasapol ang mga gampaning ugnay sa tatlong salik ng negosyo sa paggagatasan. Maliban sa pagseseguro ng mahusay at sapat na produksyon ng gatas, sila na rin mismo ang nagpoproseso nito at nagbebenta sa iba’t ibang pamilihan o mga regular na parukyano. Ilan sa mga grupong ito ay ang Rosario Dairy Raisers Association (RoDRA) sa Batangas, Rosario Dairy Producers Association sa La Union, at Sta. Maria Dairy-Catmon Multi-Purpose Cooperative sa Bulacan. AsosaSyon sa Batangas Ayon kay Hilarion Marasigan, 65, chairman ng RoDRA na inaasistehan ng Philippine Carabao Center sa University of the Philippines-Los Baños (PCC@UPLB), malaking tulong sa kanila na nakasuporta ang lokal na pamahalaan o local government unit (LGU) sa programa ng paggagatasan sa kanilang lugar. Nangunguna sa pagsuporta sa kanila ay sina Mayor Manuel Alvarez at Municipal Agriculturist Pablita Quizon. Malaking tulong din at lubha silang nagpapasalamat, aniya, sa walang sawang paggabay ng PCC@UPLB at kina Agricultural Technician Ruena Caguimbal, at beterinaryong si Dr. Dyesebel Andaya sa kanila para sa pagpapaunlad pa ng kanilang asosasyon. “May passion ‘yong mayor namin sa agrikultura, kabilang na ang sa paggagatasan. Nakita niya ang tiyaga at sigasig naming mga magsasakang-maggagatas sa pag-aalaga ng kalabaw kaya sinuportahan niya talaga ang aming programa. Mayroon pa nga siyang dispersal ng kalabaw at ang ibinibigay niyang kondisyon sa benepisyaryo ay dapat nila itong gatasan,”salaysay niya. Dahil nga sa suportang ito ng alkalde ay sila mismo ay nakatanggap ng limang kalabaw at isang freezer. Bukod dito ay nagpahiram pa ito ng isang building para sa processing area ng association nang walang upa at libre ang kuryente at tubig. Bilang karagdagan, nagpahiram din sa kanila ang pamahalaang-bayan ng isang lugar sa harap ng munisipyo para sa products’ outlet nila. Sa kasalukuyan, mahigit 200 ang inaalagaang kalabaw ng asosasyon na ang 55 sa mga ito ay ginagatasan. Nakakokolekta sila ng hindi bababa sa 250 litro ng gatas sa isang araw. Kanilang ipinoproseso ang gatas sa paggawa ng mga produktong tulad ng chocomilk (na siyang pinakamabili sa kanilang outlet), fresh milk, kesong puti, ice candy, pastillas, at milk-o- jel. Binibili ng planta sa halagang Php42 kada litro ang gatas mula sa mga magsasakang miyembro ng asosasyon kapag Class A ito at Php40 naman kapag Class B. Ang gatas na Class A, anang kinauukulan, ay puwedeng inumin matapos ang kaukulang pagpapainit (pasteurization), samantalang ang Class B naman ay siyang ipinoproseso sa paggawa ng pastillas at keso. Anim na pribadong kumpanya at negosyante ang regular na bumibili sa kanila ng kilu-kilong raw milk. Binabayaran ito sa halagang Php65 hanggang Php75 kada litro depende kung sila ang magdadala o ang mamimili ang siya mismong kukuha sa planta. Maliban dito, nagsusuplay din sila ng milk-o-jel at kesong puti sa Milka Krem sa UPLB ng isang beses sa isang linggo. Ayon kay Catherine Santiago, book keeper ng RoDRA, nasa 150 pirasong milk-o- jel kada linggo, na nagkakahalaga ng Php12 bawa’t isa, ang regular nilang dinadala sa Milka Krem mula pa noong Pebrero. Nitong nakaraang Abril, lumakas ang demand kung kaya’t umabot sa 450 piraso ng produktong ito ang inangkat sa kanila. Minsan din kapag kinukulang ang produksiyon ng gatas sa General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative, isa rin sa mga kooperatibang inaasistehan ng PCC@UPLB, ay kumukuha ito ng raw milk sa kanila. Para naman maragdagan pa ang benta nila, ani Santiago, ino-obliga nila ang bawa’t miyembro na nagdadala ng gatas na bumili ng Php100 na produktong gatas na ang bayad ay ibabawas sa kabuuang benta ng koleksyon nila tuwing katapusan ng buwan. Sa kabilang dako, ibinahagi ni Joel Roallos, manager ng RoDRA, na simula nitong Enero ay hindi bumababa sa Php30,000 ang karaniwang kita ng kanilang asosasyon sa isang buwan mula sa benta ng mga naprosesong gatas. Nitong nakaraang Abril, masayang dagdag niya, ay umabot pa sa Php42,000 ang kita nila sa buong buwang ito. Dahil na rin sa kanilang kinikita, nakapagpundar na ang RoDRA ng isang L300 na sasakyan na ginagamit nilang pan-deliver ng gatas. Inihayag naman ni Chairman Marasigan ang nakagayak nang plano at mga hakbangin nila sa pagpapalago pa ng kanilang asosasyon. “Marami kaming isasagawa. Unang-una na ay wala pang sariling building kung saan kami magpoproseso. Sabihin na ngang ganap ang pagsuporta sa amin ng aming LGU, pero hindi naman dapat kaming nakadepende sa kanila sa habang panahon,” anang tagapangulo ng asosayon. Dagdag pa niya, nais din nilang madagdagan ang kanilang product’s outlet. Inaasam nilang kung maaari sana’y makapaglagay sila ng outlet nila sa iba’t ibang bayan. “Ang maganda sa asosasyon namin ay hindi lang ako ang may adhikain na mapalawak pa ang aming merkado. Lahat kaming mga miyembro ay tulung-tulong at iisa ang aming hangarin para sa ikalalago pa ng aming samahan. Hindi maitatanggi at aming pinatotohanan na talagang may kita sa gatasang kalabaw,” nakangiting sabi ni Chairman Marasigan. Asosasyon sa La Union Isang panibagong oportunidad naman na maituturing ni Victoriano Petina Jr., 55, chairman ng Rosario Dairy Producers Association (RDPA), ang pagbubukas ng Rosario Dairy and Pastries (product’s outlet and processing plant) noong Pebrero sa Rosario, La Union na kung saan ang asosasyon nila ang naitalagang mamamahala. Ang RDPA ay isa sa mga grupong inaasistehan ng PCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University (PCC@DMMMSU). “Dalawang beses kong napanaginipan na may opisina daw kami na air-conditioned. Senyales pala ‘yon dahil ngayo’y may isang building kami na kami ang namamahala,” salaysay ni Chairman Petina. Noong wala pa silang planta, kanya-kanya sila ng hanap noon ng parukyano, na tulad ng mga Indian nationals, na puwede nilang pagbentahan ng raw milk. Nguni’t ngayon, dahil sa may planta na sila, may sigurado nang napagdadalhan ng nakokolektang gatas ang mga miyembro na ipinoproseso na rin nila sa iba’t ibang produkto. Kung may sumusobra mang gatas, ay ito ang ipinagbibili nila sa mga Indian nationals. “Malaki ang naging tulong sa amin ng planta dahil ngayo’y may sigurado na kaming merkado at ito’y tuluy-tuloy pa. Nadagdagan pa ang aming kaalaman sa pagpoproseso ng gatas na dati-rati’y ibinibenta lang namin ‘yon nang kaaani pa lang,” wika ng tagapangulo. Dumaan sa pagsasanay ukol sa pagpoproseso ng gatas na inorganisa ng PCC@DMMMSU at Department of Trade and Industry (DTI) ang mga piling miyembro ng asosasyon. Sumuporta rin ang LGU ng Rosario, La Union sa kanilang asosasyon sa pagbibigay ng loteng pinagtayuan ng processing plant. Ang gusali ng planta at mga kasangkapan sa pagpoproseso ay kaloob naman ng PCC at DTI. “Malaki ang pasasalamat ko sa mga tumulong sa amin. Kung hindi nang dahil sa kita ko sa aking gatasang kalabaw ay baka hindi ko napagtapos ng pag-aaral ang anak ko. Gayundin, marami na rin sa mga miyembro namin ang nakaluluwag sa buhay dahil sa gawaing ito,” ani Chairman Petina. Ayon naman kay Revelina Lino, 53, kasalukuyang manager ng planta, bukod sa mga miyembro ng kanilang asosasyon, nagdadala rin ng gatas ang mga magsasakang-maggagatas mula sa Aringay, Pangasinan na kabilang din sa bulto ng pinoproseso nilang mga produkto. Minsan din, aniya, ay nagdala ng 200 litrong gatas sa kanilang planta ang PCC sa Mariano Marcos State University (PCC@MMSU) na nakabase sa Batac, Ilocos Norte. Ito’y sa dahilang nasa bakasyon ang mga estudyante at sumosobra ang suplay nila ng gatas. “Nakatutuwang isipin na nakatutulong na rin kami sa mga kapwa namin magsasakang-maggagatas para magkaroon din sila ng siguradong merkado para sa kanilang aning gatas,” wika ni Lino. Nagdadala noon ng mahigit 100 litrong gatas kada linggo ang grupo ng mga magsasaka sa Aringay pero dahil sa kaunti na lang ang kasalukuyang ginagatasan ng grupo, umaabot na lang sa 40 litro ang karaniwang nadadala nila sa planta. Ilan sa mga produktong mabibili sa Rosario Dairy and Pastries ay pasteurized milk, choco milk, blue berry yogurt, lacto juice, pastillas, espasol, ice candy, ube halaya at chicharabao. Bukod sa mga Indian nationals, regular din nilang mamimili ang mga estudyante dahil malapit lang ang planta sa eskwelahan. Ibinahagi ni Michelle Lino, 35, secretary ng asosasyon, ang mga pamamaraang isinasagawa ng kanilang asosasyon para mas mapalawak pa ang merkado ng kanilang mga produkto. Ayon sa kanya, isa sa mga pamamaraang ito ay ang pagiging kabahagi sa milk feeding ng LGU Naguillan na kung saan 1,600 sachets ng chocomilk ang isinusuplay nila kada linggo sa loob ng apat na buwan. “Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin kami sa LGU Rosario para sa milk feeding program nila sa mga daycare pupils,” ani Michelle. Base sa kanilang isinagawang pagtatala, hindi bumababa sa Php10,000 ang kita ng asosasyon sa isang buwan mula nang magbukas ang planta noong Pebrero. Dahil sa tumaas ang demand, umabot pa sa mahigit na Php23,000 ang kinita nito noong Abril. Sa kabilang banda, si Jayson Albay, 26, miyembro ng asosasyon na regular na nagdadala sa planta ng kanyang nakolektang gatas, ay nagpahayag naman ng kaniyang kuwento sa kung paano siya nahikayat na sumuong sa gawaing pagkakalabaw. “Naaalala ko pa rin ‘yong sinabi sa ‘kin noon ng isang matanda na nag-aalaga rin ng kalabaw. Sinabi niya na kapag mayroon ka raw gatasang kalabaw, mabubuhay ka na at ang iyong pamilya nang maayos. ‘Yon ang tumatak sa isip ko at totoo naman ang sinabi niya,” pagsasalaysay ni Albay. Mula 2014 nang magsimula siyang magkalabawan, hindi siya nawalan ng ginagatasan dahil sa taun-taon ay may nanganganak siyang kalabaw. Nagsimula lamang siya sa isang kalabaw at ngayo’y nasa 15 na ang kanyang inaalagaan na kung saan tatlo sa mga ito ang ginagatasan. Inaasahan niyang mararagdagan pa ang kanyang ani dahil tatlo pa sa mga ito ang buntis. Nakakokolekta siya ng 11 litro sa isang araw na binibili naman sa kanya ng planta sa halagang Php60 kada litro. Kooperatiba sa Bulacan Para kay Luisito dela Rosa, general manager ng Sta. Maria Dairy-Catmon Multi-Purpose Cooperative (MPC), ang sikreto sa matagumpay na operasyon ng paggagatasan ay nasa kahusayan at kagalingan sa pagbebenta ng produkto. “Tayo na mga nasa negosyong ito ay nararapat na magdevelop ng merkado para mapalago ito at nang sa gayon ay matulungan din natin ang mga magsasakang-maggagatas at ang industriya mismo sa paggagatasan,” ani dela Rosa. Dagdag pa niya, kailangan pag-aralang maigi ang merkado at paghusayin ang estratehiya sa pagbebenta. Nararapat din, aniya, na maresolba agad ang problema sa tuwing mahina ang bentahan ng gatas. “Kailangan nating maglaan ng effort para makasabay tayo sa kumpetisyon sa malalaking kumpanya ng gatas. Kung kaya nila, bakit hindi rin natin makakaya? Kailangan lang na makaisip tayo ng magandang estratehiya sa pagsasagawa nito,” pagdidiin niya. Ang Sta. Maria Dairy ay isang dibisyon sa ilalim ng Catmon MPC na kung saan isa sa mga pangunahing layunin nito ay makapagproseso at makapagbenta ng de-kalidad na mga produktong gatas. Sa isang araw ay nasa 600-650 litrong gatas ang pinoproseso nila mula sa 127 kalabaw na ginagatasan ng mga miyembro ng kooperatiba. Kabilang sa mga produktong pinoproseso nila ay choco milk, pasteurized milk, keso, yogurt, at paneer. Kalimitan ay nakabase sa order ng mga parukyano ang dami ng kanilang ginagawang produkto. Ayon kay dela Rosa, 50% mula sa 600 litrong gatas ang naibebenta nila sa mga gumagawa ng pastillas, 30% sa Indian nationals at 20% naman sa supermarket at mga walk-in buyers. Nagde-deliver din sila minsan sa isang linggo ng kanilang produktong gatas sa Metro Gaisano group sa Maynila at Angeles, Pampanga. Mayroon din silang isang product’s outlet sa Sta. Maria, Bulacan at isang kiosk na pinamamahalaan ng Star Mall. Sila ngayon ay nakatakda na ring magbukas ng panibagong kiosk sa SM Baliwag at magsuplay ng kanilang produkto sa Robinsons Supermarket. “Balang araw, kapag naging tuluy-tuloy na maganda ang operasyon sa paggagatasan, ay maglulunsad kami, bilang bahagi na rin ng aming serbisyong pangkomunidad, ng sarili naming regular na milk feeding program para sa mga batang mag-aaral dito sa Sta. Maria,” wika ni dela Rosa. Isang bahagi ng programa ng Catmon MPC ang pagpapautang sa mga miyembro para gamiting pambili ng gatasang kalabaw na may kaakibat na magaang interes at kondisyones. Ayon kay Augusto Dimarucut, livestock division extension head ng Sta. Maria Dairy-Catmon MPC, nasa 53 na ang bilang ng mga miyembrong nabiyayaan ng pautang na ginamit para sa pagbili ng gatasang kalabaw. Ang pagpapautang na ito, aniya, ay nakatutulong para matugunan ang kailangan nilang suplay ng gatas at gayundin ng mga magsasaka na inaasahang kumita dahil sa makapagbebenta sila ng gatas sa halagang Php50 kada kilogramo. Maliban sa gatas ng kalabaw, nagbebenta rin ang kooperatiba ng mga produktong gawa sa gatas ng baka. Para naman kay Emeliza Laurenciana, chairperson ng Catmon MPC, bagama’t bago pa lamang siya sa panunungkulan ay nakikita niyang kahit paano ay kaya nilang makipagsabayan sa malalaking kumpanya pagdating sa pagsasapamilhan ng produkto sa merkado. “Andiyan ang kumpetisyon sa produkto at hindi ito maiiwasan kaya naman talagang sinisiguro namin na maganda ang kalidad ng mga produktong pinoproseso namin,” ani chairperson Laurenciana. Dagdag pa niya: “Hindi talaga kami tumitigil mag-innovate ng produkto kaya nagkakaroon kami ng iba’t ibang flavors na mula sa prutas na tulad ng mangga, strawberry, pinya, at blue berry. Sa tingin ko, ito ang nagiging panlaban namin sa mga kauring produkto sa merkado.” Kung tutuusin, sadya nga namang kapag may tamang paggabay at suporta ng mga kabalikat na mga ahensiya at iba pa, hindi malayong matamo ng mga maggagatas ang pagpapalago pa ng kanilang samahan at ng negosyong isinasagawa nito. Iilan lamang ang RoDRA, RDPA, at Sta. Maria Dairy-Catmon MPC sa mga grupo ng maggagatas na nagpapatunay na kaya rin nilang maging bida sa produksyon, pagpoproseso, at pagsasapamilihan ng mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw. Sila’y mga modelo ngayon sa pagkakaroon ng matitibay na kawing na siyang salik o kailangan sa kadenang nagbibigkis para sa isang matibay na pagnenegosyo sa paggagatasan.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.