Naabot na mga pangarap dahil sa gatasang kalabaw Sep 2016 Karbaw Freddie Boy Dumale, naabot na pangarap, gatasang kalabaw By Ma. Cecilia Irang Kung ano man ngayon ang magandang estado ng pamumuhay ni Freddie Boy Dumale, 29, ng barangay Licaong Science City of Munoz, ito’y isang malaking utang na loob niya sa tatlong tao at isang uri ng kapaki-pakinabang na hayop. Freddie Boy Dumale Ang mga taong pinagkakautangan niya ng loob ay ang kanyang ama, ina, at kuya. Ang pambihirang hayop? Gatasang kalabaw. Si Freddie Boy ay nakatapos ng kursong Agricultural Education major in Animal Science sa Central Luzon State University. Siya ngayon ay corn production teknisiyan sa isang agrochemical company. Para sa kanya, hindi matatawaran ang ginawang sakripisyo ng kanyang ama at ina makapagtapos lamang siya ng pag-aaral. Pangalawa sa tatlong magkakapatid, nagpapasalamat din siya ng malaki sa kanyang Kuya Alexander, 31, dahil sa ginawa nitong pagpaparaya upang makapagtapos siya at ang kanilang bunsong kapatid na si Princess, 27, na nakatapos naman ng kursong Civil Engineering sa nasabi ring unibersidad. “Hindi naman kami inoobliga ng aming mga magulang at kapatid na suklian namin ‘yong suportang ibinigay nila sa amin noong nag-aaral pa kami. Pero, siyempre, naroroon ang pagkukusa namin dahil nga sa malaking utang na loob naming tinatanaw at mataos na pagmamahal sa kanila,” sabi ni Freddie Boy. Kaya, simula nang makapagtapos sa kanyang kurso, humanap agad si Freddie Boy ng trabaho at ang una niyang sweldo ay kaagad niyang ibinigay nang buung-buo sa kanyang mga magulang na sina Victoriano at Dominga Dumale. Pagbabalik-tanaw Taong 2005 nang mahikayat sa negosyong paggagatasan si Alexander habang taong 2010 naman si Victoriano. Pinangalanan ni Victoriano ng “Freda” ang kanyang unang kalabaw na isinunod niya sa pangalan ng anak niyang si Freddie. Ayon kay Victoriano, noong wala pa si “Freda”, hirap na hirap siyang pag-aralin ang dalawa niyang anak na noon ay sabay na nag-aaral sa kolehiyo. Upang makatulong sa pagtustos sa mga gastusin,namasukan ang kanyang asawa bilang katulong sa isang boarding house. Umabot pa nga sa puntong kung kani-kanino sila nakiusap para makautang ng karagdagang panustos. “Pamasahe lang ‘yong kadalasang baon nila noon. Halos wala silang pang-meryenda. Pakiusap ko naman sa kanila na kung gusto rin lang nilang makapagtapos ng pag-aaral ay dagdagan na lang nila ang pagtitiis at pagtitiyaga,” ani Victoriano. Hindi naman naglaon, “dumating” sa kanilang buhay si “Freda”. Sa loob ng isang taon, ito’y nanganak at nagbigay na ng gatas. Kumita ang pamilya ng mahigit Php68,000 sa loob ng apat na buwan mula sa naibentang gatas. “Nagtaka nga noon ang ibang mga tao na nakakikilala sa amin. Dalawa raw ‘yong pinag-aaral ko sa kolehiyo na ang isa nga ay engineering na talagang malaki ang gastusin. Hindi nila alam, katuwang ko ang alaga kong gatasang kalabaw na naging magandang diskarte ko sa paghahanap-buhay,” paglalahad ni Victoriano. Dahil alam ng mga anak niya, lalo na si Freddie Boy, na malaki ang nagiging tulong sa kanilang pag-aaral ng kita mula sa gatas ng kalabaw, aniya’y tumutulong naman sila noon sa pagpapaligo at paggagatas ng hayop at pagsasakate ng pakain. Pagkaraan ng ilan pang taon, nadagdagan ang inaalagaang kalabaw ni Victoriano. Dahil sa ang naging turing nila sa mga alagang hayop ay “kanilang ka-pamilya”, napagpasiyahan nila isang araw na maglagay na ng katreng kanilang tulugan sa tabi ng kanilang kalabaw sa loob ng kural. “Parang tao rin sila na kapag binigyan mo ng sapat na pag-aaruga ay magsusukli rin ng kabutihan at ibayong kapakinabangan,” pahayag ni Victoriano habang nagpapakain ng mga alagang kalabaw samantalang inaayos naman ni Dominga ang katreng kanilang tinutulugan sa gabi. Sa kasalukuyan, may anim na inaalagaang kalabaw ang pamilya Dumale. Tatlo sa mga ito ang inahin at tatlo naman ang bulo. Tuwing ikalawang oras sa gabi, bumabangon si Victoriano at pinakakain niya ang mga alagang kalabaw. Sa araw naman, tumutulong si Dominga sa paglilinis ng kural, kabilang na ang pag-iipon ng mga dumi nito sa lugar ng imbakan, at pagpapaligo sa mga hayop. Kahalagahan ng edukasyon Para kay Freddie Boy, napakahalaga ng edukasyon sa isang tao. Ito, aniya, ay susi sa pagkamit ng mataas na hangarin sa buhay. Lubos nga rin ang pasasalamat niya sa kanyang nakatatandang kapatid. “Sabi kasi sa’kin ni Kuya noon, mag-aral na lang kaming mabuti . Nagsakripisyo siya para makatapos kami ng kapatid ko,” sabi ni Freddie Boy na ang mga luha’y nangingilid sa kanyang mga mata. Dagdag pa niya, “Kapag nagtulung-tulong pala ang magkakapamilya ay may magandang ibubunga. Tulad sa isang halaman na kapag itinanim at inalagaang mabuti, mayroon kang inaasahang pipitasing bunga pagdating ng takdang panahon. Ganyan din sa gatasang kalabaw. Mayroong malaking pakinabang sa takdang panahon,” pagdidiin ni Freddie Boy. Ayon naman kay Victoriano, lagi niyang ipinapangaral sa mga anak nila na huwag silang magpabaya sa pag-aaral dahil ito lamang, aniya, ang tanging maipamamana nila sa kanila. Naniniwala siya na ang edukasyon ay isang karangalang hindi makukuha at mananakaw dahil ito’y isang malalim nang tatak sa pagkatao ninuman habang nabubuhay. “Malaking kayamanan nang maituturing ang aming mga gatasang kalabaw. Dahil sa mga ito, nagawang maabot ng aming mga anak na makapagtapos ng lalong mataas na edukasyon na ngayo’y pinakikinabangan na nila,” sabi ni Victoriano. Sa panig ni Alexander, hindi naman nawalan ng saysay ang kanyang pagsasakripisyo. Isa siya sa labis na natuwa at nagmamalaki sa pagtatapos noong 2009 ni Freddie Boy at ni Princess noong 2012. Sabi naman ni Victoriano: “Di ko mawari ‘yong naramdaman ko noon. Umiyak ako sa sobrang galak. Hindi ako nagkamali na ituring kong mga ka-pamilya na rin ang mga alaga kong kalabaw. Hindi magmamaliw ang ganito kong pagtrato sa kanila at panghabang buhay ko na itong gawain,” ani Victoriano. Sa ngayon, may sarili nang pamilya si Freddie Boy. Siya’y may dalawa nang anak at nakapagpagawa na rin ng sariling bahay. Tulad ng ipinadamang pagmamahal ng kanyang mga magulang,iyon din ang gagawin niyang gabay sa pagpapalaki at pagtataguyod sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Para naman kay Princess, hindi rin naiiba ang kanyang damdamin. Matayog at matiim ang pagtingin niya sa mga taong nagsakripisyo para makamit ang pangarap niya sa buhay. Ngayon isa na siyang project leader sa gagawing mall sa Biñan, Laguna at masasabing malayo na ang narating simula nang siya ay makapagtapos. At silang lahat, ang pamilya Dumale, ay hindi naglilikat ang pagmamalasakit sa kanilang mga gatasang kalabaw dahil na rin sa labis na kapakinabangang naging dulot nito sa kanilang buhay.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.