Gatasang kalabaw, susi sa pag-abot ng mga pangarap ng isang dating maliit na magbubukid Sep 2016 Karbaw Gatasang kalabaw, Leoncio Callo. Mcleo By Khrizie Evert Padre “Sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw, katuwang ang pamilya ko, naabot na lahat ang aming mga pangarap.” Leoncio Callo Ito ang pangungusap na binitiwan ni Leoncio Callo, tagapangulo ng Catalanacan Multi-Purpose Cooperative sa Barangay Catalanacan, Science City of Muñoz, Nueva Ecija, bilang pagpapatotoo sa tinamo niyang maningning na tagumpay sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw. Noon, isang matinding hangarin niya sa buhay na mapagbuti ang kalagayan ng kanyang pamilya at mapagtapos sa mataas na pag-aaral ang mga anak. Ang hangarin niyang ito ang nagsilbing hamon para magpursigi sa gawain katuwang ang may-bahay niyang si Zenaida. “Pag-aalaga ng baka at kalabaw at pagsasaka ang aking pinag-uubusan ng sipag, panahon at pagsisikap nang bagong kasal pa lamang kami ng asawa ko. Iyon ding gawaing iyon ang kinamulatan ng mga naging anak namin,” pagbabalik-tanaw ni Leoncio. Nguni’t napagtanto niya na gaano man ang ginagawa niyang paghihirap sa pagsasaka at pag-aalaga ng kalabaw at baka ay hindi sumasapat ang kanyang kinikita upang abutin ang kanyang mga pangarap. “May sinasaka nga ako pero wala naman akong sariling kapital. Nanghihiram lang ako sa mga nagpapautang para sa pantustos ko sa kailangan sa bukid,” ani Leoncio. Hirap man sa kanyang ginagawa at kinakapos sa panggastos, pinilit nilang iusad sa pag-aaral ang kanilang mga anak, dagdag niya. Taon 2000 nang mapabilang ang kooperatibang kanyang kinaaniban nang maging kuwalipikado sa ipinagkakatiwalang gatasang kalabaw ng PCC. Kabilang siya sa naging benepisyaryo ng programa at tumanggap ng may mataas na lahing gatasang kalabaw. Noon niya ipinasyang iwan ang pagsasaka at ituon na lamang ang kanyang panahon sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw . Naging katuwang niya ang kanyang may-bahay na si Zenaida sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw at iba pang mga alagang hayop. Kabilang sa pag-aasikaso sa mga bagong alaga ay ang pagsisiguro na mayroong sapat na pakain ang mga ito. Ito’y kinabibilangan ng sariwang damo, dayami, concentrates, molasses at mineral supplement. Ginawan na rin nila ng konkretong inuman ng tubig at tinitiyak na laging puno ito ng malinis na tubig. Ang mahusay nilang pag-aalaga sa 33 kalabaw ay humantong sa matagumpay na panganganak ng siyam sa mga ito at nagsimula na sa pagbibigay ng gatas. “Tiyak ang naging paggising namin sa madaling-araw araw-araw. Alas-kuwatro pa lamang ay tumutunog na ang aking cellphone at bumabangon na ako para pasimulan ang gawain,” ani Leoncio. Sumusunod naman agad ang kanyang may-bahay para asistihan siya sa mga gawain sa paggagatasan Isa sa mga natatanging gawain ni Leoncio ay ang pagkakaroon ng isang maayos na talaan ng bawa’t kalabaw na kanyang inaalagaan at lalo na ang naaaning gatas sa mga ito. Bunga nito, madali niyang nalalaman ang kabuuang dami ng gatas na nakukulekta sa bawa’t gatasang kalabaw at ang kita na nagmumula sa mga ito. Dahil sa kanilang pagsisipag at pagtitiyaga sa pagbibigay ng kaukulang pag-aalaga ng kanilang mga gatasang kalabaw, nakapagtala sila ng kabuuang koleksiyon ng gatas na hindi bababa sa 30 hanggang 40 litro mula sa kanilang siyam na gatasang kalabaw. Ito’y may katumbas na kitang Php1,500 kada araw. Ang halagang Php700 ay kanyang itinatabi upang sa pang-araw-araw na gastusin sa pag-aalaga sa mga ito. Kinilala siya ng Catalanacan MPC na laging may pinakamataas na nakukulektang gatas sa lahat ng miyembrong magsasakang-maggagatas ng kanilang kooperatiba. Nang taong 2012, umabot sa 9,468.5 litro ng gatas ang kanilang nakulekta. Sa halagang Php38 kada litro noon, ito ay may katumbas na Php359,803 na kabuuang kita. Noong 2013, sa taunang pamimili na isinagawa ng PCC kaugnay ng ika-20 anibersaryo ng ahensiyang ito, itinanghal at pinarangalan si Leoncio bilang “Best Dairy Buffalo Farmer” sa kategoryang semi-commercial. Sa pagdaraan pa ng mga taon, naganap ang kaiga-igayang pagbabago sa pamilya ni Leoncio. Nagkaroon sila ng maayos na pasilidad para sa kanilang mga gatasang kalabaw at maginhawang naitaguyod ang pag-aaral ng apat nilang anak. Tatlo sa mga ito ay nagtapos na ng kani-kanilang kurso sa pag-aaral. Ang panganay nila na si Leo, 30, ay nagtapos ng Bachelor of Science in Animal Science sa Central Luzon State University (CLSU) at ang pangalawa, si McLeo, 26, ay sa two-year course na Information Technology sa Computer Training Center Foundation sa CLSU. Naging isang Artificial Insemination Technician naman ang pangatlo, si Richard, 22. Ang pang-apat na si Jesusa, 18, ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa CLSU. “Maluwalhating napag-aral namin sila. Nakabibili sila ng mga kailangang damit at ng mga gadget noon habang nag-aaral,” ani Leoncio. Nakabili rin ng hand-tractor, owner-type jeep, tricycle at motorcycle at napaayos na ng pamilya ang kanilang tahanan bilang isang semi-bungalow type. Bukod dito, marami pang iba silang naipundar na mga pangangailangan nila. Sabi ng anak ni Leoncio na si McLeo: “Laging sinasabi ni Tatay sa aming magkakapatid noon na pagbutihin ang pag-aaral namin dahil mahirap ang pagtatrabaho sa bukid. Ayaw nila na maranasan namin ‘yong hirap na pinagdadaanan nila dahil hindi sila nakatapos sa mataaas na pag-aaral,” ani McLeo. Tinukoy ni McLeo na nasa elementarya pa lamang siya noon nang magsimulang mag-alaga ng gatasang kalabaw ang kanyang mga magulang. Aniya niya, nasubaybayan niya ang pagsisikap nilang ginawa para maalagaang mabuti ang mga ito at magbigay ng kaukulang biyaya. “Mula sa paggising nila ng alas kuwatro ng umaga para lamang maggatas hanggang sa matiyagang pagpapakain sa mga ito,” sabi ni McLeo. “Minsan gumigising din ako ng maagang-maaga para magpaligo, magpainom at magpakain sa mga kalabaw habang ginagatasan ang mga ito,” dagdag niya. Isinalaysay rin ni McLeo na naging bahagi rin ng mga mahirap na mga gawain sa pagbubukid tulad ng pagpipilapil at pagtatabas ng damo. Nalaman din niya noon na upang matustusan ang kanilang pag-aaral ay nangungutang ang kanilang mga magulang. Lubos naman ang pagmamalaki ni Leoncio dahil sa “isang katulad ko na dating naghihirap na magsasaka ay napagtapos ng pag-aaral ang mga anak. Isang kayamanan ito na hindi mananakaw sa kanila.” “Iyong mga pangarap ko noon, parang hindi ko kayang abutin. Pero buhat nang magkaroon ako ng mga gatasang kalabaw at dumami sila, unti-unti nagkatotoo ang mga pangarap ko na makapagpatayo ng bahay at makapagpatapos ng mga anak sa pag-aaral,” ani Leoncio. Ang lahat ng mga ito, aniya pa nang may kagalakan sa kanyang boses, ay nangyari dahil sa mga gatasang kalabaw at ng aming lubos na pagsisikhay na mag-asawa.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.