Mga mukha sa 'Dairy Buffalo Multiplier Farm' Dec 2017 Karbaw Dairy Buffalo Multiplier Farm By Chrissalyn Marcelo Binuo at ipinatutupad ng Philippine Carabao Center (PCC) simula pa noong 2014, umaabot na sa siyam ang nagbibigay ng magandang “mukha” sa “dairy buffalo multiplier farm” (DBMF). Ang pagkakaroon ng malakihang produksiyon ng gatas ng kalabaw ay isa sa mga hatid na biyaya ng pagkakaroon ng multiplier farm. Nakatutulong ito upang mas lalong sumigla ang industriya ng paggagatasan sa bansa. At, hindi maikakaila na ang programa o estratehiyang ito ay lubhang nakatutulong sa mabilis at madaling pagpaparami ng may purong lahing gatasang kalabaw sa bansa. Sa ilalim ng programang ito, pinagkakalooban, batay sa nilagdaang kontrata, ang isang indibiduwal ng 20 kalabaw o higit pa para kanyang alagaan at paramihin. Batay sa kontrata, magbabalik ang nakipagkasundong indibiduwal o kumpanya sa PCC ng dalawang babaeng kalabaw kada kalabaw na ipahihiram sa kanya. Mapapasakanya ang orihinal na kalabaw sa sandaling maibigay sa ahensiya ang dalawang anak na babae. Ang “panukling” babaeng kalabaw ay kailangang may edad na 14 na buwan at mayroong bigat na hindi bababa sa 220 kilogramo. Batay pa rin sa kontrata, maaaring bilhin ng benepisyaryo sa PCC ang ikalawang bulo na panukli kung kanyang nanaisin sang-ayon sa itinakdang presyo ng PCC. Lahat naman ng gatas na maaani mula sa mga kalabaw na nanganak ay mapakikinabangan ng benepisyaryo. Sa ilalim ng programa, ang interesadong indibiduwal ay kinakailangan na makapasa sa pagtatasa o ganap na pagsusuri ayon sa mga kailanganin o kahingian sa ilalim ng kontrata. (Basahin sa pahina 9 ang mga kailanganin sa programang ito). Nabuong ‘multiplier farms’ Siyam na nga ang “multiplier farms” ngayon sa bansa sa ilalim ng programang ito ng PCC. Ang mga ito’y ang (1) Javier Multiplier Farm na matatagpuan sa Javier, Leyte; (2) Cagayan Valley Development Cooperative (CAVADECO) sa Solana, Cagayan; (3) Yum Wah Inc. Dairy Farms sa Peñablanca, Cagayan; (4) Lamac Multipurpose Cooperative Multiplier Farm sa Pinamungajan, Cebu; (5) Riverside Livestock and Poultry Farm sa Guimba, Nueva Ecija; (6) Magao Multiplier Farm sa Concepcion, Tarlac; (7) Semirara Multiplier Farm sa Semirara, Calaca, Batangas; (8) BARFARM Agroventures Dairy Buffalo Farm sa Pandi, Bulacan; at (9) Stephenhan Dairy Farm sa San Jose City, Nueva Ecija. Sa tala ng PCC, nasa 368 na Italian mediterranean buffaloes na ang napahiram sa mga multiplier farms na ito samantalang nasa kabuuang 532 na sa ngayon ang bilang ng inaalagaan nilang kalabaw. Sa produksiyon ng gatas, ang naitala nila noong 2017 ay 255,973.64 kilogramo. Sa produksiyong ito, pinakamarami ang sa Stephenhan Dairy Farm na umabot sa 174,083.06 kilogramo. Ang ilan sa multiplier farm Naririto ang ilan sa mga ipinagmamalaking “multiplier farm” ng gatasang kalabaw sa Pilipinas. •Javier Dairy Buffalo Multiplier Farm (JDBMF) Pinakauna sa lahat, ito’y tumanggap ng 50 Italian Mediterranean buffaloes noong 2014 at karagdagan pang 50 noong Enero 2015. Sa kasalukuyan, 159 na kalabaw na ang inaalagaan nito sa may limang ektaryang lupa sa Javier, Leyte. Ayon kay Honielyn Argallon-Barbosa, assistant supervisor sa JDBMF, 18 na sa mga naging anak ang naibayad na nila sa PCC. Sa gatas, ang inani nito noong 2017 ay umabot sa 43, 939.60 kilogramo. Ang mga ito’y ibinenta sa siyam na outlets ng Andok’s sa Baybay City, Ormoc City, Tacloban City, Palo, Lemon at Javier. Ito’y nagpopoproseso rin ng chocomilk, pasteurized milk at kesong puti. “Kasalukuyang tinatapos ngayon ng JDBMF ang isang malaking planta na pasilidad namin sa pagpoproseso ng lahat ng aming naaaning gatas,” ani Honielyn. Idinagdag niya na plano nilang mag-alaga hanggang 800 kalabaw upang tuluy-tuloy na sumigla pa ang paggagatasan sa JDBMF. •Yum Wah, Inc Dairy Farms (YWIDF) Taong 2015 nang makatanggap ng 25 Italian dairy buffaloes ang YWIDF mula sa PCC. Ito ay inaalagaan nila sa may 360 metro kwadradong kulungan nila na matatagpuan sa Barangay Cabbo, Peñablanca, Cagayan. Isa pang kulungan, ayon kay Loreto Valdepeñas, 69, farm manager sa YWIDF, ang itinitindig nila, 500 metro ang layo mula sa farm nila, para sa iba pang mga kalabaw na umaabot sa 200 native at crossbred. Sa pagpapalahi, karaniwang artificial insemination (AI) ang isinasagawa sa YWIDF. Noong nakaraang taon, isinagawa na rin nila ang fixed-time AI sa tulong ng PCC, ani Loreto. Mula sa tinanggap na 25 kalabaw mula sa PCC, siyam na ang naipanganak. Sa mga naging gatasang inahin, umani sila ng 967.80 kilogramo ng gatas nitong 2017. Sa kinakailangang masustansiyang pakain, may 25 ektaryang taniman ng damong napier ang YWIDF. •Riverside Livestock and Poultry Farm (RLPF) Taong 2015 nang mabigyan ng 52 Italian Mediterranean buffaloes ang RLPF. Ito’y matapos na mahikayat si dating Nueva Ecija Gov. Thomas Joson III sa pagkakaroon din ng ”multiplier farm”. Bunga ng iba’t ibang kadahilanan, bumaba sa 48 ang orihinal na kalabaw. Gayunman, ayon kay Leonardo Duque, 48, farm assistant, nakapagbigay na sila ng 22 bulo sa PCC noon pang Hulyo 2016. “Bagama’t nagkaroon ng mga problema, buo ang loob namin na maparami pa ang mga kalabaw dahil tuluy-tuloy ang ginagawang pagpapalahi. May ipinahiram pa sa aming bulugang kalabaw ang PCC at patuloy din ang pagbibigay sa amin ng tulong na teknikal ng ahensiya sa AI at FTAI,” ani Leonardo. Umani ng 6,780.30 kilogramo ng gatas ang RLPF noong 2017. Karamihan sa mga ito, ani Duque, ay ibinenta nila sa Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperatives (NEFEDCCO) at Milka Krem dairy outlet ng PCC. Bukod sa damo, dayami, at feed concentrates, binibigyan din nila ng “blood meal” ang kanilang mga alaga. “Ang blood meal ay binubuo ng nilagang dugo ng manok na inihahalo sa darak,” ani Leonardo. Nasa 6.3 ektaryang lupain ang ginagamit ng RLPF sa “multiplier farm” na binubuo ng lugar para sa mga kulungan, milking parlour at forage area. Ang RLPF ay matatagpuan sa Guimba, Nueva Ecija. Benepisyo ng multiplier farm Ayon sa PCC, ang mga hatid na benepisyo ng “multiplier farm” ay gaya ng mga sumusunod: •matamang mapamamahalaan ng PCC ang pagpapalahi sa kalabaw sa ilalim ng “Genetic Improment Program” para mapaunlad pa ang lahi ng mga kalabaw; •mapararami ang may purong-lahing kalabaw sa Pilipinas na magiging daan sa mas marami pang indibidwal o magsasaka ang mapahihiraman ng kalabaw ng ahensiya; •mapararami ang produksiyon ng gatas na makatutulong upang mas sumigla ang industriya ng paggagatasan sa bansa; at •mapararami pang lalo ang mga DBMF na makapagpapatunay na malaki nga ang kita sa gatasang kalabaw.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.