Patotoo ng isang kabataan: Magagamit ang naiibang kasanayan sa pagkakalabawan Sep 2017 Karbaw Ian Joseph Timothy Selda, MILK-P, AFA By Mervalyn Tomas Paggamit ng makabagong teknolohiya sa agrikultura. Ito’y isang paraan para maka-engganyo ng mga kabataan na sumangkot sa industriya ng pagsasaka. Kailangan ang tama at eksaktong datos upang makapagdesisyon ang LGU nang tama dahil magba-base sila sa datos kung sino ang kanilang ang uunahin na maging recipients sa mga proyekto ng gobyerno.- Ian Joseph Timothy Selda Sang-ayon ito sa di-iilang eksperto na nagsabi ring bukod sa malaki ang kaibahan nito sa makalumang pamamaraan, napadadali at nagiging maganda ang resulta, at halos nakatitiyak ng higit na malaking pakinabang. Hindi maikakaila na madalas na iniuugnay ng mga kabataan ang agrikultura sa kahirapan. Tingin nila ay hindi ito maipagmamalaki kaya mas pinipili nilang lumayo at magtrabaho sa mga lungsod o sa ibang bansa, ayon sa Asia Farmers Association for Sustainable Rural Development (AFA). Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang teknolohiya, kabilang na ang Information and Communication Technologies (ICT), sa pagsasaka, maikokonekta ng mga kabataan ang kanilang kaalaman sa pagpapabuti sa industriyang ito. Isang patotoo si Ian Joseph Timothy Selda, 30, ng Sindangan, Zamboanga del Norte, na nagsabi na ang industriya ng agrikultura sa bansa ay sadyang maipagmamalaki rin. Nakapagtapos ng Bachelor of Science in Information Technology sa Silliman University si Ian. Dahil sa kanyang angking kaalaman sa Information Technology, nakabuo siya ng isang digital mapping system na sa pamamagitan nito’y madaling makikita ang lokasyon at impormasyon tungkol sa mga kalabaw at mga magkakalabaw sa isang lugar. Ang system na nagawa niya ay tinawag niyang “Mga Impormasyon at Lokasyon ng mga Kalabaw sa Pilipinas” (MILK-P). Simula Sa pagsasalaysay ni Ian, nagkaroon siya ng interes na makatulong sa industriya ng pagkakalabawan nang minsang sinamahan niya ang kanyang ama na dumalaw sa Philippine Carabao Center (PCC) National Headquarters and Gene Pool sa Science City of Muñoz. Mayroong malaking aktibidad noon ang ahensiya at inimbitahan ang kanyang ama upang dumalo dahil siya noon ang officer- in-charge ng Municipal Agriculturist’s Office sa Sindangan. Napansin noon ni Ian na walang datos tungkol sa mga kalabaw sa Mindanao na naipresenta sa aktibidad na ito. “Naisip ko noon na puwede naman akong gumawa ng sistema para makuha ang mga datos sa Mindanao,” sabi niya. Dati nang may nagawa si Ian na sistema sa pagkuha ng datos na tinawag niyang Project CHILD o Children’s Information and Location Database. Ang unang pinasukang trabaho ni Ian pagka-graduate niya noong 2010 ay sa Local Government Unit (LGU) ng Sindangan. Ayon sa kanya, pagkatapos ng ilang taong pagtatrabaho niya doon, napansin niyang kulang ang mga datos tungkol sa mga mamamayan. “Kailangan ang tama at eksaktong datos upang makapagdesisyon ang LGU nang tama dahil magba-base sila sa datos kung sino ang kanilang ang uunahin na maging recipients sa mga proyekto ng gobyerno,” paliwanag niya. Kaya naman, gumawa siya ng system kung saan naka-geotag o nakatala ang lahat ng bahay at taong nakatira doon sa Sindangan. Nang makaugnay nilang mag-ama si Dr. Arnel del Barrio, executive director ng PCC, nabanggit nila ang tungkol sa nagawang system ni Ian. Naging interesado ang direktor kaya hinimok niya si Ian na patuloy na makipag-ugnayan sa PCC. MILK-P Ang proyektong MILK-P ay isinasagawa ngayon sa Sindangan. “Dito muna namin pinasimulan ang proyekto para mas malapit at madaling matutukan,” pahayag ni Ian. Sa ngayon, ipinagpapatuloy pa ng grupo ni Ian ang pag-geotag sa mga kalabaw na nasa kanilang lugar. May mga enumerator na pumupunta sa bawa’t magkakalabaw at sila ang nag-i-input sa MILK-P software ng mga kailangang datos. Ang mga datos na itinatala ay kagaya ng kasarian, breed o lahi, edad, at iba pa. Kinukuha rin nila at itinatala ang mga datos tungkol sa mga magsasaka kagaya ng kung ilang ektarya ang kanilang lupa, kabuuan nilang kita, at iba pa. Ayon kay Ian, kung sakali mang may maging interesado sa kanyang system, ipapamigay niya ito nang libre at ang babayaran na lamang ay ang kanyang professional fee kapag itinuro niya kung paano gamitin ang system na ito. Batay na rin sa pagpapatunay sa kanyang nagawa, binibigyang-diin ni Ian na ang kaalamang napag-aralan at nakasanayan sa iba’t ibang propesyon ay magagamit din at lubhang mapapakinabangan sa pagpapabuti pa ng agrikultura sa bansa.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.