Kabataang nagkapuso sa industriya ng paggagatasan Sep 2017 Karbaw James Olaivar, Tairon Torres, kabataang nagsapuso ng paggagatasan By Ma. Cecilia Irang Isang malaking hamon, at ginintuan ding oportunidad, na maituturing na sa mahabang panahon ay 99% ng gatas na kinukunsumo sa bansa ay inaangkat mula sa ibang bansa. Si James Olaivar habang sinusuri ang gatas na nakolekta ng magsasaka sa pamamagitan ng alcohol precipitation test. Bunga nito, bilyun-bilyong halaga ng salapi ang nagugugol sa pag-angkat ng produktong ito. Kung tutuusin, may produksiyon nga rin ng gatas sa bansa at di-maikakailang mayroon ding mga lokal na magsasaka at mamumuhunan na nasa larangan ng paggagatasan. At, may angkop namang likas-yamang agrikultural na makatutustos sa pag-aalaga at pagpaparami ng pinagmumulan ng gatas, na mga kalabaw, baka, at kambing. Kung gatas mula sa kalabaw ang pag-uusapan, yaon ang buong igting ngayong pinagsisikapan ng iba’t ibang sektor sa bansa. Dala na rin ito ng partikular na programa, ang Carabao Development Program (CDP) na iniatang ng batas sa itinatag na Philippine Carabao Center (PCC). Nakapaloob sa programa, ang pagtataguyod ng carabao-based industry o industriyang nakasalig sa kalabaw. Di kataka-taka na marami ngayon ang nagsasabalikat ng mga gawaing kaugnay sa industriyang nakasalig sa kalabaw. Bakit nga hindi ay sa dahilan ngang ang industriyang ito ay siya ngayong tinatawag na “sunshine industry” ng bansa. At mayroon ding mga kabataang nakakita ng malaking oportunidad sa industriyang ito. Kaya’t isinapuso na nila ang pakikilahok sa pagkakalabawan. Tulad nina James Olaivar, 24, at Tairon Torres, 26, na may mahalagang papel na ginagampanan para makatulong na mapalago at maitaguyod ang paggagatasan sa bansa. Silang dalawa ay tinaguriang mga dairy technicians ng PCC sa Ubay Stock Farm (PCC sa USF) na nakabase sa Ubay, Bohol. Bilang mga dairy technicians, isa sa mga tinututukan nila ay ang makahikayat ng mga magsasaka na subukang gatasan ang kanilang alagang kalabaw kapag ito ay nakapanganak na. Gayundin, malaking hamon para sa tulad nilang dairy technicians na paramihin ang mga magsasakang-maggagatas sa kanilang lugar. Ayon kina James at Tairon, maraming mga magsasaka na ayaw gatasan ang kanilang kalabaw. Ang mga karaniwang rason na sinasambit ng mga magsasaka kung bakit hindi nila ginagatasan ang kanilang alagang kalabaw ay ang gatas daw ay para sa bulo lamang, wala silang interes, mahirap ang gawaing paggagatas, at kulang pa sila ng kaalaman at kamalayan na ang kalabaw ay totoong nakapagbibigay ng gatas. Kaya naman para sa kanila, puspusan ang ginagawa nilang panghihikayat at pagpapakilala sa programang paggagatasan sa paggabay ng PCC sa USF. Itinuturing nila itong pansariling hamon at isang pribilehiyo para mapasigla ang industriya ng paggagatasan. Paraan ng paghihikayat Sa tulong na rin ng listahan o database ng artificial insemination at bull loan services ng PCC sa USF, nalalaman nila kung sino at ilan ang mga kalabaw na malapit nang manganak sa mga lugar na nasasakupan ng kani-kanilang mga serbisyo. Minsan naman ay nagiging daan na rin ang mga magsasakang tinuturuan nila para malaman kung sino pa ang ibang mga magsasaka sa kanilang lugar na may alagang kalabaw na malapit nang manganak na puwede nilang puntahan at hikayatin. Mayroon silang kani-kaniyang target na dapat ma-recruit sa lugar na nasasakupan ng kanilang serbisyo. Pitong barangay sa bayan ng San Miguel, Bohol ang nasasakupan ng serbisyo ni James habang walong barangay naman sa bayan ng Ubay, Bohol ang kay Tairon. Isang paraan nila ng paghihikayat ay ang paghahalimbawa nila sa ibang mga magsasakang-maggagatas sa kanilang lugar na matagumpay na at may pinagkukuhanan na ng karagdagang kita mula sa paggagatas. Binabalik-balikan nila ang magsasaka hanggang sa ito ay magpakita ng interes sa programa. Sakaling hindi pa rin makumbinsi ang mga magsasaka ay iniimbitahan nila ang mga ito sa tanggapan ng PCC sa USF para maipakita sa kanila ang aktwal na pagkokolekta ng gatas ng kalabaw at doon ay tinuturuan sila kung paano isagawa ang wastong pag-aalaga ng kalabaw at paggagatas. Kung malayo naman ang lugar nila sa PCC sa USF, sa bahay na mismo ng magsasaka isinasagawa ang pagtuturo kung paano isagawa ang paggagatas. Sa loob ng isang linggo mula sa panganganak ng kalabaw, silang dairy technician muna ang gumagatas. Bunga nito, natututunan ng magsasaka ang paggagatas at sa kalaunan ay madali na nila itong naisasagawa. Para sa kanila, ang kumumbinsi ng mga magsasaka na gumatas at makabilang sa programa ay hindi ganoon kadali. Kaya’t doble ang galak na nararamdaman nila sa tuwing sila ay makahihikayat ng mga magsasaka na sumali sa programa ng paggagatasan at magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan. Sa kasalukuyan, buong-galak na ipinagmamalaki nina James at Tairon na simula nang naging dairy technicians sila ay marami na rin silang nahikayat na mga magsasaka na sumuong sa paggagatas. Si James ay nakahiyat na ng mahigit 30 magsasaka habang si Tairon naman ay mahigit 50 magsasaka na. Ang mga magsasakang ito ay nakabilang na ngayon sa programa ng paggagatasan. Si James Pang-anim sa walong magkakapatid, kumukuha noon ng kursong Information Technology si James. Nguni’t hanggang 2nd year college lamang ang naabot niya. Hindi naman naging maramot sa kanya ang kapalaran dahil napasok siya bilang office clerk noong 2013 sa PCC sa USF sa loob ng tatlong buwan. Nagsimula siyang maging dairy technician noong 2014 na kung saan sa PCC sa USF pa rin siya nagre-report pero office of the provincial veterinarian na ang nagpapasuweldo sa kanya. Bilang dairy technician, bukod sa panghihikayat sa mga magsasaka na gumatas, tungkulin din niya ang sumama sa mga kawani ng PCC sa USF sa pagsasagawa ng orientation tungkol sa programa. Kabilang din siya sa nagmo-monitor ng mga ginagatasan ng mga magsasaka, nag-a-update ng reproductive performances ng mga kalabaw na ginagatasan at nangongolekta ng mga naaning gatas araw-araw ng mga magsasaka sa lugar na nasasakupan niya. Bago dalhin sa pamilihan, nagsasagawa muna siya ng pangunang pagsusuri sa kalidad ng gatas tulad ng alcohol precipitation test (APT) para malaman kung class A, B o C ang gatas. Mayroon siyang sariling talaan kung ilang litro ang nakolekta ng mga magsasaka at kung anong klase ang inani nilang gatas. Ang Bohol Dairy Cooperative, isa sa mga kooperatibang inaasistehan ng PCC sa USF, ang bumibili ng mga nakolektang aning gatas ng mga magsasaka na nasasakupan niya at ng kay Tairon. Nasa Php50 ang halaga kada litro ng gatas na class A, Php35 naman ang class B at walang kaukulang halaga ang class C. Tuwing katapusan ng buwan, nakukuha ng mga magsasaka ang bayad base sa dami at klase ng gatas na naani nila. Mula sa lugar na nasasakupan ng kanyang pagse-serbisyo, si James ay nakakokolekta ng nasa 14 na litro araw-araw sa pitong native na kalabaw at isang crossbred na ginagatasan. Noong nakaraang Pebrero ay umabot sa 426.53 litro ang pinakamataas na nakolekta niya sa isang buwan. Nasa Php280 kada araw o Php5,500 kada buwan ang sinusweldo ng mga dairy technicians. Maliban dito, may Php800 travel allowance pa sila buwan-buwan at sagot ng PCC sa USF ang gasolina ng motor na ginagamit nila sa pag-iikot at pangongolekta. “Araw-araw kami nag-iikot at nangongolekta. Pumapasok kami kahit weekend at holiday pero wala kaming dagdag na suweldo,” wika niya. Pero kahit magkaganoon, aniya, ay hindi naman sila agrabyado dahil sa bawa’t litro ng gatas na nakokolekta nila tuwing weekend at holidays ay may nakukuha silang Php1.50. Si James ay miyembro rin ng San Miguel Dairy Breeders Association habang ang mga magulang naman niya ay miyembro ng Ubay North Western Dairy Breeders Association. Sa kasalukuyan, tatlong kalabaw ang inaalagaan ng pamilya niya, isang Bulgarian murrah buffalo na ipinahiram ng PCC at kasalukuyang ginagatasan, isang native na kalabaw na galing sa DSWD, at isang bulo. “Kaya naman determinado rin akong manghikayat ng mga magsasaka na gumatas. Ito’y bunga na rin ng nasasaksihan ko at ng aking pamilya na maganda talaga ang kita sa pagkakaroon at pag-aalaga ng gatasang kalabaw. May pera ka na sa gatas, may pera ka pa rin na tinatanaw ‘pag ibinenta ang anak nito,” ani James. Dagdag pa niya: “Dahil sa naipon ko mula sa pagiging dairy technician at paggagatas, nakabili na ako ng sarili kong motor, flat screen TV, at nakakatulong ako sa pagpapagawa ng bahay namin. Nakakabili ako ng sarili kong gamit na hindi na ako humihingi sa mga magulang ko. Dati, sa kanila ako humihingi ng panggastos; ngayon, sila naman ang binibigyan ko ng panggastos.” Si Tairon Tulad ni James, ganoon din ang mga responsibilidad at araw-araw na gawain ni Tairon bilang dairy technician. Nguni’t bago mapalaot sa pagiging dairy technician, bagama’t high school graduate lang, ay naging security guard muna si Tairon sa isang mall sa Tagbilaran, Bohol sa loob ng dalawang taon. “Noong 2014, nalaman ko na naghahanap sila ng dairy technician kaya umaplay ako at mapalad namang natanggap,” pagkukuwento niya. Sa lugar na nasasakupan niya, nakakokolekta siya ng 25 litro araw-araw mula sa dalawang native na kalabaw at anim na crossbred na ginagatasan. Noong buwan ng Mayo, umabot pa sa 937.73 litro ang pinakamataas na nakolekta niya sa isang buwan. “Sa kinikita ko ay nakabili na ako ng motor, napaayos na ‘yong bahay namin at natutulungan ko ‘yong mga magulang ko sa gastusin. ‘Yong baon ng bunso kong kapatid ay ako na ang nagbibigay,” ani Tairon. Para kay Tairon, ilan sa mga problema na kinakaharap nilang mga dairy technician ay kapag nasira ang motor na ginagamit nila sa pangongolekta ng gatas at sa pag-iikot para makarating sa mga magsasaka. Mas mahirap pa, aniya, kapag umuulan at bumabaha. “Ang ginagawa ko kapag ganoon ay inaabisuhan ko kaagad ‘yong magsasaka. Tumatawag ako na hindi ako makapupunta sa kanila o kaya ay mahuhuli ako ng dating. Ibibilin ko rin na ilagay muna nila sa ref ‘yong gatas nila,” paliwanag niya. Si Tairon ay miyembro ng San Pascual Dairy Breeders Association. May isang kalabaw din siyang inaalagaan na galing sa DSWD, pero hindi pa ginagatasan. Mabibihira Iilan lamang sina James at Tairon sa mga kabataang may puso at malasakit na rin sa industriya ng paggagatasan. Hindi nila alintana kung wala man silang day-off sa trabaho basta ang mahalaga ay maayos nilang magampanan ang kanilang tungkulin sa mga magsasakang-maggagatas. Sa susunod na limang taon, ang Kagawaran ng Agrikultura ay may adhikain na mula sa isang porsiyento ay tataas hanggang 10 porsiyento ang produksyon ng gatas sa Pilipinas. Kapag nakamit ito, hindi maikakaila na kabilang sina James at Tairon sa taas-noong magsasabing: “Nakapag-ambag ako sa pagtupad ng layuning mapataas ang produksyon ng gatas sa bansa.”
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.