Mga muhon ng PCC sa nilakarang 25 taon Mar 2018 Karbaw muhon ng PCC, 25 taon, CARABAO AND ENTERPRISE DEVELOPMENT, unang taon ng pagkakatatag, INTERNATIONAL QUALITY STANDARDS, R& D By Ma. Cecilia Irang & Mervalyn Tomas Ang ika-25 taong pagkakatatag ng Philippine Carabao Center bilang pangunahing institusyon ng pananaliksik at pag-unlad ay isa sa mga muhon ng tagumpay na ipinagmamalaki nito. Mga muhon ng PCC sa nilakarang 25 taon Ganito kalayo ang narating ng ahensiya dahil sa matibay at nakatuong direksiyon nito, kabilang ang mga estratehiyang ipinatutupad ng mga kawani, kabalikat na mga ahensiya at mga indibidwal. Nguni’t ang lahat ng mga ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa pundasyong inilatag na ng mga “haligi” at “tagapanguna” sa pagpapaunlad ng industriya ng kalabaw bago pa man naitatag ang PCC noong 1992 at kalakip ang mga unang taon ng pagkakabuo nito. 1993-1997 MGA UNANG TAON NG PAGKAKATATAG Ito ang mga taon ng pagsibol ng Philippine Carabao Center. Nagsimula ang operasyon nito noong 1993, matapos na lagdaan ang Republic Act 7307 o Philippine Carabao Act of 1992 noong Marso 27, 1992, at matapos ilunsad ng noo’y Presidente Fidel V. Ramos ang National Carabao Development Program sa sumunod na taon. Noong una ay may anim na sangay na panrehiyon ang PCC sa buong bansa hanggang sa madagdagan ito ng pito pang sangay noong 1994. Sa mga panahong ito, nag-angkat din ang PCC ng 220 American Murrah Buffaloes at 403 Bulgarian Murrah Buffaloes. Nakapagprodyus ng mga ‘test-tube’ na bulo mula sa in vitro fertilized/in vitro matured na embryo at naitindig din ang national headquarters and gene pool facilities sa Nueva Ecija. Ang iba pang mga aktibidades na naganap sa mga taong ito ay ang pagiging host ng PCC sa 2nd Asian Buffalo Congress at paglulunsad ng Carabao-based Enterprise Development (CBED) Program. 1998-2002 INSTITUSYONALISASYON NG CARABAO AND ENTERPRISE DEVELOPMENT Sa panahong ito naitatag ang CBED sa pamamagitan ng ikalawang yugto ng paglulunsad ng Carabao Development Program na pinangunahan ng noo’y Presidente Joseph E. Estrada. Ang iba pang mga muhon ng PCC sa mga taong ito ay ang pag-angkat ng 1,078 Bulgarian Murrah Buffaloes; groundbreaking ceremony at pagpapasinaya ng research and training facilities ng PCC; pagpirma ng gobyerno ng Pilipinas at Japan sa “Water Buffalo and Beef Cattle Improvement Project” (WBBCIP), isang proyektong naglalayon na pagbutihin ang productivity ng kalabaw at baka; pagkakaroon ng satellite laboratory para sa reproductive biotechniques sa kalabaw sa pasilidad ng Frigorifico Allana Limited sa Aurangabad, India, pagdadala sa Pilipinas ng vitrified IVM/IVF-derived na embryo na nabuo sa India at ito ay inilipat sa mga BMB na babaeng kalabaw sa national gene pool ng PCC at sa kalapit na barangay. Sa panahon ding ito ipinanganak ang unang bulo na nabuo mula sa in-vitro produced-vitrified-warmed embryo. Kasabay nito ang ika-55 kaarawan ng dating Presidente Gloria M. Arroyo kaya’t pinangalanan itong “Glory”. 2003-2007 PAGSUNOD SA INTERNATIONAL QUALITY STANDARDS Pagsesertipika ng PCC sa ilalim ng International Organization of Standardization (ISO) 9001:2000. Ang ahensiya ay pumasa sa kabila ng mahigpit na pagsusuri na isinagawa ng SGS (Societe’ Generale Surveillance) Philippines. Ang iba pang mga muhon ng ahensiya sa mga taong ito ay: ipinanganak ang kambal na bulo mula sa mga embryo na in vitro-fertilized; nagsilbing host ang PCC sa 7th World Buffalo Congress; binigyan ng Bureau of Food and Drugs ang PCC ng manufacturing license para sa gatas at keso; ipinatupad ang mga proyektong “Expanding the Reach of AI Program for the Acceleration of Dairy Herd Build-Up” at “Environmental Animal Health Management”; inilunsad ang librong “Changing Lives…Beyond the Draft Carabao”; mas pinaigting ang mga gawaing pananaliksik lalo na sa larangan ng reproductive biotechnology; at pagkakatatag ng PCC Molecular Genetics Laboratory (MGL). Sa mga panahon ding ito sinimulan ng PCC ang pakikipagtulungan sa Korea International Cooperation Agency (KOICA). 2008-2012 PAGTATALAGA BILANG PANGUNAHING INSTITUSYON SA LIVESTOCK R&D Sa mga taong ito nagsimula ang PCC na manguna sa biotechnology R&D sa iba pang mga klase ng livestock bilang resulta ng karagdagang mandato nito mula sa DA. Ang iba pang mga muhon ng ahensiya sa mga taong ito ay: mas lumawak at tumatag ang pagtutulungan ng PCC at KOICA; infusion ng genetic materials para sa gatasang kalabaw; inilunsad ang International Buffalo Knowledge Resource Services (IBKRS) website; pagiging miyembro ng PCC sa International Buffalo Consortium; nagbigay ang PCC ng “international study program on livestock” sa ilalim ng JICA-TCTP; inagurasyon ng “Central Milk Collecting and Processing Facility”; binuksan sa publiko ang “Milka Krem”; isinagawa ng JICA at PCC ang Third Country Training Program para sa Myanmar; nagsilbing host sa 9th ARBS Conference; at inagurasyon ng mga bagong pasilidad ng PCC. Taong 2008 din nang kinilala ang PCC bilang “Most Outstanding Research Institution” at ginawaran ng “Tanglaw Award” ng PCAARRD. 2013-2017 RASYONALISASYON AT STRATEGIC SHIFT SA PAGSASAKATUPARAN NG PROGRAMA Ito ang mga taon nang simulan ng PCC na isakatwiran at ilipat ang pokus nito mula sa pagiging isang “R&D institution” sa pagiging “R4D agency”. Ito’y alinsunod sa pagbabagong naging dulot ng rationalization program ng Department of Agriculture. Maliban sa pagtutuon ng adyenda nito sa pananaliksik noong 2014, sa taon ding ito hinirang si Dr. Arnel del Barrio bilang bagong Executive Director ng PCC pagkatapos magretiro ni Dr. Libertado C. Cruz na nagsilbi sa ahensiya sa loob ng 21 taon. Sa mga taon ding ito nag-angkat ang PCC ng Italian Mediterranean Buffaloes; itinatag at pinasinayaan ang mga pasilidad na tulad ng AI bull farms, semen laboratories at Livestock Innovations and Biotechnology Complex; inilunsad ang dairy buffalo multiplier farm module, milk supplementation program, Dairy Box, Milka Krem outlet sa Laguna; naghost at nagsagawa ng National Carabao Conference, International Training on Reproductive Biotechnology, National Knowledge Sharing Forum at International Conference on CBED; pinangunahan ang Farmers Livestock School sa gatasang kalabaw, at iba pa.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.