Malulusog na kalabaw para sa mas maunlad na kabuhayan Dec 2018 Karbaw malulusog na kalabaw, Fasciola, Surra, Mastitis By Charlene Joanino “Angkop at matiyagang pag-aaruga sa mga kalabaw. Bakit naman hindi mo ito isasapuso at isasagawa e sila iyong kaagapay naming mga magsasaka sa pagsulong ng aming kabuhayan?” alulusog na kalabaw para sa mas maunlad na kabuhayan Ayon ito kay Genielex Raymundo, presidente ng Sinaoangan Sur Dairy Association sa San Agustin, Isabela, na isa sa mga matatagumpay sa pagkakalabawan sa nasabing bayan. Kabilang si Raymundo sa mga dumalo sa pagsasanay na tumalakay sa wastong pag-aalaga at pagsisiguro sa kalusugan ng kalabaw. Ginanap ang pagsasanay noong Mayo 16-18, 2018 sa Isabela. Bunga ng kanyang natutunan sa pagsasanay, naiiwasan na ngayon ni Raymundo ang pagkakaroon ng “fasciola”, “mastitis” at “surra” sa kanyang mga alagang hayop. Si Raymundo ay isa sa napiling mapabilang sa proyektong “Development of Health Care Technologies and Practical Farm Practices in Support of Increasing Buffalo Milk Production”. Nangungunang layunin ng proyekto na masugpo at maiwasan ang mga natukoy na mga sakit ng kalabaw na may lubhang negatibong epekto na idinudulot sa produksyon ng gatas. Ikatlong Proyekto Ayon kay Dr. Claro Mingala, ang proyekto ay naka-angkla sa hangaring maabot ang produksiyon na 2,000,000 kg ng gatas sa Nueva Ecija at 197,000 litro ng gatas sa loob ng tatlong taon sa San Agustin. Ito ang ikatlong bahagi ng programang “Enhancing Milk Production of Water Buffaloes through S&T Interventions”. Ang programa ay isinasagawa sa pagtutulungan ng PCC at Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD). Taong 2016 nang nagsimula ang ikatlong proyekto. Saklaw nito ang mga kooperatiba mula sa National Impact Zone at San Agustin, Isabela. Tagapanguna sa likod ng tatlong taong proyekto sina Dr. Mingala, Dr. Marvin Villanueva at Dr. Ermyn Ermitanio ng PCC. Mayroong kabuuang apat na inisyatibo na napapaloob sa proyekto. Una, ang pagdetermina sa mga naging pangunahing sanhi ng pagkabawas ng produksyon ng gatas. Ikalawa ay pag-alam sa mga teknolohiyang magagamit ng magsasaka upang mapababa ang insidente ng pagkakasakit ng kalabaw. Ikatlo ay pagpapasa ng mga kaalaman at teknolohiya sa mga magsasaka, at ika-apat ay paggawa ng paraan upang maagang matukoy ang mga gatas na apektado ng sakit sa pamamagitan ng molecular-based tests. Kada taon ay kinukunan ng datos ang progreso ng proyekto. Sa unang taon pa lamang ng proyekto ay nakakitaan na ng pagbaba ng bilang ng mga kalabaw na nagtataglay ng mga natukoy na mga sakit. Pamamaraan laban sa mga sakit Ang Fasciola, Surra at Mastitis ay itinuturing na mga pangunahing sakit ng kalabaw. Sa pamamagitan ng proyekto, tiniyak ang mga kaalamang kinakailangan sa paglaban o pag-iwas sa mga nasabing mga sakit. Ang Fasciola o liver fluke, ayon sa mga eksperto, ay sakit na hatid ng mga parasitikong nagmumula sa kontaminadong damong pakain sa kalabaw. Nagdudulot ito ng pagkabawas ng nutrisyon ng kalabaw. Ayon kay Raymundo, natutunan niyang dapat na siya mismo ang magsakate ng pakain para sa kanyang mga kalabaw upang matiyak niya na hindi ito kontaminado ng parasitiko. Inirerekomenda din niya na dapat na isagawa ang pagpupurga at tiyaking malinis ang tubig na ipinaiinom upang maiwasan ang fasciola. Kailangan din, aniya, na ibilad muna ng isang araw ang damo bago ito ipakain sa kalabaw. Ang mastitis o ang pamamaga ng “dede” ng kalabaw ay sakit na ‘di lang nakapagbabawas ng produksyon ng gatas kundi pati kalidad nito. Sa paglalahad ni Raymundo, sinabi niya na bago niya gatasan ang kalabaw ay nililinis muna niya ang “dede” sa pagsasawsaw ng mga utong nito sa tubig na may iodine solution. Pagkaraang gatasan, muli niyang hinuhugasan ang “dede” upang maiwasang makapasok ang bakterya na siyang dahilan naman ng pagkakaroon ng mastitis. Ang ginagawa niya, dagdag pa ni Raymundo, ay isa lamang sa pamamaraan upang maiwasan ang mastitis. Dapat din, aniya, na panatilihing malinis ang koral at paligid ng mga gatasang hayop. Hindi rin dapat, aniya pa, na hayaang umupo ang hayop sa loob ng isang oras pagkatapos na ito’y magatasan. Sinabi pa ni Raymundo na nararapat na ihiwalay ang mga apektadong hayop at gumamit ng antibiotiko na rekomendado ng beterinaryo. Kailangan ding panatilihin ang kalinisan ng mga gamit sa paggagatas at ugaliing suriin ang kalabaw sa pamamagitan ng Somatic Cell Count at California Mastitis Test, dagdag pa niya. Ang surra naman, sa kabilang banda, ay nagiging sanhi ng paghina ng hayop at ng aborsyon. Ito ay naipapasa sa hayop mula sa kagat ng mga insekto na gaya ng Tabanus o horse fly. Ganito naman ang pahayag ni Florencio Madulid ng Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative sa San Jose City. “Simula ng makunan ang kalabaw ko, naging kaugalian ko na ang pagpapaturok ng anti-surra sa mga buntis kong kalabaw”. Upang maiwasan ang pagkalat ng surra, naglalagay ng mga NZI trap ang PCC sa iba’t ibang lugar sa NIZ at San Agustin, Isabela. Gumagamit din ito ng trypanocidal drugs sa kalabaw. Ang NZI trap ay pamitag na gawa sa tela at nilalagyan ng ihi ng kalabaw upang maakit ang mga insekto at sila’y madaling matipon. Sa pagtatapos ng proyekto sa Enero ng susunod na taon, tiniyak ng ahensiya na mas lalo pang palalawigin ang inisyatibo sa pagbabahagi ng kaalaman at teknolohiyang pangkalusugan sa mga magsasakang maggagatas. Kasalukuyang inihahanda na ang mga babasahin at mga polyeto ukol dito upang magsilbing giya sa mga magsasakang maggagatas, ani Dr. Mingala. Base sa datos na nakalap, bumaba sa 21.2% mula sa 51.6% ang insidente ng Fasciola. Sa Surra, mula sa 16% ay bumaba ito sa 5.7% at sa Mastitis naman, mula 26.95% sa 17.36% .
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.