Alam n'yo ba?

 

Takaw-pansin ang isang kalabaw na kung tawagin ay “true albino”

Ito’y dahil sa kakaiba nitong itsura na kabaligtaran ng karaniwang itim na kalabaw. Ayon kay Dr. Ester Flores ng PCC Animal Breeding and Genomics Section ng PCC, ang kalabaw na itinuturing na albino ay may puting buhok at mamula-mulang balat. Madali ring masilaw ang isang albino na siyang dahilan kung bakit mataas ang tiyansang magkaroon ito ng eye cancer.

Ang albinism ay isang recessive trait. Ito ay nailalabas kapag homozygous o may dalawang kopya ng albinism genes na tig-isa mula sa magulang ng albino.  Sa pagkakataong isa lang sa mga magulang ang may albinism gene, awtomatikong nagiging carrier lamang ang anak. Ito ang dahilan kung kaya’t mayroong kalabaw na puti ang buhok, pink ang balat at mayroong konting pigment sa balat at mga mata. Subali’t hindi ito maituturing na isang true albino.

Sa susunod na taon ay balak magsagawa ng Animal Breeding and Genomics Section ng pag-aaral na may kinalaman sa albinism sa kalabaw.

 

Author

0 Response