PRDP World Bank Fund, malaking tulong sa negosyo Sep 2018 Karbaw PRDP, IFC, RTPFC, SADACO ,BODACO By Charlene Corpuz Sa pamamagitan ng pondong ipinagkaloob ng World Bank sa pagsulong ng Philippine Rural Development Project (PRDP), inaasahang mas lalo pang mapagyayaman ang industriya ng pagkakalabaw sa Rehiyon 2 at 7. Benepisyaryo ng PRDP Apat na kooperatiba na inaasistehan ng PCC ang naging benepisyaryo ng PRDP. Ito’y kinabibilangan ng Integrated Farmers Cooperative (IFC) sa Brgy. Namabbalan Norte, Tuguegarao City, Cagayan; Rang –Ay Ti Pussian Farmers Cooperative (RTPFC) sa Alcala, Cagayan; San Agustin Dairy Cooperative (SADACO) sa San Agustin, Isabela; at Bohol Dairy Cooperative (BODACO) sa Ubay, Bohol. Layon ng PRDP na makapagtatag ng sektor ng pagsasaka na makabago, matatag sa alinmang panahon, at tumutugon sa pangangailangan ng merkado. Sa pagtutulungan ng Kagawaran ng Pagsasaka kasama ang iba’t ibang ahensiya at sangay ng gobyerno, pamahalaang lokal, at pribadong sektor, nais maiangat ng PRDP ang antas ng kabuhayan sa kanayunan. Ang PRDP at tulong sa magsasakang maggagatas Ang PRDP ay binubuo ng mga programang I-PLAN para sa pagpaplano, I-BUILD para sa mga istruktura, I-REAP para sa pagpapalago ng mga negosyo, at I-SUPPORT para sa mga pang-suporta sa pagsasagawa ng mga proyekto. Ayon kay Hector Tabbun, hepe ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section ng DA Regional Field Office No. 2, taong 2014 nang magsimula ang proyekto. Nakatanggap ng Php27.5 bilyon na pautang ang gobyerno ng Pilipinas mula sa World Bank na pondo para sa PRDP. “Ang kagandahan ng PRDP, hindi lang ito para sa mga negosyong pansakahan kundi para rin sa pagpapagawa ng mga farm-to-market roads na makapagpapadali sa transportasyon ng gatas at iba pang produkto”, ani Dr. Caro Salces, PCC Deputy Executive Director. Sa ilalim ng I-REAP, na-aprubahan ang business plans ng IFC, RTPFC, SADACO at BODACO. Kasama rito ang mga pasilidad na laan para sa pagkakalabaw, pag-angkat at pagproseso ng produktong gawa sa gatas. Samantalang sa ilalim ng I-BUILD naman iaayos ang mga kalsada at imprastruktura gaya ng koral, milking parlor at lugar para sa pagproseso ng mga produkto. Ayon kay Tabbun, 60% ng pondo sa I-REAP ay manggagaling sa PRDP World Bank fund, 20% mula sa national government at 20% mula- sa provincial government. Sa I-BUILD naman aniya, 80% ng pondo ang mula sa PRDP at tig-10 % mula sa national at provincial government. Mga benepisyaryo Ang PCC, bilang ahensiyang tumututok sa pagkakalabawan ay kasama sa tumutulong at umaagapay sa mga benepisyaryo. “Ang magiging bahagi natin ay ang pagbibigay kaalaman sa mga magsasaka tungkol sa pagpaparami at wastong pangangalaga ng kalabaw upang mapataas ang produksyon ng gatas. Kasama rin dito ang pagsasanay para siguruhin ang kalidad ng produkto mula sa gatas,” ani Direktor Franklin Rellin ng PCC sa Cagayan State University (CSU). Paglalahad pa ni Direktor Rellin, isinagawa ang isang Value Chain Analysis (VCA) tungkol sa industriya ng paggagatas sa Rehiyon 2 noong taong 2014 hanggang 2015. Inalam ng VCA ang mga dapat isaalang-alang o posibleng maging problema mula sa produksyon, pagkolekta, pagproseso at pagbenta ng gatas o produkto mula sa gatas. Ginawang basehan ang VCA para sa paggawa ng Provincial Commodity Investment Plan at Business Plan na kailangan sa PRDP. Kung susumahin, aabot sa Php30 milyon ang kabuuang halagang inilaan ng PRDP I-REAP para sa mga benepisyaryong kooperatiba. Integrated Farmers Cooperative (IFC) Ang IFC ay binubuo ng nasa 200 miyembro na magsasakang maggagatas, magmamais at magpapalay. Nakapag-proprodyus ang IFC ng nasa 50 litro ng gatas kada araw. “Sa tulong mula sa PRDP, ‘di lang nabawasan ang gastos sa paghahatid ng gatas kundi mas mapapaparami rin ang produksyon ng produkto gamit ang mga bagong kagamitang aming natanggap”, paglalahad ni Juan Abagin, IFC products outlet manager. Kaugnay nito, nauna nang napagkalooban ang IFC ng sasakyan at malapit nang matapos ang imprastruktura para sa pagproproseso ng gatas. Ang halagang laan sa IFC sa PRDP I-REAP ay Php11, 657,075. Rang-ay Ti Pussian Farmers Cooperative (RTPFC) Lulan ng malawak na lupaing agrikultural at dami ng babaeng kalabaw na aabot sa 1,247 base sa 2014 datos ng municipal agriculturist, nakakitaan na malaki ang potensiyal ng bayan ng Alcala sa paggagatas. “Pinagkalooban kami ng PCC ng mga kalabaw sa paggagatas. Kung dati nakakukuha lang kami ng tatlong 50 ml na botelya ng gatas mula sa native na kalabaw, ngayon naging posible na ang 3 litro sa isang kalabaw”, kuwento ni Dolores Sayo ng RTFPC sa Alcala. Sa PRDP I-REAP, Php10,616,595 ang halaga ng tulong para sa RTPFC. Nakatanggap na ang kooperatiba mula sa PRDP ng lalagyan ng gatas, palamigan at sasakyan. Kaugnay ng I-REAP, ay ang I-BUILD kung saan sinimulan nang itayo ang konkretong koral, lugar para sa pagproseso ng gatas at tindahan ng produkto ng gatas ng RTPFC. May ginagawa na ring farm-to-market road upang mapabilis ang pag-angkat at transportasyon ng mga produktong gatas. San Agustin Dairy Cooperative (SADACO) Taong 2010 nang tagurian ng PCC ang San Agustin, Isabela bilang “Crossbred Buffalo Capital of the Philippines”. Ang SADACO ay samahan ng mga maggagatas sa nasabing bayan. Ito’y inaasistehan ng PCC mula sa pagsiguro na ligtas ang gatas ng kalabaw hanggang sa pagproseso ng produkto. “Upang magkaroon ng sustainable dairy industry sa San Agustin, nais ng SADACO na makapagprodyus ng ‘di bababa sa 300 litrong gatas kada araw”, ayon kay Joel Cabading, manager, SADACO products outlet. Nasa Php8.5 milyon ang kabuuang halaga ng mga matatangap na tulong ng SADACO mula sa I-REAP ng PRDP. Bohol Dairy Cooperative (BODACO) Ang Bohol Dairy Producers Association (BoDPA)ay nai-rehistro sa Cooperative Development Authority noong 2016 bilang BODACO. Ang mga kasapi ay mga magsasakang maggagatas mula sa Ubay, Mabini, Alicia, Dagohoy, Carmen at San Miguel sa Bohol. “Bagama’t ginagamit na ang pangalang BODACO, piniling patuloy pa rin na gamitin ang BoDPA dahil ito ang na-aprubahan sa PRDP. Magkatuwang ngayon ang dalawa sa pagpapatakbo ng kabuuang operasyon ng kooperatiba,” ani Guillerma Abay-Abay, coordinator ng Carabao-Based Enterprise Development ng PCC sa USF. “Sa tulong ng PRDP, nagkaroon kami ng panibagong pag-asa na maisasakatuparang mapagyaman ang kabuhayang hatid sa amin ng gatasan”, ani Lita Aranas ng BoDPA. Ayon kay Dr. Salces, tinulungan ng PCC ang kooperatiba na gumawa ng pang-anim na taon na business plan proposal para sa PRDP. Kung susumahin, nasa Php9 milyon ang halagang tulong na manggagaling sa PRDP sa ilalim ng I-REAP. Kabilang dito ang mga kagamitan sa pagproseso ng gatas, sasakyan at iba pang kailangan upang maisagawa ng matagumpay ang kanilang business plan. Napakaraming biyayang hatid ng negosyong salig sa kalabaw. Bukod sa masustansiyang gatas, ang mga produktong naiproproseso mula sa gatas tulad ng chocolate milk, yogurt, pastillas, ice cream at marami pang iba ay nakapagbibigay ng adisyunal na mapagkakakitaan sa mga magsasasaka. Ang pagkakataong kaloob para sa IFC, RTPFC, SADACO at BODACO na mapabilang sa mga benepisyaryo ng PRDP ay nangangahulugan ng pagsikad ng mga negosyong may kinalaman sa pagkakalabaw. Ayon sa mga nakapanayam mula sa mga benepisyaryong kooperatiba, ang kabuuang tulong mula sa PRDP ay kanilang matatanggap sa loob ng taong 2018.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.