'Main Course' para sa nutrisyong wasto, kitang husto Jun 2019 Karbaw Main Course, nutrisyong wasto, kitang husto sa pagkakalabawan By Charlene Corpuz Sa maraming okasyon na naghahain ng iba’t ibang pagkain gaya ng pampagana, pangunahing pagkain (main course) at panghimagas, ang bawa’t isang kabahagi ng okasyon ay pipili ayon sa kanilang mga nais na marahil ay batay sa kinasasabikang pagkain, ginustong lasa at maging ang kasalukuyang nararamdaman (mood). Gayunpaman, ang pangunahing pagkain na karaniwang pinakamasustansya sa bawa’t menu ang siyang agaw-pansin para sa nakararami. 'Main Course' para sa nutrisyong wasto, kitang husto Ang pangunahing pagkain na tinutukoy para sa pagkonsumo ng tao ay maihahalintulad o tumutugma din sa pagkain ng mga hayop, na ‘di lamang kapaki-pakinabang sa nutrisyon ng mga ito kundi maging sa mga magsasaka upang magkaroon ng mas mataas na kita. Pangunahing pagkain at benepisyo Pinangangasiwaan ni Dr. Daniel Aquino, center director ng Philippine Carabao Center sa Central Luzon State University (PCC@CLSU), ang teknolohiyang ukol sa pagpoprodyus ng pinatubong damo at mga legumbre sa bakuran (homegrown grasses and legumes) na nakapagbibigay sa mga magsasakang-maggagatas ng inirerekomendang nutrisyon para sa mga lumalaking gatasang kalabaw. Ang nabanggit na teknolohiya ay produkto ng isang proyektong pinamagatang “Development of Feeding Protocols to Support the Nutritional Requirements of Dairy Buffaloes” bilang isang bahagi ng programa ng Pananaliksik para sa Pag-unlad (R4D) na “Enhancing Milk Production of Water Buffaloes through S&T Interventions” sa pagitan ng PCC at ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD). Pinagtibay ng programang ito ang nutrisyon ng hayop bilang isang mahalagang aspeto. “Mainam na pagmulan ng nutrisyon para sa mga kalabaw ang mga pinagbuting damo at legumbre, mas ligtas din ito kumpara sa tradisyunal na pagtatali sa hayop habang nanginginain sa pastulan (tethering system), mas matipid at maginhawa para sa mga magsasaka. Maliban pa rito, tumutugon ito sa kakulangan ng pakain sa panahon ng tag-init. Isa pang inirerekomendang teknolohiyang nakatuon sa nutrisyon ng kalabaw ay ang total-mixed ration (TMR) na binubuo ng water hyacinth at banana stalks,” paliwanag ni Charity Castillo, Science Research Specialist II ng PCC. “Nakapagbibigay ang teknolohiyang pinatubong mga damo at legumbre, pati na rin ang TMR ng maramihang benepisyo sa gatasang kalabaw at mga magsasakang magkakalabaw,” dagdag pa niya. Pagkamit ng napapanatiling kabuhayan Mas maayos na nutrisyon, mas mataas na kalidad ng gatas at karne, at mas mahusay na pagpaparami ng mga bulo ang ilan sa mga benepisyong naisasagawa sa pamamagitan ng wastong pagpapakain at pangangalaga sa mga kalabaw. Kaya naman, ang pagtutuon ng pansin sa inirerekomendang nutrisyon para sa mga gatasang kalabaw ay mahalaga para sa produksyon ng pagkaing pangkonsumo para sa tao, pati na rin sa pagpapatuloy ng kabuhayan ng mga magsasakang nakasandig sa pagkakalabaw. Upang matiyak ang posibilidad ng pagpapatuloy ng kabuhayan sa pamamagitan ng nabanggit na teknolohiya, ang limitadong taniman o pastulan ng mga maliliit na magsasasaka ay ‘di problema sapagka’t ang pagtatanim ng mga damo at legumbre sa isang ektaryang lupa ay sasapat na sa 10-15 kalabaw sa isang buong taon. Kumakatawan sa ‘‘main course’’ ang mga damo at legumbre para sa mga gatasang kalabaw habang ang mga produktong gatas naman ay tumutukoy sa mga panghimagas sa isang menu, na nagpapahiwatig ng masiglang kabuhayan para sa mga maggagatas. “Ang bawa’t produktong-gatas ng PCC ay mula sa iba’t ibang uri ng mga damo sa pamamagitan ng kalabaw (‘di sa kahit na anong makina), na kinakailangan lamang ng wastong pangangalaga,” paliwanag ni Dr. Aquino. Ipinakita ang nabanggit na teknolohiya sa “Farmers’ Field Day and Technology Expo” bilang bahagi ng lingguhang selebrasyon ng anibersaryo ng PCC. Ang pagtatanghal ng mga teknolohiya rito ay naglalayon na ipakilala ang pagkakalabawan, paggagatasan at pati na rin ang mga negosyo at kabuhayang salig dito. Nasa 400 kliyente ng PCC ang dumalo sa nabanggit na selebrasyon na binubuo ng mga magsasaka, mga katuwang at kabalikat na mga ahensya sa industriya ng paghahayupan at paggagatasan. Karamihan sa mga kalahok ay mga kooperatiba ng magsasakang inaasistehan ng PCC sa iba’t ibang sangay ng rehiyon. Sa kasagsagan ng pagdiriwang na nagpapakita ng iba’t ibang teknolohiya, agaw-pansin sa marami ang mga pambihirang pagkain at produktong-gatas na may libreng tikim, nguni’t karamihan sa mga magkakalabaw ay mas interesado pa rin sa teknolohiyang ukol sa nutrisyon ng alagang hayop – ang pundasyon ng magandang kalusugan ng hayop. Gabay ng mandato nito, tinutulungan ng PCC ang mga kliyenteng magsasaka na magkaroon ng mas mataas na kita at maging negosyante sa pagkakalabaw sa pamamagitan ng karne at gatas na makukuha rito. Kung mauunawaan nang lubos ang konsepto sa likod ng produktibong paggamit sa mga kalabaw, tiyak na magbibigay daan ito sa pagpapatuloy ng kabuhayan. Kaya naman, ang sapat na atensiyon ay kailangang agarang ibigay sa paraan pa lamang ng pagpapakain sapagka’t may malaking bahagi at epekto ito sa pagkamit ng nararapat na sustansya sa pagkakaroon ng pinakamataas at mainam na produksyon ng gatas at dekalidad na karne mula sa mga inaalagang kalabaw.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.