'Artscream' tampok ang gatas ng kalabaw Jun 2019 Karbaw Artscream, Audrey’s Dairy, Licaong Dairy Cooperative By Khrizie Evert Padre Patok na patok sa panlasa ng Pinoy ang gatas ng kalabaw dahil sa natatangi nitong sarap at linamnam. Ito ang dahilan kung bakit mas pinipili itong sangkap ng mga gumagawa ng pampalamig tulad ng ice cream at ice candy treats. 'Artscream' gamit ang gatas ng kalabaw Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ng Philippine Carabao Center (PCC), ang gatas ng kalabaw ay itinuturing na pinakakumpletong pagkain dahil sa taglay nitong benepisyo sa kalusugan tulad ng pagkakaroon ng mataas na calcium, protina at mababang cholesterol kumpara sa ibang gatas. Ito rin ang dahilan kung bakit kabilang ang gatas ng kalabaw sa gatas na ipinapainom sa ilalim ng milk feeding program ng ating bansa. Bukod sa benepisyong taglay, ang paggamit ng gatas ng kalabaw ay nakatutulong ng malaki sa pagpapaulad ng kabuhayan ng mga magsasaka-maggagatas at ng kaugnay na industriya sa kabuuan. Ito ang mga naging dahilan kung bakit ninais ni Harvey Keh, isang negosyante, na maitatag ang Audrey’s Dairy. Pagsisimula Itinatag noong Oktubre 2018, ang pangunahing layunin ng Audrey’s Dairy ay makatulong sa mga magsasaka na kabilang sa programa sa pagkakalabaw sa pamamagitan ng paggawa ng de-klaseng produkto na mula sa gatas ng kalabaw. Matatagpuan sa Agriculture and Food Technology Business Incubator o AFTBI ng Central Luzon State University (CLSU) sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija, ang pangunahin nitong produkto ay ice cream, ice candy treats o mas kilala sa tawag nilang “Nutri Icebar” at ang tampok nilang produkto ngayon na “Artscream”. “Kapag maganda ang kita ng magsasaka, gaganda rin ang kanilang buhay, mapag-aaral nila ang kanilang mga anak at mabibigyan ito ng magandang kinabukasan. Naisip ko na kung bibilin ko ang mga ani nilang gatas ay makatutulong akong magawa nila ito,” dagdag niya. Sinimulan niya ang planong ito nang personal siyang dumalaw sa ahensya ng PCC. Noon niya napag-alaman ang mga programang salig sa pagkakalabawan at kaagad ay napagpasyahang simulan ang isang negosyo gamit ang gatas ng kalabaw. “Pinangalanan ko ang aming negosyo sa tatlong taong gulang kong anak na si Audrey. Tulad ng kagustuhan namin na maibigay ang pinakamabuti para sa aming anak, gusto rin naming makapagbigay ng pinakamahusay na produkto sa aming mga mamimili,” ani Keh. Hindi na bago sa larangan ng pagnenegosyo si Keh dahil bukod sa Audrey’s Dairy ay may negosyo rin ang kaniyang pamilya na plastic manufacturing sa Maynila. Aktibo rin siyang tumutulong sa mga kababayang mahihirap sa pamamagitan ng dalawang non-profit organization na kanyang pinamamahalaan. Sa tulong ng PCC ay nagsanay ang kanyang mga tauhan na pawang mga food technologists sa paggawa ng ice cream. Bukod dito ay tinuruan din sila ng tamang pamamahala at pag-iimbak ng gatas. “Kailangan maingat sa paghawak ng pagkain lalo na sa pagmimintina ng kalinisan sa paggawa nito. May sapat ka dapat na kaalaman at hindi ka basta-basta maglalabas ng produkto nang hindi inaalala ang kapakanan ng mamimili mo,” saad ni Hazel Alfon, manager ng Audrey’s Dairy. Ang kanilang suplay ng gatas ay direkta nilang kinukuha sa mga maggagatas na mula sa Palayan City, Nueva Ecija, kay Johnny Dumale ng Licaong Dairy Cooperative, at mula sa PCC. Ayon kay Alfon, ang gatas ng kalabaw ay mainam na gamitin bilang base ingredient sa paggawa ng kanilang produktong ice cream dahil sa linamnam at natural nitong tamis. “Ang produkto namin ay gawa sa purong gatas ng kalabaw. Bukod dito ay gumagamit din kami ng mga natural na pampalasang sangkap. Nguni’t ang pinakamaganda sa lahat, sa bawa’t produkto na mabibili sa amin ay nakatutulong kami sa pag-unlad ng kabuhayan ng ating mga magsasaka-maggagatas,” dagdag ni Alfon. Kabilang sa mga flavors na mapagpipilian ng kanilang mamimili ay strawberry, mango, chocolate, pastillas, champorado at vanilla flavor, na pinakamabili sa lahat. Patuloy rin ang kanilang innovation sa kanilang mga ginagawang produkto. Kabilang na nga rito ay ang kanilang sumisikat ngayon na “Artscream”. Ang “Artscream” ay isang specialized ice cream product na kung saan ang kostumer ay pwedeng magpagawa ng iba’t ibang disenyo tulad ng animal at flower designs para sa mga espesyal na okasyon gamit ang fondant at butter cream na mula sa gatas ng kalabaw. “Hindi ka dapat matakot na gumawa ng bago sa mga produkto mo. Kailangan marunong kang sumabay sa uso at gusto ng mga tao. Mas mainam kung kakaiba sa lahat ang maiisip mo,”ani Alfon. “Naniniwala kami na kahit gaano pa karaming market study ang gawin mo kung hindi mo naman ito sinubok mismo sa merkado hindi ito tatangkilikin sa paraang gusto mo. Kaya dapat huwag kang matakot na mag-innovate at magkamali kasi sa pagkakamali ka matututo,” dagdag pa niya. “Masaya kami kasi umaasa kami na ngayong taon habang nadaragdagan ang aming produkto ay dumarami na rin ang mga pwesto na binabagsakan namin nito,” aniya pa. Bukod sa kanilang “Artscream” ay nag-develop din sila ng ice candy treats o mas kilala sa tawag na “Nutri Icebar”. Ginawa ito para sa mga bata dahil sa taglay nitong sustansya na makatutulong sa pagpapalakas ng immune system at sangkap na pampatalino. Ang pangunahing flavor ng “Nutri Icebar” ay champorado na gawa sa 100% germinated unpolished black rice, gatas ng kalabaw, asukal at tablea na hinahango pa nila mula sa agrarian reform communities sa Davao. Kabilang rin sa ibang flavors nito ay tablea, salted caramel at mga seasonal flavors tulad ng mango at strawberry. Ito ay mabibili sa halagang Php10 kada piraso. Ang mga produkto ng Audrey’s Dairy ay matatagpuan sa AFTBI, at mga cafeteria ng College of Veterinary Science and Medicine ng CLSU at Philrice. Bukas ang Audrey’s Dairy sa pagbibigay ng oportunidad sa mga nagnanais maging distributor ng kanilang produkto.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.