Teacher at seaman noon, 'Caraprenuers' ngayon Mar 2020 Karbaw Manuel at Olivia Palazo, teacher, seaman, caraprenuers By Rovelyn Jacang Kilala ang bayan ng Alaminos Pangasinan sa dinarayong Hundred Islands National Park. Tampok itong puntahan ng mga turista dahil sa natural nitong ganda. Manuel at Olivia Palazo. (LARAWANG KUHA Ni CHARLENE JOANINO) Dahil sa turismong dulot ng mga isla sa lugar, maraming residente ang nakikinabang sa oportunidad na kumita sa dagsa ng mga turistang nais mamangka sa mga isla na pinaniniwalaang mahigit dalawang milyong taon na. Sa kabilang banda, ang mag-asawang Manuel at Olivia Palazo mula sa Brgy. San Roque sa Alaminos ay mas piniling magmina na lamang ng “white gold”. Nguni’t hindi ito isang metal na ginagawang alahas o mga palamuti kundi gatas ng kalabaw na sagana sa protina at iba’t ibang bitamina. “Sa pagkakalabaw madali ang pera, hindi kailangang maghapon magtrabaho kaya mas maraming oras para sa pamilya”ani Olivia. Tunay ngang gumagaan ang anumang gawain kapag ang isang pamilya ay nagtutulungan. Para sa mag-asawa, ang pagkakalabaw ay hindi lamang isang simpleng hanapbuhay. Bagkus ay nakasanayang gawi na kanilang patuloy na pagyayamanin sa abot ng kanilang makakaya. Pagsisimula Nagsimulang magbenta ng gatas ang mag-asawa noong 2013 at gaya ng iba pang dairy farmers sa probinsya, mga crossbred na dati ay pambukid lamang ang kanilang ginatasan. Nguni’t tumamlay ang negosyo ng mag-asawa hanggang sa tuluyan nilang ihinto ang pagbebenta ng gatas. Sinubukan nila ang ibang negosyo gaya ng pagiging dealer ng sofdrink, distributor ng poultry supplies at pag-alaga ng iba’t ibang mga hayop para ibenta. Bagama’t natutugunan ng mga negosyong ito ang kanilang mga pangangailangan, naging kapalit nito ang maraming oras at malaking capital na kailangan nilang ituon sa negosyo. Dahil dito, napagdesisyunan ng mag-asawa na bumalik sa paggagatas ng kalabaw. Bagong Pag-asa Sa kagustuhan ni Olivia na mabenta ang mga gatas, nag-display siya at nag-alok ng gatas sa gilid ng kalsada upang mapansin ng mga nagdadaang motorista. Madali itong napansin ng mga Indian nationals na nakatira sa kanilang barangay at karatig lugar. Sa maghapon, kumikita si Olivia ng halagang Php900 hanggang Php1,100. “Hindi pa sapat ang aming nakukuhang gatas para masuplayan sila (Indian). Kailangan pa namin ng mas maraming gatas” dagdag pa ni Olivia. Hindi man ganoon kaganda ang kanilang panimula sa dairy, hindi nawalan ng pag-asa sina Olivia at Manuel...patuloy pa ring nakikita ang magandang potensyal na dala ng pagkakalabaw. Muling sumigla ang kanilang paggagatas taong 2017 at nagdesisyon silang ibenta ang halos lahat ng alagang hayop para madagdagan ang kanilang alagang kalabaw at tuluyan nang mag-focus dito. MABUNGANG pagsasamahan Mahalaga ang pagtutulungan sa buhay-pamilya at pagnenegosyo ng mag-asawang Manuel at Olivia. Si Manuel ang nagsasakate ng mga damong pakain habang si Olivia naman ang naghahanda ng mga kalabaw para gatasan. Bagama’t hindi na nagtuturo si Olivia, hindi pa rin maiaalis sa kanya ang likas na pagkahilig sa pagtuturo at pagkatuto. Sa kanilang mag-asawa, si Olivia ang nakatokang dumalo sa mga seminars at training. Kanya namang ibinabahagi ang kanyang mga natutunan hindi lamang sa kanyang asawa kundi pati na rin sa iba pang nag-aalaga ng kalabaw sa kanilang lugar. Siya ay sinanay ng PCC upang maging facilitator ng Farmer Livestock School on Dairy Buffalo Production o FLS-DBP. Isa siya sa mga tagapagturo sa kauna-unahang FLS-DBP sa Pangasinan. Plano para sa hinaharap Nais ng mag-asawang Palazo na pagdating ng panahon ay magproseso din ng gatas at gumawa ng iba’t ibang produkto mula rito at sa karne ng kalabaw. Nais din nilang magtayo ng kahit isang simpleng tindahan para rito. Planonilang magpatayo ng kitchen type na pasilidad para sa pagpoproseso ng gatas at karne ng kalabaw. Ang mga pangarap nilang ito ay hindi lamang para sa ikauunlad ng kanilang sariling pamilya kundi upang mahikayat din ang iba pa na subukan ang negosyo ng paggagatas hindi lamang para sa sailing kabuhayan, kundi para rin makatulong na matugunan ang pangangailangan sa gatas sa kanilang lugar.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.