Ugnayang tungo sa pagpapaunlad-panlipunan Jun 2019 Karbaw Ugnayang tungo sa pagpapaunlad-panlipunan, DSWD, SLP, PCC at DSWD By Charlene Joanino & Ma. Cecilia Irang Bunsod ng parehong layunin at adhikain na paunlarin ang kabuhayan ng mga magsasaka, ang PCC at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagsama at nagtulong para maisakatuparan ang hangaring ito sa pamamagitan ng kabuhayang salig sa kalabaw. Ugnayang tungo sa pagpapaunlad-panlipunan Layunin ng nasabing programa na mapabuti ang kondisyon ng pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad para magkaroon sila ng mapagkakakitaan at trabaho. Kabilang sa mga sangay ng PCC na nakikipagtulungan sa DSWD para mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasakang kanilang sinasakupan ay ang PCC sa Ubay Stock Farm (PCC@USF) sa Ubay, Bohol; PCC sa Mariano Marcos State University (PCC@MMSU) sa Batac City, Ilocos Norte; PCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University (PCC@DMMMSU) sa Rosario, La Union; at PCC sa La Carlota Stock Farm (PCC@LCSF) sa La Granja, La Carlota City, Negros Occidental. PCC@USF at DSWD Ang PCC@USF ang una sa mga sangay ng PCC na nagkaroon ng pakikipagtulungan sa DSWD. Nagsimula noong 2015 ang pagpaplano, pag-oorganisa at pagdedebelop para sa proyektong pagkakalabaw ng mga piling benepisyaryo. “Ang DSWD ay mayroong pondo para sa SLP at nakita nilang magandang kabuhayan ang paggagatas. Sa’tin sa PCC, alam naman natin ang proyekto natin, ‘yon ay ang dairy buffalo production kaya nagpasimula tayo ng pakikipagtulungan. Ang pera ay manggagaling sa DSWD habang sa PCC naman ang mga teknolohiya at pagsasanay sa pagkakalabaw,” ani Dr. Caro Salces, deputy executive director ng PCC at dating center director ng PCC@USF na nagsimula ng proyekto. Nagkaloob ang DSWD-SLP ng kabuuang pondo na nagkakahalaga ng Php10 milyon (tig Php20,000 starter kit bawa’t benepisyaryo) para pambili ng 500 babaing native at crossbred na kalabaw. Taong 2016 nang maibahagi sa 500 magsasakang benepisyaryo ang mga nabiling kalabaw. Ang PCC ang bumili ng mga kalabaw sa pamamagitan ng bidding at supplier. Kapag may nahahanap na kalabaw ang supplier ay kaagad itong sinusuri ng PCC. Maliban sa pamimili ng mga kalabaw, ang PCC rin ang nagsasagawa ng mga kinakailangang pagsasanay gaya ng social preparation training at buffalo management training para sa mga benepisyaryo. Ang 500 benepisyaryo ng proyekto ay mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD mula sa limang bayan ng Bohol na tinatayang regional impact zones ng PCC@USF. Mayroong 156 na benepisyaryo ang nasa bayan ng Ubay, 59 sa San Miguel, 103 sa Mabini, 78 sa Alicia, at 104 sa Dagohoy. Samantala, may mga ilang miyembro rin ng 4Ps ang dati nang benepisyaryo ng programang paiwi ng PCC@USF. “Isang pangangailangan na kapag gumagatas na ng kalabaw, ang mga benepisyaryo ay magpamiyembro na sa Bohol Dairy Cooperative (BODACO). Doon na nila dadalhin at ibebenta ang mga gatas na nakokolekta nila,” sabi ni Dr. Salces. “Kapag nanganak naman ‘yong kalabaw na ipinahiram, sa kanila na rin ‘yon mapupunta para masuportahan talaga ang kabuhayan nila,” dugtong niya. Dagdag pa niya tuluy-tuloy ang proyekto ng PCC at DSWD-SLP para mapaunlad ang kabuhayan ng mas marami pang magsasaka. Aniya, karugtong ng pagtutulungan ng dalawang ahensiya ay ang milk feeding program kung saan doble ang layunin nito. Una, makatutulong ang pag-inom ng gatas para sa nutrisyon ng mga bata. Pangalawa, malaking pakinabang ito sa mga magsasakang maggagatas dahil may sigurado na silang mapagbebentahan ng kanilang aning gatas. Mula Enero, 145 sa mga kalabaw na ipinagkaloob ang napasemilyahan habang 81 naman ang kalabaw na pinabulog. Tatlumpu ang kumpirmadong buntis habang 30 rin ang gumagatas. Mula 2017, nakapagtala na ng kabuuang 7,762.45 litro ng gatas sa ilalim ng proyekto. PCC@MMSU at DSWD Unang nagsimula ang pagtutulungan ng PCC@MMSU at DSWD noong 2017 (initial phase) kung saan naglaan ng kabuuang pondo na Php2,240,000 ang DSWD para sa pagbili ng 56 na babaing crossbreds (75% Murrah blood) na kalabaw na pwede nang palahian at ibabahagi sa mga benepisyaryo. Sa kabuuan, mayroon itong 112 piling benepisyaryo na miyembro ng 4Ps. Sa bilang na ito, 40 ang mula sa Batac City habang 72 naman sa Solsona, Ilocos Norte. “Sinabi ko kay Roger Jimenez, Project Development Officer noon na nakadestino sa Batac na hindi kasya ‘yong Php20,000 na starter kit bawa’t benepisyaryo para makabili ng pwede nang palahian na crossbreds. Kaya gumawa kami ng budget proposal at naaprubahan naman,” paglalahad ni Grace Marjorie Recta, center director ng PCC@MMSU. Sa Brgy. Sumader, Batac, Ilocos Norte, ang proyekto ay communal. Hindi bababa sa anim na kalabaw ang nasa kulungan na itinayo mismo ng mga benepisyaryo. Para naman sa mga benepisyaryo sa Brgy. Magnuang, Colo at Tabug Batac City at Solsona, Ilocos Norte, may isang kalabaw ang magkasamang inaalagaan ng dalawang benepisyaryo na magkapitbahay o nasa iisang sambahayan. Sa first phase, limang asosasyon ang nabuo kabilang ang Sumader Dairy Raisers SLP, MAGCOTA (Magnuang, Colo at Tabug) Dairy Raisers Association, Naregta SLP, Rimat SLP at Timpuyog SLP. Nagsagawa ng mga pagsasanay ang PCC@MMSU para sa mga benepisyaryo tulad ng tatlong araw na pagsasanay sa “Carabao Raising and Management leading to Raw Milk Production cum Vermicomposting”. “Ang layunin ng proyekto talaga ay paggagatasan pero habang naghihintay sila na mabuntis, manganak at magbigay ng gatas ‘yong mga kalabaw, tinuruan at hinikayat namin sila na magvermicompost para may iba pa silang pagkakitaan,” ani Dir. Recta. Mula sa orihinal na bilang, umabot na sa 62 ang kalabaw na inaalagaan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng proyekto. Dahil sa nakikitang potensiyal ng proyekto sa gatasang kalabaw, nagsalin ng pondong Php7.2 milyon ang DSWD Region 1 sa PCC@MMSU noong 2018. Gagamitin ito pambili ng 180 kalabaw para sa karagdagang 360 benepisyaryo sa ikalawang yugto (second phase) ng proyekto. Tig 20 benepisyaryo ang mula sa mga bayan ng Salcedo, Burgos at Sto Domingo, Ilocos Sur; at 300 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bayan ng Ilocos Norte kabilang ang City of Batac, Burgos, Marcos, Nueva Era at Pinili, San Nicolas, Solsona at Vintar. Kasalukuyan pa ring bumibili ng mga kalabaw na ipamamahagi pero sumailalim na sa mga kinakailangang pagsasanay ang mga benepisyaryo para sa proyekto. PCC@DMMMSU at DSWD Aabot sa 200 benepisyaryo ng 4Ps sa Aringay at Rosario sa La Union, sa Bayambang at San Carlos City sa Pangasinan ang ngayo’y nagkakalabaw na. Ito’y sa ilalim ng SLP na magkatulong na isinulong ng DSWD Field Office 1 (FO1) at PCC@DMMMSU sa mga nasabing lugar. Dalawang benepisyaryo ang nagmamay-ari sa isang kalabaw. Apat na milyong piso ang pondong nagmula sa DSWD na ginamit pambili ng 100 kalabaw. Tumulong ang PCC@DMMMSU sa pagpili ng mga kalabaw na ipinagkaloob. Sinanay din nito ang mga benepisyaryo sa pag-aalaga.Mino-momonitor din ng center ang pangkalusugang estado ng mga kalabaw. Ayon kay Vilma Gagni, Carabao-Based Enterprise Development (CBED) coordinator ng PCC@DMMMSU, pinuntahan niya ang DSWD-FO1 upang makipag-ugnayan dito hinggil sa SLP. Taong 2017 nang nagsumite ng proposal ang PCC@DMMMSU na tinawag na “Skills Training on Dairy Carabao-Based Enterprise and Management Project for Sustainable Livelihood Program Participants in the Provinces of La Union and Pangasinan”. Pagkaraa’y pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang PCC@DMMMSU at DSWD FO1 na tumagal ng dalawang taon. Layunin sa pagsasanay na mapainam ang socio-economic capacity at magbigay kaalaman at abilidad sa pagnenegosyoso o pagsisimula ng microenterprise ang mga kasapi sa SLP. Saklaw nito ang mga munisipalidad at barangay sa ikalawang distrito ng La Union at lahat ng distrito ng Pangasinan. Sa ngayon, bagama’t wala pang naggagatas ay patuloy pa rin ang pagmomonitor sa mga kalabaw na naipagkaloob sa mga benepisyaryo ng SLP. PCC@LCSF at DSWD “Inaasahan na sa tatlo hanggang limang taon mula ngayon ay kakayaning mapataas pa ang produksyon ng gatas mula sa kalabaw at magkaroon ng produksyon ng gatas na aabot sa 500 litro kada araw,” ani Eden Tomalon, CBED coordinator ng PCC@LCSF ng tanungin hinggil sa kagandahang hatid ng SLP. Ayon kay Tomalon, posible itong makamit lalo’t bukod sa SLP ay may programang “paiwi” din ang PCC kung saan nagpapahiram ng kalabaw ang ahensiya sa mga kuwalipikadong magsasaka. Batay sa MOA sa pagitan ng PCC@LCSF at DSWD FO XVIII noong 2016, nasa pitong milyong piso ang pondong magmumula sa DSWD. Ito’y inilaan para sa pagbili ng 180 kalabaw, at sa pagsasagawa ng mga inisyatiba sa pagsasanay sa 475 benepisyaryo ng SLP. Ang MOA ay tinawag na “Development of Pilot Dairy Cluster Model Project in Negros Island Region (NIR)”. Subali’t hindi nakuha ng center ang pondo dahil nawala ang NIR at ibinalik ito sa dating ngalan na Region 6 at Region 7. Ani Tomalon, nagtutulungan ngayon ang PCC@LCSF at DSWD sa mga isinasagawang inisyatiba sa SLP sa Region 6. Higit sa 15 milyong piso ang pondong inilaan ng DSWD pambili ng mga kalabaw, para sa pagtatayo ng mga bahay ng mga alagang hayop, at pambayad sa mga itinalagang tagapangalaga ng kalabaw. Direktang binibigyan ng pondo ang mga napiling asosasyon o benepisyaryo sa SLP para sa mga nabanggit. Dagdag niya, taong 2016 nang magsimulang mabigyan ng gatasang kalabaw ang mga benepisyaryo. Communal ang naging sistema sa pagmamay-ari ng mga kalabaw. Halimbawa ang siyam na kalabaw ay maaaring alagaan ng 50-150 miyembro ng isang asosasyon o samahan. Ang PCC@LCSF ang siyang tumulong sa pagpili ng mga kalabaw na bibilhin. Nagsagawa rin ang center ng pagsasanay sa pagpoproseso ng gatas, dairy production and management, simple bookkeeping, at entrepreneurial development. Ang ilan sa mga tagapangalaga ng mga kalabaw ay nagkaroon din ng hands-on training mula tatlong linggo hanggang isang buwan sa farm ng PCC@ LCSF. Nagsimulang gumatas ang ilan sa mga nakatanggap ng kalabaw noong 2017 at umabot sa 1,034 na litro ang naitalang nakolekta. Sa sumunod na taon 1,292 litro ng gatas ang nakuha mula sa mga kalabaw na inaalagaan ng Magsaysay Integrated Livelihood for Economic Sufficiency (MILES), Caduha-an Association for Resolute Transformation (CART), Jerusalem Empowered Micro Entrepreneur Livelihood (JEMLA), at Burgos Union for Lucrative Livelihood (BULL). Sa ngayon, limang miyembro ng MILES ang naggagatas. Nakakakuha sila kalimitan ng nasa pito hanggang siyam na litrong gatas sa limang kalabaw. Naibebenta nila ang gatas ng Php80 kada litro. Base sa tala mula sa PCC@LCSF, umabot na sa 1,859 ang benepisyaryo ng kalabaw. Ang mga benepisyaryo ay mula sa Cadiz City, Calatrava, City of Victorias, Hiningaran, La Castellana, EB Magalona, Escalante, at Murcia. Lahat ay pawang nasa Negros Occidental.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.