‘Training farm’ sa Bulacan, humihikayat, nagpapasigla sa industriya ng paggagatasan Dec 2018 Karbaw Virgilio Joaquin, Training farm, Bulacan, Joaduin Dairy Farm By Ma. Cecilia Irang Nagsimula ang lahat sa adhikaing ipakita na sadyang may kinabukasan sa paggagatasan at mas mapasisigla pa ang industriyang ito kung marami ang ma-e-enganyong lumahok sa gawaing ito. Virgilio Joaquin Ito ang nag-udyok sa isang pamilya sa Guyong, Sta. Maria, Bulacan upang itatag ang Joaquin Dairy Farm (JDF) na ngayo’y tagapagsanay ng mga naghahangad na pumalaot sa paggagatasan sa loob at labas ng bansa. Ito ri’y kinikilala at itinalaga bilang isang “assessment venue” ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagkakaloob ng “Animal Production National Certificate (NC) II”. Ayon kay Virgilio Joaquin, tagapamahala at tagapagsanay sa JDF, tumatagal ng 45 araw ang pagsasanay na isinasagawa niya sa JDF. Sa loob ng nasasakupang panahong ito, itinuturo niya ang mga teorya at aktwal na pamamaraan sa wastong pangangalaga sa gatasang hayop pati na rin ang pagproseso ng mga pagkaing labis na maiibigan ng mga tao. Aniya, may hands-on training ang mga nagsasanay upang aktuwal nilang maisagawa ang mga gawain sa pag-aalaga ng hayop tulad ng wastong paggagatas nang manu-mano, paggamit ng milking machine, pagpupurga, pagpuputol ng sungay, paggagamot, pag-iineksiyon ng bitamina, at iba pa. Higit sa lahat, dagdag niya, itinuturo rin niya ang tamang disiplina at pag-uugali na dapat taglayin ng isang tagapag-alaga ng hayop. Sa kasalukuyan, nasa ika-33 batch na ang sinasanay ng JDF. Ang isang batch ay binubuo ng 25 estudyante. Sadyang sinikap ng JDF na magsilbing isang training laboratory ang itinindig na proyekto para sa mga kabataang nais magtamo ng kasanayan sa animal production. Isinuong na rin nito ang pagsisikap na magkaroon ng mga kagamitan para sa mga pagsasanay sa paggagatas, at pagpoproseso ng prutas at gulay. Kabilang pa rin sa isinabalikat na gawain ng JDF ang pag-asiste sa mga on-the-job trainees na makapasa sa “TESDA Assessment on Animal Production NC II” at “Food Processing NC II”. Ayon kay Virgilio, lahat ng lima niyang anak ay may NC II at ang isa niyang anak ay TESDA-accredited na tagasanay ukol sa “animal production”. Dahil sa set-up na ito, nakatitiyak silang 100% na pasado sa TESDA requirement ang pamamalakad nila sa JDF maging ang isinasagawang pagtuturo at pagsasanay nito. Maliban sa mga nais mangibang bansa, karaniwan din sa mga nagsasanay sa JDF ay mga guro at mga may sariling farm na gustong paghusayin pa ang kanilang pamamahala. Mayroon ding mga nagsasanay para makakuha ng NC II para sa trabaho o promotion. Mas marami pa rin, aniya, ang mga nagsasanay na nananatili sa bansa para magtayo ng sariling farm. “Isa sa mga programa ng JDF ay ipakita na may pera sa gatas. ‘Yong mga hindi pa naman desididong mag-abroad ay hinihikayat namin na huwag nang magtrabaho sa ibang bansa dahil mayroon naman talagang kinabukasan sa paggagatasan sa kalabaw man o baka at pati sa kambing,” paliwanag ni Virgilio. Noong 2017, anim sa mga magsasakang-maggagatas na inaasistehan ng Philippine Carabao Center (PCC) ang sumailalim sa pagsasanay sa JDF at matagumpay namang nakatanggap ng “NC II on Animal Production (large ruminants)”. Sila ay mula sa Bagong Pag-asa sa Bagong Talavera Primary Multi-Purpose Cooperative sa Minabuyok, Talavera, Ayos Lomboy Dairy Producers Cooperative at Lakas Magsasaka Multi-Purpose Cooperative sa Guimba. Aniya, nasa apat na batches ang isinasagawa niyang pagsasanay sa loob ng isang taon. Halos lahat ng batches ay pinaglalakbay-aral niya sa PCC para magkaroon ng dagdag kaalaman ukol sa mga programa at serbisyo ng gobyerno sa paggagatasan. “Madalas akong dumadalo ng mga kumperensiya o mga seminar na inoorganisa ng PCC. Dahil doon, nakakukuha ako ng karagdagang impormasyon sa paggagatasan na ibinabahagi ko naman sa mga trainees ko,” ani Virgilio. Bukod sa PCC at TESDA, kabilang din sa kabalikat na ahensiya na umaasiste sa JDF ang National Dairy Authority. Paraan ng pag-aalaga Taong 2000, bilang sila noon ay mga miyembro ng Sta. Maria Dairy Multi-Purpose Cooperative, napahiraman sina Virgilio at ang asawa niyang si Nida ng isang Bulgarian Murrah Buffalo at isang bulugan ng PCC. Mula sa dalawa, naparami na nila ito at ngayon ay umabot na sa 16 ang bilang ng mga kalabaw na inaalagaan nila. Dahil sa limitadong espasyo ng JDF, anim lamang ang natira rito na sila nilang ginagamit para sa pagsasanay. Mula sa bilang na ito, dalawa ang kasalukuyang ginagatasan na kung saan karaniwang 12 litrong gatas ang nakokolekta nila araw-araw. Ibinibenta ng JDF ang nakolektang gatas sa halagang Php65 kada litro sa palengke sa Bulacan. Samantala, nakapaiwi naman ang iba pa nilang mga kalabaw sa mga kapwa magsasakang malapit sa kanilang lugar. May kasunduan silang 50-50 ang hatian sa mapagbebentahan ng kalabaw habang sa magsasaka ang kita sa gatas. Maliban sa kalabaw, mayroong mahigit na 50 inaalagaang baka rin ang pamilya Joaquin na kung saan anim ang kasalukuyang ginagatasan. May mga ilan ding kambing, tupa, native na baboy, bibe, gansa, pabo, at manok. Sa paraan ng pagpapalahi, artificial insemination (AI) ang isinasagawa ng JDF sa mga gatasang hayop. Sa pagpapakain naman, ayon kay Virgilio, hindi sila masyadong gumagastos sa feeds at concentrates dahil sapal ng tokwa, damo, at dayami ang pinapakain nila sa mga alagang hayop. Dagdag pa niya, 10 bags ng sapal ng tokwa ang nakokonsumo araw-araw ng mga alagang hayop. Isang timba nito ang katumbas na pakain para sa isang kalabaw kada araw. Dahil dito, aniya, malakas itong magbigay ng gatas at namimintina ang maayos na nutrisyon ng mga hayop. “Ang mga apo ko kaya matataba at malulusog dahil pinaiinom ko sila ng gatas ng kalabaw at baka. Hindi kami natatakot na ipainom kasi maayos ang pag-aalaga namin at ng mga estudyante ko sa mga hayop,” pagkukwento niya. Nakaplano ngayon na palawakin pa ng mga Joaquin ang kanilang farm at dagdagan pa ang mga alagang kalabaw sa pakikipag-ugnayan sa PCC. Para naman sa mga nagnanais pumalaot sa paggagatas, ganito ang kanyang payo: “Kailangang handa at desidido ang sarili sa negosyong papasukin. Maglakbay-aral sa iba’t ibang farm para makita ang pagkakaiba-iba sa pamamalakad at malaman ang mga tama at mali. Higit sa lahat, kinakailangan nilang magtanong at makipag-ugnayan sa mga ahensiyang kagaya ng PCC.”
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.