Kesong puti ng Sweet Bulakenya, Pamanang 'recipe', naghahatid ng 'big-time' kita Mar 2019 Karbaw Kesong puti, Sweet Bulakenya, By Khrizie Evert Padre Sa mahigit na walong taong paggawa ng kesong puti ng “Sweet Bulakenya”, gatas ng kalabaw ang pangunahing sangkap na ginagamit nito. “Kapag mahina ang loob hindi puwedeng magnegosyo dahil hindi biro ang pagharap sa mga pagsubok. When you are in business you cannot measure how hard it will hurt you and how much it will cost you. Sa lahat ng aspeto ng buhay, lagi nating tatandaan na dapat ay marunong tayong humarap sa mga pagsubok. Dahil doon, makakadiskubre tayo ng iba’t ibang paraan na p’wedeng mapakinabangan sa hinaharap.” -Lani Buencamino (lLarawang kuha ni Charlene Joanino) Nagsimula lamang sa dalawang kilogramo ng gatas ng kalabaw upang makagawa ng kesong puti noong 2011, ang “Sweet Bulakenya Foods” ng San Miguel, Bulacan, ngayon ay nakagagamit na ng maraming gatas ng kalabaw sa paggawa ng mahigit na 200 kilogramong “fresh” kesong puti kada linggo. Isinu-suplay sa mga kilalang high-end restaurants, world class casino-hotel resort at supermarkets ang produktong ito ng “Sweet Bulakenya”. Isang pamanang kaalaman na nagmula pa sa mga ninuno ni Lani Buencamino, 49, na namumuno ngayon sa “Sweet Bulakenya”, ninuno ang naging gabay niya sa paggawa ng kesong puti na nang lumaon ay dinagdagan niya ng sariling bersiyon. Maging pang-almusalan, pang-meryenda o sangkap sa paggawa ng salad, ang “fresh” kesong puti ni Lani ay patok at tinatangkilik na nang maraming mamimili dahil sa naiibang timpla nito. Simulain Para kay Lani, ang pagiging masikap, pagkakaroon ng tamang diskarte sa buhay, at paglingon sa dinanas na hirap mula pagkabata, ang nagsilbi niyang inspirasyon sa pag-asenso at pagpapaunlad ng matagumpay niyang negosyo. Hindi na bago para sa kanya ang pagsabak sa negosyo. Bata pa lamang ay natuto na siyang magbanat ng buto at mamulat sa pagnenegosyo. Kahirapan ang nagtulak sa kanya upang maging masikap sa buhay. “Nagmula lang ako sa isang mahirap na pamilya. Nakatapos ako ng kolehiyo dahil na rin sa kasipagan ko. Kahit anong produkto kasi ay binibenta ko para lamang magkaperang pantustos sa pag-aaral ko,” ani Lani. Inihayag niyang 11 silang magkakapatid at siya ang bunso. Dalawa sa kanila ang sabay na nag-aral sa kolehiyo noon. “Naranasan ko noon na wala kaming maiulam kundi saging. Nasa grade 2 pa lang ako ay nagbebenta na ako ng fish ball sa may dako ng sementeryo. Pati pagtitinda ng barbeque at bulaklak ay ginawa ko rin,” dagdag ni Lani. “Taong 1997 nang ikasal ako sa aking kabiyak na si Cornelio Buencamino, galing sa isang kilala at maayos na pamilya. Suportado ako ng asawa ko sa lahat ng pinapasok kong negosyo, kung baga’y partner kami at hindi kami nag-aaway pagdating sa kabuhayan namin,” sabi pa niya. Sa kanyang pagsasalaysay, sinabi niyang hindi ang paggawa ng kesong puti ang unang negosyo na sinubok nilang pasukin ng kanyang asawa. “Paggawa ng empanada na may palamang karne ng baboy, ham at cheese ang una naming naging negosyo na mag-asawa. Nagmula pa sa tiyahin ko ang recipe nito,” ani Lani. Kanya pang idinugtong na sadyang mahilig din sa pagkain ang pamilya ng mga Buencamino at siya naman ay may likas na hilig sa pagnenegosyo at pagluluto kung kaya’t sinubok nga nila ang paggawa ng empanada. Naibigan naman ito ng mga mamimili dahil na rin sa masarap na timpla. Kaya, mula sa isang puwesto ay nadagdagan ito ng apat pa sa iba’t ibang lugar kasama na ang pagkakaroon ng puwesto sa loob ng mall, dagdag na sabi ni Lani. Kaalinsabay ang pagdami ng kanilang puwesto, naging isang pagsubok sa kanila ang pagpapanatili ng kalidad ng produkto dahil na rin sa pagdami ng kanilang produksyon. Kasabay pa nito, tumaas din ang kanilang gastos dahil sa pagkakaroon nila ng puwesto sa isang mall. Naging dahilan ito nang pagbagsak ng kanilang negosyo nang taong 2009. Bunga nito, umabot sa puntong umayaw na silang sumubok pang muli sa pagnenegosyo. Gayunman, sa kabila ng mapait na karanasan sa naunang negosyo ay ginamit ni Lani ang mga aral na natutunan mula rito nang magkaroon ng oportunidad na makapagsimula ng isang bagong negosyo. Ayon kay Lani, naging malaking tulong ang kapital na ipinahiram sa kanila ng isang may-ari ng foundation na nagpapautang sa tulad niyang negosyante. “Dahil mahilig sa iba’t ibang pagkain ang pamilya at kamag-anak namin na mga Buencamino, tulad na lang ng pastillas at kesong puti na kadalasang ipinabibili sa amin, ay naisip ko na ito ang gawin kong negosyo,” aniya. Naisip din niya na madali itong isagawa. Sa kanyang gunita, bumalik ang recipe sa paggawa ng mga produktong ito na mula sa kanyang mga ninuno. Taong 2010 nang simulan ni Lani ang paggawa ng kesong puti at pastillas. Naging “challenging” ang pagsisimula niya dahil ang mga supplier ng gatas ng kalabaw sa San Miguel ay may itinatakdang 30 kilogramo na dami ng gatas na dapat regular na kunin sa mga ito. “Naisip ko na masyadong marami iyon dahil dalawang kilogramo lamang ang kailangan ko muna. Ni hindi ko tiyak kung tatangkilikin ng mga mamimili ang kesong gagawin ko,” sabi ni Lani. Gayunman, lakas-loob siyang kumuha ng 30 kilogramo na ginawa naman niyang pastillas. Noong una, hind naging mabili ang pastillas at nangasira lang ang marami. Pero sa kalaunan, dahil na rin sa pagbili ng kanilang mga kamag-anak, lumaki na rin ang kanilang benta. “Ipinanreregalo nila at marami ang nakagusto,” ani Lani. Pati ang kesong puti na gawa nila ay naging mabili na rin. “Kaunti lang ang asin at suka na ginamit ko at naging kakaiba sa tradisyunal na gawa. Ito ang naibigan ng mga mamimili lalo ng mga matatanda na may-kaya sa buhay na naging suki na namin,” dagdag niya. Naging susi rin sa pagdami ng parokyano nila ang foundation na nagpahiram sa kanila ng kapital. “May anak pala ang opisyal ng foundation na nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya ng mga high-end fine dining restaurants sa Maynila na kilala sa mga pagkain na base sa Swiss, French at Italian cuisines. Naipakilala kami at naging supplier ng kanilang kesong puti noong 2011,” sabi ni Lani. Mula sa apat na mga sangay nito, umabot na sa pitong restaurants ang sinusuplayan nila ngayon. Doon na nagsimula ang kanilang suwerte. Isa pang sikat na family heritage Filipino restaurant sa Maynila ang naging kliyente nila nang sumunod na taon. “Dahil na rin sa dumarami na ang sinusuplayan namin ng kesong puti ay naisipan namin na magtakda na ng 25 kilogramo na dami ng kesong puti na dapat kunin mula sa amin ng mga kliyente namin sa Maynila. Nagkakahalaga ng Php500 kada kilogramo,” sabi ni Lani. Naging malaking tulong din sa kanilang company profile ang malalaking pangalan ng mga restaurants na kanilang regular na sinusuplayan. Dahil kilala na,madali silang nakapasok bilang supplier ng isang malaki at kilalang supermarket. Mula sa 21 ay umabot na sa 47 ang sangay ng supermarket na kanilang dinadalan ng likhang “fresh” kesong puti. Dumagdag pa rito ang isang kilalang hotel-restaurant and casino, na pag-aari ng isang kilalang negosyante sa mundo, na may sangay sa Parañaque City at Macau. Naging posible ang kanilang pagpasok sa kompanyang ito ng sila ay makapasa sa isinagawang “SGS audit” sa kanilang pagawaan ng kesong puti nang taong 2013. “Dating tauhan pala ng sinusuplayan namin ang nag-rekomenda para makapasok kami sa hotel-restaurant and casino na pumayag na suplayan naming ng aming produkto,” ani Lani. “Bukod pa rito, may dalawa pang nadagdag na malalaki naming kliyente nang parehas na taon,” dagdag niyang sabi. Ito ang karaniwang naging kwento nang pagdami ng kanilang parokyano. Kalimitang ang mga dating tauhan ng kanilang mga sinusuplayan ang siyang nagpapakilala sa “fresh” kesong puti ng Sweet Bulakenya Foods sa mga napasukan nitong kumpanya. “Yong paglawak ng aming merkado, ‘wari namin ay kunektado lahat, mula pa noong umpisa hanggang sa kasalukuyan. Nakatulong pa ang magandang relasyon namin sa aming mga sinusuplayan at pinagkukunan ng gatas,” sabi ni Lani. Sa pagsusuma ni Lani, umaabot na sa mahigit 200 kilong kesong puti ang kanilang regular na sinusuplay sa lahat ng kanilang parokyano kada linggo. Bukod ito sa “fresh” kesong puti at mga produktong may halo nito na kanilang ipinagbibili sa mismong tindahan ng Sweet Bulakenya Foods. Sa dami ng kanilang nagagawang produkto, 2,000 hanggang 3, 000 kilogramo ng gatas ng kalabaw ang kanilang kailangan kada buwan. Nangangahulugan ito na nakagagamit sila ng 60 hanggang 100 kilogramo ng gatas sa isang araw. Nagmumula ang suplay nila ng gatas sa mga backyard farms ng San Miguel, Bulacan, sa Talavera at Gapan City sa Nueva Ecija. Kapag kinakapos, humahango sila ng gatas mula sa PCC@Ubay Stock Farm sa Ubay, Bohol. Maliban sa kesong puti at pastillas, gumagawa na rin sila ng empanada na may palamang kesong puti, halo-halo na sinangkapan ng kesong puti bilang “toppings”, at iba’t ibang variants ng kesong puti tulad ng kesong puti spreadables, kesong puti pimiento, tuyo flavored kesong puti, pusit flavored kesong puti at kesong puti nuggets. Sabi ni Lani: “Ang texture at firmness ng keso na gawa sa gatas ng kalabaw ay consistent, hindi didilaw at regulated ang fats nito. Wala itong amoy, mas healthy, hindi masyadong mahal at kakaiba.” Dahil sa kanyang ginawang “innovations” sa kesong puti, nagbigay daan ito upang madalas siyang maitampok sa mga palabas sa TV tulad ng sa “Umagang Kay Ganda” ng ABS-CBN, “Kapuso Mo, Jessica Soho” at “Unang Hirit” ng GMA 7 at ng local media group na Bulacan TV. Sa bawa’t pagkadapa ay may aral na mapupulot Para sa mga nais pumalaot sa ganitong negosyo, ganito ang payo ni Lani: “Huwag sumuko. Magkakaroon at magkakaroon ng mga hamon, nguni’t hindi dapat panghinaan ng loob. Tibay ng dibdib, lakas ng loob at pagiging focused sa goal ang naging gabay naming mag-asawa.”
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.