Walang lockdown sa serbisyong VBAIT Dec 2020 Karbaw VBAIT, Brgy. Catalanacan, Science City of Muñoz, Nueva Ecija By Charlene Joanino Habang ang lahat ay pinapayuhang manatili sa loob ng kani-kanilang tahanan upang maiwasan ang pagkahawa o pagkalat ng laganap na Coronavirus o COVID-19, buo ang loob ng isang VBAIT na patuloy na ikutan sa iba’t ibang lugar ang mga kliyenteng umaasa sa kaniyang serbisyo. Ito’y habang sinusunod niya ang mga itinakdang health and safety protocols. “Palagi kong naririnig na frontliners ang mga duktor at nars. Nguni’t hindi ba’t kaming mga magsasaka ay katulong din ng mga mamamayan lalo’t ang ani sa bukirin ang inihahain sa hapag- kainan at ang gatas mula sa kalabaw ay ipinaiinom sa mga feeding programs?” -Hipolito Rafael Nagseserbisyo sa mga kapwa magsasaka si Hipolito Rafael, isang Village-based Artificial Insemination Technician (VBAIT), veterinary aide, at magkakalabaw sa Brgy. Catalanacan, Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Ito’y kahit na kung minsan ay walang bayad dahil batid niya ang pagkagipit ng lahat dahil hindi naman napaghandaan ang pandemya. “Noong magsimula ang lockdown, naging limitado ang aking mga napupuntahan at naseserbisyuhan. Hindi naging madali ang paglabas at pagpasok ko sa mga lugar kung saan ako nagbibigay serbisyo bilang VBAIT at veterinary aide pero kailangan kong magpatuloy,” ani Rafael. Bukod sa mga ka-barangay, may mga kliyente rin siya sa Pandalla at Balante. Bilang VBAIT at veterinary aide Kalimitan sa isang araw ay naglalaan siya ng oras upang ma-monitor ang mga kalabaw na na-AI niya o nakatakdang i-AI. Kumikita siya ng Php700 kada AI sa kalabaw. On-call naman siya bilang veterinary aide. Ayon sa kaniya, madalas niyang nakikita ang problema sa kakulangan sa calcium, sakit na mastitis, at pagtatae ng bulo. Binabayaran siya ng Php100 kada konsulta at nadadagdagan ito base sa pangangailangan ng kalabaw gaya ng bitamina at pampurga. “Bilang veterinary aide, may basic akong kaalaman sa panggagamot ng kalabaw. Kapag kailangan na ng beterinaryo o eksperto ay nakikipag-ugnayan na ako sa DA-PCC,” ani Rafael. Taong 1999 nang magsimula siyang mag-alaga ng kalabaw na noo’y katulong niya sa pagbubukid. Aniya, pahirapan dati ang panggagamot ng kalabaw dahil wala pang mga eksperto o mga beterinaryong malapit na maaaring lapitan ng gaya niyang magsasaka. “Hindi ko talaga gustong maging VBAIT dati, pero alam kong mahalagang matuto ako na nagbunga naman ng maganda dahil mas napalawak ang aking kaalaman sa pagkakalabaw,” ani Rafael. Kung kaya’t nang magkaroon ng pagsasanay sa AI ang DA-PCC ay hindi siya nag-atubili pang salihan ito. Kasama siya sa ipinadala sa Carranglan, Nueva Ecija kung saan sinasanay ang mga nais maging AI technician sa loob ng 30 araw. Si Rafael ay miyembro ng Catalanacan Multi-purpose Cooperative na isa sa pinakaprogresibong kooperatibang inaasistehan ng DA-PCC sa Nueva Ecija. Ginagatasan niya ang kaniyang mga kalabaw habang ang dumi ay ginagawang pataba sa taniman ng pakain para sa mga alaga at maging sa kaniyang palayan. Katulong niya ang kaniyang pamilya sa mga gawain. Ang asawa niya ay tumutulong sa pagsasakate. Ang 11 taong gulang naman niyang anak ay marunong magpaligo at regular na nagpapainom ng tubig sa kanilang mga alagang kalabaw. “Pinahiraman ako ng DA-PCC ng tatlong Brazilian Murrah Buffaloes at isang bulugan,” ani Rafael. May anim na inahing kalabaw na inaalagaan si Rafael. Tatlo rito ang kaniyang ginagatasan. Nakakukuha siya ng 25 litrong gatas sa tulong ng twice-a-day milking o dalawang beses na paggagatas sa unang kuwarter ng taong 2020. Nang magkaroon ng pandemya at nabawasan nang malaki ang mga mamimili ng gatas, isang beses na lang siya kung gumatas upang maiwasan ang pagkasira ng aning gatas. “Nakakukuha na lang ako ngayon ng kalahati sa dami ng litrong nakukuha ko dati. Ito ay naipagbibili ko ng Php60 kada litro,” ani Rafael. Mula sa mga gawaing salig sa pagkakalabaw, nakapagpundar si Rafael ng isang kolong-kolong, nasusustentuhan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya, nakapagpapaaral ng anak at unti-unting napaaayos ang kanilang bahay. “Nagtabi kami ng pera at nagsikap na mag-ipon upang may pagkunan kami sa oras ng pangangailangan tulad ngayon. Siguro kung hindi namin ito ginawa ay lubhang nahirapan kami dahil sa pandemya,”aniya. Dagdag pa niya, ito ang kagandahan ng paggagatas dahil araw-araw ang kita sa buong panahon na gumagatas ang mga alagang kalabaw at nakapag-iimpok pa sila.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.