Tuloy ang daloy sa paggagatas

 

Malaking dagok ang dulot ng pandemya sa kabuhayan ng marami kabilang na ang sa mga magkakalabaw na napilay ang produksyon at pagsasapamilihan ng aning gatas.

Sa 197 inaasistehang kooperatiba at asosasyon ng DA-PCC na nasa negosyong kalabawan, 40 ang kabilang din sa operasyon ng pagpoproseso at pagsasapamilihan ng mga produkto na apektado dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at komplikasyong dulot nito.

Sa ilalim ng ECQ, nilimitahan ang paglabas ng mga tao kabilang na ang mga mamimili, suppliers, at producers. Naantala rin ang pagsasagawa ng Milk Feeding Program na magbibigay sana ng sigurado at malawakang merkado para sa aning gatas ng mga magsasaka.

Upang patuloy na makapaghatid ng mga karampatang serbisyong ayon sa ALPAS Kontra sa COVID-19 Program ng DA, nagsagawa ng online survey gamit ang Google Forms ang DA-PCC noong Abril hanggang Mayo para matukoy ang mga naging epektong dulot ng krisis sa mga magkakalabaw.

Ang mga researchers ay nakalikom ng sagot mula sa 381 magsasaka, 156 na Village-based AI technicians (VBAITs), 39 na milk processors, at 54 na milk product distributors na kaagapay ng DA-PCC sa programang pagkakalabawan sa buong bansa.

Karamihan sa mga respondents ay nagbawas ng kanilang mga empleyado sa panahon ng krisis

May mga magsasakang nahirapang makakuha ng AI service, suplay ng pakain, bitamina, at pampurga sa mga hayop

Ang mga VBAITs ay nahirapang makakuha ng kanilang supplies

Ang mga nagpoproseso ng gatas ay nakaranas naman ng problema sa pagkuha ng sariwang gatas at iba pang mga sangkap at materyales sa pagpapakete at paglalagay ng label

Apektado rin ang mga milk distributors dahil sa naranasang hirap sa pagkuha ng mga produktong gatas at pagdadala sa iba’t ibang lugar

Pagdating naman sa operasyon ng negosyo, 172 sa 381 mga magsasaka; 16 sa 39 na milk processors; at 39 sa 54 na milk product distributors ang kinailangang magbawas ng gawain o huminto sa operasyon ng kanilang negosyo noong kasagsagan ng ECQ

Epekto sa Ani

Naging 49.87 litro na lamang mula sa karaniwang 69 na litro kada linggo bago magkaroon ng krisis

Nabawasan ng 4.36% ang karaniwang dami ng gatas na pinoproseso araw-araw; mula sa 103.65 litro ay naging 99.13 litro na lamang

38.88% ng milk distributors naman ang nagsabing mas kaunti ang naibenta nilang produktong gatas

23.72% ng VBAITs  ang huminto naman sa pagbibigay ng serbisyong AI sa alagang hayop ng kanilang mga kliyente

Epekto sa kita

161 sa 381 na mga magsasaka ang napanisan ng gatas dahil walang mapagbentahan (karaniwang 25.71 litro kada linggo ang hindi naibenta sa unang limang linggo ng ECQ)

14 sa 39 na milk processors na karaniwang umaani ng 173.5 litro kada linggo ang hindi nakapagproseso simula sa unang apat na linggo ng ECQ

Php46,421.33 kada buwan ang naitalang lugi ng 15 sa 54 na milk product distributors dahil sa hindi nabenta at napanis na mga produkto

Tinulungan ng DA-PCC ang mga magkakalabaw na makahanap ng merkado para sa kanilang aning gatas

80.48% ay nakatanggap ng suporta at ayuda mula sa iba’t ibang ahensya gaya ng LGU, Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment

Patuloy ang pagsasagawa ng DA-PCC ng mga interventions gaya ng paglulunsad nito ng Kadiwa Buffalo Milk on Wheels at mga proyektong Unlad Lahi Project, Creating Opportunities through Value Innovations and Development, Gatas, Gulay at Karne, at Cara-Aralan na nasa ilalim ng ALPAS Kontra sa COVID-19 Program sa adhikain nitong sabay-sabay na makabangon at makabalikwas ang mga magsasakang apektado ng kasalukuyang pandemya.

 

Author
Author

0 Response