Kainaman ng may kaalaman Sep 2020 Karbaw Kainaman ng may kaalaman, Arnold Cunanan, Porais, San Jose City, Nueva Ecija By Ma. Cecilia Irang Isang prinsipyo ni Arnold Cunanan, 45, ng barangay Porais, San Jose City, Nueva Ecija, na kung papasukin niya ang isang negosyong katulad ng pagkakalabawan, hindi pera lang ang kinakailangang puhunan kundi maging talino at kakayahan. “Buwan-buwan ang pagbibigay ko ng vitamin ADE sa mga buntis na kalabaw habang lingguhan naman sa mga palahian para mabuntis. Pinupurga ko rin ang mga ginagatasan bago manganak at kapag pa-dry off na ang mga ito. Hindi ko na kailangan pang tumawag ng teknisyan para sa mga ganyang gawain dahil kaya ko nang gawin. Kapag may sakit ‘yong kalabaw ko, inirereport ko pa rin sa mga teknisyan ng DA-PCC pero alam ko nang gawin ‘yong first aid treatment. Kinokonsulta ko sa kanila kung ano ba ang gamot sa ganitong sakit, aaralin at iintindihin kong mabuti ‘yong sasabihin nila tapos oobserbahan ko kung paano nila gagamutin para sa susunod alam ko na rin ‘yong gagawin ko.”-ARNOLD CUNANAN Board of Director, SIPBUPCO Nagsikhay si Arnold na pagyamanin ang sariling kaalaman at nagkusang matuto sa maraming bagay patungkol sa pagkakalabawan. Aniya, ito ang kaniyang paraan para mas maging mahusay sa pag-aalaga ng kalabaw at hindi lubusang umasa sa serbisyo ng gobyerno. Nagawa niyang matutunan ang mga pangunahing pamamaraan sa pag-aalaga ng kalabaw sa pagdalo niya sa mga pagsasanay na isinasagawa ng DA-PCC. Maliban dito, malimit din siyang nag-oobserba at nagtatanong sa mga beterinaryo o teknisyan na bumibisita sa kaniyang kalabawan. Ilan sa mga natutunan niya ay kung paano malaman kapag buntis na ang kalabaw, magsuri ng kalidad ng gatas gamit ang alcohol precipitation test, magpurga, magbakuna, mag-iniksyon ng bitamina, at matukoy ang body condition score (BCS) nito. “Kapag talagang pursigido ka sa pag-aalaga ng kalabaw, aalamin mo lahat ng dapat gawin para masigurong maayos ang mga kalabaw mo. Ang mainam sa DA-PCC, hindi lang sila basta nagbibigay ng serbisyo, itinuturo rin nila kung paano ito gawin,” ani Arnold. Aplikasyon ng mga natutunan Kabilang si Arnold, isa sa mga miyembro ng board of directors ng Simula ng Panibagong Bukas Producers Cooperative (SIPBUPCO), sa napahiraman ng DA-PCC ng Brazilian Murrah buffalo sa ilalim ng programang paiwi nito noong 2009. Magmula noon hanggang ngayon ay ibayong kasipagan at dedikasyon na ang ipinamamalas ni Arnold sa pag-aalaga ng kalabaw, dahilan para kilalanin siya bilang “Outstanding Dairy Farmer” ng DA-PCC noong 2014. Hindi niya sinayang ang oportunidad na maging benepisyaryo ng ganitong programa sa halip ay patuloy niyang hinasa ang kaniyang kakayahan at kaalaman para umunlad ang kaniyang kalabawan. Ayon kay Arnold, lubos ang pasasalamat niya kay Mario Delizo, isang dating teknisyan at project development officer ng DA-PCC na matagal umasiste sa kaniya bago ito nagretiro. Dahil, aniya, kay Mario marami siyang natutunan na patuloy niyang inaaplay sa kaniyang kalabawan gaya ng pagtukoy kung buntis na ang kalabaw, pagbibigay ng vitamin ADE para maglandi ang mga ito, at pagpapakain ng feeds base sa litro ng gatas na nakukuha. Masinsinan ang ginagawang pagmomonitor ni Arnold para malaman kung may naglalandi na sa kaniyang mga alaga, kaagad niya itong pasesemilyahan o ‘di naman kaya’y ipabubulog. Isa ito sa mga pamamaraan kaya hindi nawawalan ng buntis na kalabaw sa kaniyang kawan. “Kapag babae ang anak, hindi ko siyempre ibinebenta kasi sila ang mga susunod na inahin. Nakaprograma ako na dapat buwan-buwan ay may manganganak akong kalabaw,” ani Arnold. Mayroon siyang kalahating ektaryang taniman ng pakain ng kalabaw gaya ng Napier. Maliban dito, pinakakain niya rin ang mga alaga ng dayami, ipil-ipil, kamoteng baging, sakate, at feeds. Para masiguro ang maayos na kalusugan ng mga alaga, regular ang pagpupurga, pagbibigay ng bitamina, at pagbabakuna ni Arnold sa mga ito kapag malapit na ang tag-ulan o pabagu-bago na ang klima. Nakatutulong na rin siya sa ilang mga miyembro ng kanilang kooperatiba sa pagbibigay ng paunang lunas kung sakaling magkasakit ang mga kalabaw nila. Bilang resulta ng kaniyang maayos na pag-aalaga, magaganda ang pangangatawan o BCS ng kaniyang mga kalabaw, madalang magkasakit, at maraming magbigay ng gatas na umaabot sa 14 na litro. Benepisyo ng mga natutunan Sa kasalukuyan, 34 ang alagang kalabaw ni Arnold; 10 rito ang buntis at anim ang ginagatasan. Nakakukuha siya ng 22 litro araw-araw dahil pa-dry na ang karamihan sa mga ito. Ibinebenta niya sa halagang Php70-Php75 ang aning gatas sa DVF, Milka Krem, at NEFEDCCO. Karaniwang kumikita siya ng Php50,000 kada buwan mula sa pagbebenta ng gatas. Dahil dito, mabilis siyang nakapagpagawa ng bahay at tuluy-tuloy na nakapagpapaaral ng dalawang anak na sina John Carlo sa kursong engineering at DJ Rafi na nasa Grade 4. Katulong din niya sa pag-aalaga ang kaniyang asawang si Angelita, 40, at mga anak. Bagama’t may iba pang pinagkakakitaan ang pamilya ni Arnold gaya ng pagtatanim ng sibuyas at palay, napatunayan niya, aniya, na mas sigurado ang kita sa pagkakalabaw. “Hangga’t nabubuhay ako hindi ko bibitawan ang pagkakalabaw, kasi mas secure ang kita rito kaysa sa bukid. Kapag nanganak ang kalabaw, may pera na kaagad hindi katulad sa bukid na magtatanim ka pa at kung ulanin o bagyuhin pa’y siguradong mababa ang kita. Sa kalabaw, tuluy-tuloy at walang pinipiling panahon ang kita,” aniya. “Lahat ng kinikita ko sa bukid ay naitatabi ko na sa banko. ‘Yong panggastos sa eskwela at mga pangunahing pangangailangan namin sa araw-araw ay natutugunan na ng kita sa pagkakalabaw,” nakangiting sambit ni Arnold. Plano ni Arnold na paramihin pa ang inahing kalabaw at taniman ng pakain ang isa niyang ektaryang bukid para doon na rin manginain ang iba pa niyang alaga. Kampante siya na mabibigyang-katuparan ang mga naisin niyang ito lalo pa’t nasimulan na niyang pagyamanin ang kakayahan at kaalaman niya sa wastong pag-aalaga ng kalabaw.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.