Biyaya sa panahon ng pandemya Mar 2021 Karbaw Philippine Carabao Center, Department of Agriculture, Sweet Bulakenya, Lani Buencamino By Khrizie Evert Padre Sa gitna ng pandemya, marami man ang nagsarang negosyo o pansamantalang tumigil sa operasyon, meron pa ring mga nakipagsapalaran na magbukas at magpatuloy sa paghahanapbuhay. “Sa anumang aspeto ng buhay, lagi nating tatandaan na dapat ay marunong tayong humarap sa anumang pagsubok. Huwag susuko. Magkakaroon at magkakaroon ng mga hamon, nguni’t gamitin natin ang mga aral mula rito upang lalong tumatag ang ating negosyo.” - Lani Buencamino Tulad na lamang ni Lani Buencamino, may-ari ng Sweet Bulakenya Foods, na bagama’t hinamon ng kasalukuyang pandemya ang kaniyang negosyo, bagong oportunidad naman ang nabuksan para lalo pa niyang mapalago ito. Ang Sweet Bulakenya Foods na matatagpuan sa San Miguel, Bulacan ay nakilala sa kanilang home-made, all-natural na kesong puti gamit ang gatas ng kalabaw bilang pangunahing sangkap . Kabilang sa sinusuplayan ng kanilang patok na kesong puti ay mga kilalang high-end restaurants, world class casino-hotel resort at supermarkets sa bansa. Nguni’t dahil sa humina ang demand, direktang naapektuhan ang mga negosyong ito, gayundin ang mga magkakalabaw na supplier niya ng gatas. Nakararanas man ng pagsubok ang kaniyang negosyo, mas nanaig ang lungkot na naramdaman ni Lani nang malaman ang sitwasyon na dinaranas ng mga magsasaka-maggagatas. “Marami ang ‘di maibentang gatas at limitado ang kaalaman nila kung paano ito ipoproseso kaya’t nakapanghihinayang kung ang kanilang hanapbuhay ay mapupunta lang sa wala. Doon ako nag-isip ng paraan kung paano ko sila matutulungan,” ani Lani. Sinimulan niyang manawagan sa mga magsasaka na dalhin ang kanilang aning gatas sa kaniyang pwesto araw-araw, konti man o marami, regular man o pansamantala. Hindi man katulad ng dating presyo ang pag-angkat niya ng gatas ay naibalik naman ang puhunan ng mga maggagatas. Ang kaniyang pagtulong sa mga magsasaka ay lalong lumawig nang tumugon din sa pagtulong ang matataas na opisyal ng San Ildefonso at San Jose del Monte, Bulacan. Sa pamamagitan ng kanilang mga programa para sa kanilang nasasakupan ay naisama ang gatas ng kalabaw sa relief packs bilang ayuda sa taumbayan. Ayon sa kaniya, nakatulong ang ganitong paraan upang maipagpatuloy ng mga magsasaka ang kanilang produksyon ng gatas sa kabila ng nararanasang krisis. Dahil sa malikhaing pag-iisip ng iba pang paraan ng pagtulong sa mga nangangailangang maggagatas ay pinagbuti pang lalo ni Lani ang kaniyang produkto sa pamamagitan ng pag-eeksperimento ng iba’t ibang flavor ng spread gamit ang kaniyang pangunahing produkto na kesong puti. Isa sa mga unang naimbentong produkto ni Lani ay ang kesong puti spread. Gamit ang purong gatas ng kalabaw ay ginawa itong simpleng keso at pinino upang mas lumutang ang kakaibang lasa at ginawang “spreadable”. Bukod dito ay sunud-sunod na rin niyang ipinakilala ang iba pang produkto tulad ng cream cheese pimiento spread, yema spread, pastillas spread at ang ube jam spread. Ang ube jam spread ay may dalawang bersyon: may ube bits at pino. Ito ay gawa sa puro at magandang klase ng ube na binili pa mula sa mga Dumagat na nagtatanim sa mga kabundukan ng Doña Redios Trinidad, Bulacan. Dahan-dahan itong niluluto sa mahinang apoy. Mga iskolar ng Sweet Bulakenya Foods ang gumagawa nito. Para naman sa kaniyang cream cheese pimiento spread, inihahalo ang purong gatas ng kalabaw sa pimiento o bell pepper na sariling ani niya sa kaniyang bakuran. “Naisip kong pagyamanin ang produktong gawang Pinoy na may magandang kalidad, orihinal at masustansya. Bukod dito, hangad ko na patuloy na matulungan ang mga maggagatas sa kanilang produksyon ng gatas at makapagbigay ng kabuhayan sa mga lokal na produkto sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong bersyon nito,” saad ni Lani. Ayon pa sa kaniya, hindi lang pagbebenta ng de-kalidad na produkto ang hangarin ng kanilang negosyo kundi ang makapagbahagi rin ng kanilang tagumpay sa mga batang may talino nguni’t walang kakayahang mag-aral sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship sa mga ito. Bagama’t may pandemya, hindi naging mahirap para sa Sweet Bulakenya na maibenta sa merkado ang kanilang mga bagong produkto. Sinubok nila ang online selling at dito unti-unting nanumbalik ang sigla ng kanilang negosyo. Gamit ang social media at iba’t ibang online shopping apps bilang parte ng kanilang marketing strategy, pumatok ang kanilang mga bagong produkto sa mga bagong customers. Hindi lang napantayan ng kanilang benta sa online selling ang dati nilang kinikita kundi nahigitan pa. Naging posible ang lahat ng ito dahil para kay Lani, ang pagkakaroon ng dedikasyon, lakas ng loob at hindi pagsuko sa anumang hamon sa larangan ng negosyo ang siyang susi sa pag-abot ng tagumpay. “Sa anumang aspeto ng buhay, lagi nating tatandaan na dapat ay marunong tayong humarap sa anumang pagsubok. Huwag susuko. Magkakaroon at magkakaroon ng mga hamon, nguni’t gamitin natin ang mga aral mula rito upang lalong tumatag ang ating negosyo.”
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.