Solusyon para sa Mas Mahusay na Reproduksiyon ng Kalabaw May 2017 iAsk Series artificial insemination, reproduction performance, povidone-iodine solution By Caro Salces & Guillerma Abay-abay & Alexander Casinillo & Gundolino Bajenting Ang pagpasirit ng iodine solution sa loob ng matris ng kalabaw o “uterine flushing with iodine” ay isang pamamaraang pangbeterinaryo na tumutulong upang mapadali ang panunumbalik ng matris sa normal at gumagamot sa pamamaga at impeksyon nito pagkatapos manganak. Ang teknolohiyang “uterine flushing” ay nagpapaikli ng panahon ng pagbabalik sa normal ng matris na nagreresulta naman sa maagang paglalandi at muling pagbubuntis pagkatapos manganak. Ang pag-iibayo ng pagpaparami ng kalabaw sa pamamagitan ng artificial insemination (AI) bilang isang paraan ng pagpapabuntis ng alagang gatasang kalabaw ay isang hamon para sa layuning mapaikli ang pagitan ng panganganak (calving interval) nito nang 14 buwan na lamang. Ang 15-16 buwang pagitan sa panganganak ay nakakamit sa pamamagitan ng likas na pagpapabulog (natural breeding) kung saan 10.5 buwan ay para sa pagbubuntis, dalawang buwan ay para manumbalik sa normal ang sinapupunan (uterine involution) at tatlong buwan naman ay para sa pagpapabulog upang mabuntis – o kabuuang 15.5 buwan. Makakamit ang 14 buwang pagitan sa panganganak sa pamamagitan ng AI kapag ang dalawang buwang pagbabalik sa normal ng sinapupunan ay magiging isa’t kalahating buwan (45 araw) na lamang, at ang tatlong buwang pagpapabuntis ng kalabaw ay magagawang dalawang buwan (60 araw) na lamang. Solusyon Ang teknolohiyang “uterine flushing” ay nagpapaikli ng panahon ng pagbabalik sa normal ng matris na nagreresulta naman sa maagang paglalandi at muling pagbubuntis pagkatapos manganak. Ang maagang muling pagbubuntis ng kalabaw sa loob ng 42 araw matapos manganak ay nagpapataas ng posibilidad ng matagumpay na AI at sa dakong huli ay hahantong sa mas maikling pagitan ng pagbubuntis ng kalabaw. Ang paglilinis ng matris ng kalabaw sa pamamagitan ng “uterine povidone-iodine flushing” ay kailangang isagawa sa loob ng 48 oras matapos ang panganganak. Ito ay upang maprotektahan ang matris mula sa mga impeksyon at pamamaga na tinatawag ng beterinaryo na “post breeding endometritis.” Kaya, nagiging mas maalwan ang muling pagbubuntis at pagpaparami nito. Ano ang mga materyales na kakailanganin? • 10% Povidone-Iodine Solution (Panlanggas na iodine na nabibili sa botika) • 60ml na hiringilya • A.I. straw sheath Paano isinasagawa ang uterine flushing (sa loob ng 48 oras pagkapanganak)? 1. Paghaluin ang 400ml ng 10 percent povidone-iodine solution sa 600ml na tubig. Ang pinaghalong tubig at solusyong povidone-iodine ay makagagawa ng isang litro ng 4 percent solution para sa uterine flushing. 2. Linising mabuti ang labas na bahagi ng ari ng kalabaw na gamit ang tubig at sabon. 3. Maglaan ng 120 ml ng 4 percent povidone-iodine solution para sa bawa’t isang kalabaw gamit ang 60 ml na hiringgilya. 4. Kumuha ng iodine solution na gamit ang 60 ml na hiringgilya. 5. Ipasok ang “straw sheath” direkta sa matris sunod sa gabay ng “rectal palpation” o pagkapa sa puwit ng kalabaw. 6. Ikabit ang 60 ml na hiringgilya sa dulo ng AI sheath at iturok ang povidone-iodine solution. 7. Alisin ang hiringgilya at iwan ang AI straw sheath mula sa puwerta, saka muling maglagay ng 60 ml ng 4 percent povidone-iodine solution dito. 8. Hugutin at linising mabuti ang AI sheath hanggang sa dulo nito at itapon sa wastong tapunan. Resulta Ang hayop na ginamitan ng 4 percent povidone-iodine solution para sa uterine flushing ay nagpakita ng pagkaalwan lalo na sa maselang bahagi nito. Samantala, 29 na araw pagkapanganak, bumalik na sa normal na kundisyon ang matris ng hayop samantalang 33 araw naman ang naging pinakamaagang panahon ng paglalandi nito. Ito ay nangangahulugang ang AI na isinagawa ay nakakuha ng 75 percent na tagumpay. Mga aral na natutunan • Ang uterine flushing ay napatunayang nakalilinis ng matris ng kalabaw. • Napadadali o napabubuti ang paggaling ng matris ng kalabaw pagkatapos manganak. • Napaiikli ang panahon ng involution o pagbabalik sa normal ng matris na humahantong sa maagang paglalandi at pertilidad ng kalabaw. • Nababawasan ang pagitan ng panganganak ng kalabaw.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.