Ngiti ng tagumpay sa Ubay Mar 2017 Karbaw BODACO, Fernando Dupalco, Ubay, Bohol By Mervalyn Tomas Madaling araw pa lang, gising na si Mang Fernando Dupalco. Gayak na siya para sa paggatas ng kanyang kalabaw at paghahanda sa aning gatas na kokolektahin ng dairy technician at dadalhin nito sa processing center ng kanilang kooperatiba sa Ubay, Bohol. “Tunay ngang nakaka-challenge ang paggagatas nguni’t marami naman ang mga biyayang dala nito. Sa gawaing ito, namamalayan mo na lamang na dumarating ang pera sa iyo”. - Fernando Dupalco, Member, BODACO Siya’y isang miyembro ng Bohol Dairy Cooperative (BoDaCo). “Nasa P9,000 kada buwan ang karaniwang kinikita ko sa pagbebenta ng gatas ng kalabaw. Nadaragdagan pa ito dahil sa nakukuha kong bahagi mula sa aming kooperatiba,” sabi ni Mang Fernando. Alam niya, pinoproseso ng kanilang kooperatiba ang gatas sa paggawa ng iba’t ibang produkto na kagaya ng milk soap, white cheese, ice cream, milk bars, at ng mga inuming tulad ng fresh milk, choco milk, mango-flavored milk, at yoghurt. Isinasangkap din ng kooperatiba ang gatas sa paggawa ng tinapay at pastries. Talastas din niya na ang mga produkto ng kanilang kooperatiba ay ibinebenta sa iba’t ibang outlets sa Bohol. “Sa isang magsasakang tulad ko, malaking tulong para sa aking pamilya ang aking kita mula sa gatas para magkaroon ng maayos na buhay,” badya ni Mang Fernando. Bukod kay Mang Fernando, marami pang pamilya sa Bohol ang may karanasan sa pamumuhay na katulad ng sa kanya. Sa araw-araw, ma-pababae o lalake man, sa umaga’y abala sila sa kani-kanilang paggagatas ng kani-kanilang kalabaw at nagtutulung-tulong din sa mga gawaing bukid. Sabihin pa, sila aniya’y nasisiyahan dahil sa sila’y maligayang kumikita nang sapat mula sa kanilang mga gawain. Mayroong 500 ang miyembro ng BoDaCo na pawang mga magsasakang-maggagatas. Binubuo ang BoDaCo ng 23 cluster member-associations na inaasistehan ng Philippine Carabao Center (PCC) sa Ubay Stock Farm (PCC @ USF) sa Bohol. Matagumpay na kooperatiba Ayon kay Dr. Caro Salces, center director ng PCC @ USF, nag-umpisa ang asosasyon noong 1998. Nagsimula ito bilang isang maliit na kooperatiba na tinawag na Ubay Dairy Multipurpose Cooperative (UDAMCO) na unang nakatanggap ng Bulgarian Murrah Buffalo mula sa PCC. Kalaunan, isa pang kooperatiba ang naitatag sa tulong ng PCC, ang Mabini Dairy Multipurpose Cooperative (MADAMCO). “Sinanay ang mga miyembro ng mga kooperatibang ito sa paggawa ng mga produktong ang sangkap ay gatas ng kalabaw. Sinanay din sila sa tamang pamamahala sa pondo ng kooperatiba, at kung paano pamunuan at patatagin ang samahan,” paliwanag ni Dr. Salces. Dagdag pa niya, maraming miyembro ang naging interesado at sumuong sa paggagatas at pagpoproseso ng gatas ng kalabaw. Ang gawain ay lumago hanggang sa mabuo ang isang mahusay na sistema ng pagpoproseso at pagbebenta. Apat na klase ng produkto ang naibebenta nila sa panahong iyon - chocomilk, pasteurized milk, milk bars, at pastillas de leche. Upang mas mapabuti pa ang marketing strategy, pinagsama ang dalawang grupo, kasama ang Ubay Carabao Raisers Association, at pinangalanan itong Ubay Federation of Carabao Raisers and Related Association (UFECARA). Dahil lumaki ang asosasyon at nagkaroon ng mga miyembrong galing sa iba pang bayan na tulad ng San Miguel, Alicia, at Dagohoy, ang samahan ay naging Bohol Dairy Producers Association (BoDPA), ayon pa kay Dr. Salces. Kuwento pa niya, tuluyang naging malaking kooperatiba ang asosasyon kaya’t noong 2016 ay ginawa itong Bohol Dairy Cooperative (BoDaCo). “Nagpapasalamat din kami na inaprubahan ngayong taong ito ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ang hiningi naming pondo na mahigit na siyam na milyong piso,” saad niya. Nakalikom na rin ang kooperatiba nang malaki-laking kita sa mga proyekto nito. “Mayroon kaming mahigit isang milyon pisong net income noong nakaraang taon mula sa aming pinagbilhan ng sariwang gatas at mga produktong gawa sa gatas,” sabi naman ni Shirly Molina, chairman ng BDC. Malaki ang pasasalamat ng mga miyembro sa kinikita ng kanilang kooperatiba. “Malaki ang naitulong ng BDC dahil maliban sa may siguradong magbebenta ng mga gatas namin ay mayroon din kaming income share. P’uede pa kaming mag-cash advance kapag may dagliang pangangailangan kami,” sabi ni Mang Fernando. Alalay ng pamahalaang panlalawigan Ayon pa kay Dr. Salces, ang BoDaCo ay nasa ilalim ngayon ng Dairy Development Program ng Office of the Provincial Veterinarian ng Bohol. Ang programang ito ay sinimulan noong 2010 sa pakikipag-ugnayan ng PCC at sa tulong ng gobyerno ng Bohol at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon kay Dr. Salces. Paliwanag niya, sa taon ding ito ay nasimulan ang “Gatas sa eskwelahan para sa kabataan ug katauhan”. Sampung eskwelahan ang unang naging distributor ng mga dairy products hanggang maging 41 na elementary at high schools noong 2016. Sa proyektong ito ay nagsasagawa din ng milk feeding program para sa mga undernourished na bata sa mga bayan ng Mabini, Ubay, Carlos P. Garcia, Alicia, Pilar at Candijay sa Bohol. May mga inupahang walong dairy technicians ang proyekto upang mangolekta ng aning gatas ng mga magsasaka dahil malalayo ang bukid nila sa processing center. Bukod dito, naatasan din silang manghikayat ng mga magsasaka na sumubok sa paggagatas ng kalabaw, kwento ni Dr. Salces. Dagdag pa niya, nagbibigay ang proyekto ng loan assistance sa mga may livestock, poultry, at vegetable farms. Kasama na rito ang credit assistance sa mga enterprisedevelopment program ng mga organisasyon at kooperatiba upang makatulong sa kanilang mga pagsisikap na mabawasan ang kahirapan sa mga komunidad na nangangailangan sa anim na munisipyo sa Bohol. Suportado din ng provincial government ng Bohol ang proyekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng budget sa mga dairy enterprise at milk feeding programs sa mga eskwelahan. Nagbigay din si Gov. Chatto ng direktiba sa mga establisamientong panturismo na magbenta ng carabao milk drinks sa mga bisita. Nagkaloob ang proyekto ng mga freezers sa mga enterprise centers at ng pondo sa deworming, bakuna, bitamina at mineral sa mga milk processing centers. “Tuluy-tuloy ang pagtaas ng lokal na produksyon at kita mula sa sariwang gatas at sa mga kaakibat na pinoprosesong produkto. Dahil kailangang sustenahin ang industriyang ito, patuloy naming hinahanapan at ginagawan ng paraan upang lalo itong umarangkada,” paliwanag ni Gov. Chatto. Dalawang beses sa isang taon ay ina-assess ng OPV at PCC @ USF ang proyekto upang makita ang impact nito at mapag-aralan kung may mga maaari pang linangin. Abala nguni’t ‘relax’ lang Sa Ubay, patuloy pa rin sa pag-alaga at paggatas ng kalabaw si Mang Fernando. Lubhang abala nga siya sa gawaing-bukid, pero sabi niya, “Mas relax ako ngayon dahil sapat ang aking kinikita upang tugunan ang pang-araw-araw na kailangan ng aking pamilya”. Para naman kay Ronald Igot, isa sa mga mga miyembro ng board of directors ng BDC, pagkakalabawan nga rin ang sandigan ng kanyang pagkita. Mula sa gawaing ito, aniya, nakabili na siya ng mga appliances para sa kanyang pamilya. “Tunay ngang nakaka-challenge ang paggagatas nguni’t marami naman ang mga biyayang dala nito. Sa gawaing ito, namamalayan mo na lamang na dumarating ang pera sa iyo,” natutuwa niyang sabi. ( Mula sa mga impormasyon kaloob ni Leneife Libres)
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.