Total Mixed Ration para sa Masustansya at Sapat na Pakain sa Kalabaw

 

Ang TMR ay pakaing ginagawa sa pamamagitan ng pagtitimbang at paghahalo ng iba’t ibang klase ng mga sangkap na gaya ng damo, concentrates, pinaghalong mineral, bitamina, pulot (molasses) at iba pa para makabuo ng isang kumpletong rasyon na tutugon sa sustansyang kailangan ng hayop para sa mabilis na paglaki nito o mas maraming produksyon na gatas.

Ang kalusugan at ang dami ng gatas na makukuha sa gatasang kalabaw ay nakasalalay sa sapat at wastong pakain na ibinibigay dito. Kung hindi tama ang pakain na naibibigay, maaaring  ito ay mangayayat, maging sakitin at bumaba ang produksyon ng gatas na siyang pinagkakakitaan.

Sa ganitong problema, mainam na gumawa ng kompletong rasyon o ng total mixed ration (TMR) na pakain para sa kalabaw. Sa tulong nito, siguradong  ang kalabaw ay makakukuha ng sapat na nutrisyon na kailangan nito sa araw-araw para mas mabilis siyang patabain (fattening) o mas produktibong magbigay ito ng gatas (milk production).

 

Hakbang sa paggawa ng TMR para sa gatasang kalabaw

1. Alamin ang timbang ng kalabaw at ang dami ng gatas ng hayop.

2. Alamin ang sustansyang kinakailangan ng mga hayop gamit ang inilathalang pamantayan ng sustansya.

3. Alamin ang mga pagkaing matatagpuan (uri, dami, at kalidad) sa lugar.

4. Buuin ang TMR base sa sangkap at sustansya nito.

5. Ihanda at paghaluin ang mga sangkap ayon sa binuong proporsyon.

 

Halimbawa ng rasyong TMR para sa gatasang kalabaw

Para sa ginagatasang kalabaw na may bigat na 550 kg at nagbibigay ng 8 kg na gatas kada araw na may 7% taba o milk fat.

 

Tala                                Dami
Produksyon ng gatas 
(kg/araw)
4 6 8 10 12
Pangangailangan
Dry Matter (DM) %BW 2.5 2.7 3.0 3-3.5 3.5
Total Digestible Nutrients (kg) 5.9 6.9 8.3 8.8 9.7
Protina (g) 1,028 1,264 1,618 1,736 1,972
Calcium (g) 34 41 50 54 60
Phosphorus (g) 26 31 39 42 47

 

Komposisyon ng TMR kada gatasang kalabaw

 

Tala Dami ng pakain kada araw (kg) Presyo
(Php)
Kabuang Presyo (Php)
Napier 18.76 2.00 37.52
Sweet sorghum silage 8.31 4.50 37.39
Dairy concentrate 3.20 21.90 70.03
Urea-molasses-treated rice straw 1.04 2.00 2.08
Molasses 0.25 17.00 4.25
Salt 0.05 10.00 0.47
Dicalcium Phosphate 0.05 25.00 1.17
Total 31.65   152.91

 

                                                    Gatasang Kalabaw
Timbang ng hayop 550 kg
Kailangan na pagkain ng hayop base sa timbang (DM requirement) 3%
Pagkain na kailangan ng hayop kada araw 31.65 kg
Presyo ng pagkain ng hayop bawa’t araw Php152.91
Presyo ng TMR bawa’t kilo Php4.83
Dami ng enerhiya ng NMR 10.74 kg
Dami ng protina na makukuha sa TMR 1,762.20 g
Dami ng mineral na Calcium 103.09 g
Dami ng mineral na Phosphorus  77.76 g

 

Halimbawa ng rasyong TMR para sa dumalaga (heifer) at patabaing kalabaw

Para sa dumalaga at patabaing kalabaw na may bigat na 250 kg at 500 grams average daily gain (ADG).

 

Tala Dami
Pangangailangan
Dry Matter (DM) %BW, (base sa tuyong pagkain) 5.9 kilos
Total Digestible Nutrients 604 gramos
Protina 3.55 gramos
Calcium, mineral 15 gramos
Phosphorus, mineral 12 gramos

 

Komposisyon ng TMR kada heifer at patabaing kalabaw

 

Tala Dami ng pakain kada araw (kg) Presyo
(Php)
Kabuang Presyo
(Php)
Napier 7.24 2 14.48 
Burong Mais 3.62 4 14.48
Fattener concentrate 1.03 34.67 35.71
Urea-molasses-treated rice straw 0.4 2 0.8
Pulot 0.1 17 1.7
Asin 0.04 10 0.4
Dicalcium Phosphate 0.04 25 1
Total 12.47 94.67 68.57

 

                                              Heifer at patabaing kalabaw
Timbang ng hayop 250 kg
Kailangan na pagkain ng hayop base sa timbang “DM requirement” 2.5%
Kailangang pagkain kada araw 12.47 kg
Gastos sa pagkain kada araw Php68.57
Presyo ng pagkain kada kilo Php5.48

 

Mga benepisyo sa paggamit ng TMR

1. Madaling gawin at nagtataglay ng balanseng rasyon at sustansya

2. Mas marami ang makakain ng hayop at  maiiwasan ang pagkaaksaya ng pakain

3. Mabilis na paglaki ng bulo (500-700 gramos sa normal na bilis ng paglaki kada araw)

4. Mataas na produksyon ng karne at gatas

5. Mataas na kita

Author

0 Response