Enriched Rice Straw (e-RS) Para sa Tuluy-Tuloy na Mapagkukuhanan ng Pakain sa Kalabaw

 

Ang e-RS ay isang uri ng masustansyang pakain para sa alagang kalabaw, baka, at kambing.

Isa sa pinaka-importanteng bagay sa pag-aalaga ng kalabaw ang pagbibigay dito ng wasto, sapat, at masustansyang pakain. Kasabay ng tamang pagbibigay ng sapat na pakain at nutrisyon sa alagang hayop ay ang mas magandang kita sa pag-aalaga ng kalabaw. Nguni’t karaniwan, ito ay nagiging problema kung limitado ang nakukuhang pakain sa taniman ng sariwang damo lalo na sa panahon ng tag-araw at kung dumarami na rin ang bilang ng mga inaalagaang kalabaw.

Sa ganitong pagkakataon, mainam kung subukang mangolekta ng dayami sa panahon ng anihan ng palay upang gawing e-RS.

 

Preparasyon sa paggawa ng e-RS

1. Mangolekta at mag-imbak ng dayami

 

Kolektahin o ibungkos (bale) ang mga dayami mula sa palayan gamit ang manu-manong pangbungkos ng dayami o “self-propelled” o “pulled by a tractor baler machine”.

Kung ito ay “stationary baler machine”, kolektahin ang dayami at siksiking mabuti gamit ang nasabing makina.

Hakutin at iimbak ang mga nakabungkos na dayami sa isang lugar na may bubong.

 

2. Kumpletuhin ang mga sangkap at kagamitan


Mga sangkap ng e-RS

Urea

Pulot o Molasses

Dayami

Tubig

 

Mga kagamitan

Sisidlang “silo” gaya ng plastic bag  o drum

Timbangan

Plastik na pantakip

Tape

Pabigat o pandagan

 

Hakbang sa paggawa ng e-RS

1.Timbangin ang mga sangkap at lusawin ang urea at molasses sa tubig.

Sangkap Dami 
(kg)
Recommended level (kg)
Urea 2-4 4.40
Pulot o 
Molasses
5 4
Tubig 91-93 91.60
Dayami 
o Uhot
50-100 50-100

 

2. Putulin o tadtadin ang dayami sa haba na isa o dalawang pulgada gamit ang forage chopper.

3. Ilubog ang dayami sa pinaghalu-halong sangkap (urea-molasses solution) at siguraduhing mababasa lahat ito.
4. Hanguin ang dayami at ilagay sa drum na lalagyan o silo pagkatapos itong mabasa.

5. Ulitin ang hakbang 3 at 4 at siksiking mabuti ang dayami hanggang mapuno ang lalagyan.

6. Takpan ng plastik at lagyan ng pabigat ang ibabaw gaya ng gulong.

7. Iimbak ang ginawang e-RS ng 21-30 araw at pagkatapos nito ay pwede nang ipakain sa hayop.

 

Mga benepisyo sa paggamit ng e-RS

1. Tumaas ang sustansya ng dayami

a. Ang purong dayami ay mayroon lamang 4.9% na protina habang ang eRS ay may 8.9% na protina
b. Mas mabilis na matunaw (digest) ang eRS (56.1%) kumpara sa purong dayami (49%)

2. Para sa hayop na pinakain ng e-RS

a. Mas marami ang nakakain ng hayop (12%) 
b. Mas marami ang dagdag na timbang ng hayop (8%) 
c. Mas marami ang nakukuhang gatas  sa kalabaw (18.92%)

3. Para sa may alagang hayop 

a. Marami ang dayami sa panahon ng anihan ng palay at hindi na ito binibili
b. Madali lang gawin ang e-RS
c. Mas mataas ang kita ng magsasaka, 33% increase on income

 

Mahalagang Tandaan!

Bago ipakain sa alagang hayop, pasingawin muna ito ng 30 minuto.
Huwag ipakain ang e-RS sa mga alagang kalabaw na wala pang anim na buwan at kalabaw na nasa huling tatlong buwan na ng pagbubuntis.

 

Gastos at Kita sa Paggawa ng e-RS
(Base sa aktuwal na presyo noong 2020)

PAGKAKAGASTUSAN   DAMI UNIT HALAGA (PHP) KABUUANG 
HALAGA (PHP)
Urea 4.4 kilo 20 88
Pulot (Molasses) 4 kilo 17 68
Dayami* 100 kilo 0.71 71
Plastic Drum** 2 piraso 33.33 66.66
Labor 3 tao/oras 50 150
KABUUANG GASTOS (PHP)       443.66
DAMI NG PRODUKSYON (KG)       200
PRESYO KADA KILO (PHP)       2.22

*Presyo ng isang bale ng rice straw (12 kilo) = Php8.50
**Tagal na magagamit ang plastic drum = 5 taon
Dalas na magagamit ang plastic drum = 6 na beses sa isang taon
Halaga sa bawa’t paggamit ng plastic drum =Php33.33
(Php1000 / 5 taon / 6 na beses sa isang taon)

Author
Author

0 Response