Blockmate: Suplementong Pakain para sa Kalabaw Dec 2020 iAsk Series urea-molasses mineral block, mineral, suplemento, pakain sa kalabaw By Daniel Aquino Ang “Blockmate” ay isang suplementong pakain para sa mga kalabaw, baka, kambing, at tupa. Mayaman ito sa enerhiya, minerals at nitrohena (na nagiging protina sa katawan) na kailangan ng hayop upang bumilis ang paglaki at dumami ang produksyon ng gatas. Ito ay naglalayong turuan at tulungan ang mga magsasaka na gumawa ng “Blockmate” para higit na mabigyan ng wastong nutrisyon ang mga alaga nilang kalabaw at tumaas ang kanilang ani at kita mula sa produksyon ng gatas. Ang pagbibigay ng tamang nutrisyon sa kalabaw ay mahalaga upang maalagaan ito ng mabuti at dumami ang produksyon nito ng gatas. Maliban sa masustansyang pakain gaya ng sariwang damo, total mixed ration, urea-molasses treated rice straw at burong mais o“silage”, ang paggawa at pagbibigay ng suplementong “Blockmate” sa kalabaw ay isa pa sa kapaki-pakinabang na gawain upang mabigyan ng wasto at sapat na nutrisyon lalo na ang karagdagang minerals na kulang o wala sa damo at iba pang pakain sa hayop. Hakbang sa paggawa ng Blockmate 1. Ihanda at timbangin ang mga sangkap o “ingredients” ayon sa tamang bahagi gaya ng mga sumusunod: Sangkap Dami (kilo) Halaga (Php) Kada kilo Kabuuan Pulot (molasses) 38 10 380 Darak na pino 37 9 333 Urea (46% N) 10 20 200 Semento 10 5 50 Asin 1 6 6 Dicalcium phosphate 3 20 60 Vit-Mineral mix 1 92 92 Kabuuan 100 Php1,121 2. Ihanda ang paghahaluan gaya ng kawa o talyase. Maaaring gawing patungan ng talyase ang lumang gulong ng mga sasakyan. 3. Unang ibuhos ang pulot sa kawa. Unti-unting ibudbod ang urea habang hinahalo gamit ang kawayan, sagwan o pala. Tiyaking walang matitirang buu-buong urea. 4. Idagdag ang dicalcium phosphate at isunod ang asin habang patuloy na hinahalo ang mga sangkap. 5. Isunod na ilagay ang semento habang patuloy ang paghahalo gamit ang kamay o kawayan. 6. Panghuling ilagay ang darak sa kawa. Sa pagkakataong ito, mas mainam kung gamitin ang kamay o panghalo ng semento (cement mixer) upang mahalong mabuti ang lahat ng mga sangkap. 7. Ibuhos ang halo sa molde upang mabuo at maging bloke. Ang bawa’t bloke ay maaaring tumimbang ng isa hanggang limang kilo depende sa laki ng molde. 8. Ilagay sa plastik ang bawa’t bloke at isalansan sa kahon. Maghintay ng isa o dalawang linggo bago ibigay ang “Blockmate” sa mga hayop. Sistema ng pagpapakain Ang “Blockmate” ay kinakain ng mga hayop sa pamamagitan ng pagdila o “licking”. Hindi mahirap turuan ang mga kalabaw na pakainin nito dahil ito ay masarap sa panlasa nila. lIagay o ibitin lamang ito sa tapat ng labangan ng kalabaw at hayaang dilaan nito ang “Blockmate” hanggang makuha ang pangangailangan nitong nutrisyon sa isang araw. Mahalagang Tandaan! 1. Huwag pabayaang mabasa ang “Blockmate” upang maiwasan ang paglambot ng bloke at ang sobrang pagkain ng hayop. 2. Huwag ibigay ang “Blockmate” sa kalabaw na wala pang 6 na buwang gulang, at sa mga hayop na nasa huling tatlong buwan (last trimester) ng pagbubuntis. 3. Huwag pakainin ng “Blockmate” ang mga hayop kapag gutom ang mga ito o kaya ay walang katabing tubig na inumin. 4. Kapag nakakita ng sintomas ng pagkalason sa inyong mga alagang hayop tulad ng paglalaway, hirap sa paghinga, kabag o paglaki ng tiyan, tumawag kaagad ng beterinaryo. Dami ng “Blockmate” na maaaring kainin ng hayop sa isang araw Hayop Timbang (kilo) Dami ng nakakaing “Blockmate” (gramo) Gatasang kalabaw 400-500 300-500 Baka 400-500 300-400 Kambing 15-20 50-80 Tupa 15-20 50-80 Mga benepisyo 1. Nakatutulong sa pagpapaganang kumain ng kalabaw 2. Napabibilis ang paglusaw ng mga hibla ng damo at iba pang kinakain ng mga kalabaw 3. Napananatili ang lakas at kalusugan ng hayop
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.