Wastong Pagpapakain para sa Sapat na Nutrisyon ng Kalabaw Dec 2020 iAsk Series wastong pagpapakain, sapat na nutrisyon By Daniel Aquino Ang wastong pagpapakain ay napakahalagang gawain sa pag-aalaga ng kalabaw. Sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng wastong nutrisyon ay lulusog ito at dadami ang maibibigay nitong produksyon ng gatas. Ito ay naglalayong bigyan ng wastong kaalaman ang mga magsasaka sa wastong pagpapakain para mabigyan ng sapat na nutrisyon ang alagang kalabaw. Ang kalusugan at ang dami ng gatas na makukuha sa gatasang kalabaw ay nakasalalay sa dami at kalidad ng pakaing ibinibigay dito. Ang gatas ay sagana sa sustansya na nanggagaling sa katawan ng hayop kaya marapat lamang na ito’y mapalitan mula sa balanseng rasyon upang hindi maapektuhan ang timbang o kalusugan ng inahin. Ang gatasang kalabaw ay nagbibigay ng pinakamaraming gatas sa unang tatlo o apat na buwan mula ng ito ay manganak o sa “peak lactation” nito. Marapat lamang na bantayang mabuti ang nutrisyon ng inahin upang matugunan nito ang pangangailangang dami at sustansya ng pagkain sa loob ng sampung buwan ng paggagatas. Kung kulang ang sustansya gaya ng enerhiya, protina at mineral sa pakain, ang inahin ay mangangayayat, kaunti ang maibibigay na gatas, at iiksi ang araw na makukuhanan ito ng gatas. Mga sustansyang kailangan ng inahing kalabaw Ang enerhiya, protina, mineral, at bitamina ay mga pangunahing sustansya na kailangan ng gatasang kalabaw. Para mapanatiling malusog ang katawan, ang inahin ay dapat ding mabigyan ng sapat at malinis na inuming tubig at sapat na dami ng pakain na nagtataglay ng tamang sustansya para matugunan ang pagmimintina ng katawan ng hayop at karagdagang sustansya para sa paggawa nito ng gatas. Mga taglay na sustansya ng gatas Ang isang kilo ng gatas ay nagtataglay ng: Taba 60-90 gramo Protina 39-54 gramo Lactose 42-47 gramo Calcium 216 miligramo Phosphorus 101 miligramo Iron 0.2 miligramo Mga panuntunan sa wastong pagpapakain ng gatasang kalabaw 1. Alamin ang mga klase ng mga pakaing matatagpuan sa inyong lugar. Ito ba ay “kanin” na gaya ng paragrass, napier grass, mais, guinea grass, at marami pang iba o kaya ay “ulam”gaya ng ipil-ipil, malunggay, kakawate, mani-manihan at iba pa? 2. Alamin kung gaano ito karami at kung kailan ito pwedeng gamitin o ipakain sa kalabaw. Sasapat ba ang mga pagkaing ito ng kalabaw sa loob ng isang taon? 3. Alamin ang mga sustansyang taglay ng mga pagkain na makikita sa inyong lugar. (Tingnan ang mga impormasyon sa ibaba at sa katuloy nito.) Klase ng pagkain Protina (%) Dry Matter (%) Enerhiya (%) Calcium (%) Phosphorus (%) Napier 9.5 22.0 2.0 0.42 0.39 Guinea Grass 6.1 24.0 2.0 -- -- Paragrass 7.9 26.0 2.0 0.35 0.33 Darak 15.34 88 -- 0.07 1.63 Konsentreyt 16 92 75 0.2 0.15 Pulot 4 75 -- 1.0 0.11 Dicalcium Phosphate -- 98 -- 22.45 18.37 Ipil-ipil 21.9 27.8 2.6 -- -- Malunggay 27 100 64 0.04 0.007 Corn Silage 7.5-8.5 30-35 2.4-2.5 0.30 0.30 3.1 Papano malalaman ang dami ng damong kailangan ng hayop? Ang dami ng damo o “kanin” at legumbre o konsentreyt o “ulam” na kailangan ng hayop ay makakalkula base sa timbang nito gamit ang tinatawag na “published feeding standards”. A. Halimbawa para sa kalabaw na may timbang na 400kg, ang dami ng kailangan nitong pakain sa loob ng 24 oras ay 2-3% (base sa dry matter) na kanyang timbang, pinaghalong “kanin at ulam”. Kung dami ng damo ang kailangan malaman at isaalang-alang ang mga sumusunod: Kailangang damo ng kalabaw base sa tuyong pagkain (100% dry matter) Dami ng Pakain (kg) Timbang ng hayop, 400kg x 2.1% ng timbang nito) 8.4 tuyong damo Napier (20% tuyong bahagi) = 8.4kg / 0.20 42 sariwang napier Corn Stover (40% tuyong bahagi)= 8.4kg/ 0.40 21 sariwang corn stover B. Gaano kaluwang ang pagsasakatehan kung damong napier ang ipakakain sa kalabaw na may timbang na 400kg, na nangangailangan ng 42kg na sariwang napier kada araw? Isaalang-alang ang mga sumusunod: Damong napier na masasakate kada isang metro kwadrado 3 kilo Dalas ng pagputol Tuwing ika-45 araw Luwang ng pagsasakatehan bawa’t araw (42kg kada araw/3kg bawa’t 1m2) 14 meto kwadrado Luwang ng pagsasakatehan kada 45 na araw (14m2 x 45 araw) 630 metro kwadrado Ang 630 metro kwadrado na damong napier ay kayang tustusan ang pangangailangan sa damo ng isang gatasang kalabaw sa loob ng isang taon. Ang isang ektaryang Napier kapag ito ay sinasakate ay kayang tustusan ang pangangailangan na damo ng 15 gatasang kalabaw sa loob ng isang taon. 3.2 Pangangailangan ng gatasang kalabaw Gatasang kalabaw na nagbibigay ng 6 na kilong gatas na may 7% taba Timbang (kg) Dami ng Pakain (kg) Enerhiya (kg) Protina (g) Mineral Tuyo Basa Ca (g) P (g) 400 8.4 41 5.0 906 30 23 450 9.6 44 5.3 950 31 24 500 10.1 46 5.6 988 33 25 550 10.7 47 5.9 1,028 34 26 600 11.2 51 6.2 1,064 35 27 Ang dami ng pakain na kailangan ng gatasang kalabaw ay base sa dami ng gatas na ibinibigay nito bawa’t araw at sa dami ng taba sa gatas nito. 4. Gumawa ng sapat na rasyon na tutugon sa pangangailangan ng gatasang hayop gaya ng: a. Damong napier o kaya’y legumbre b. Feed concentrate c. Suplementong mineral gaya ng”Blockmate” o pinaghalong asin at di-calcium phosphate 4.1 Halimbawa ng rasyon sa gatasang inahin Timbang ng inahin: 500 kilo Dami ng gatas: 6.8 kilo Taba ng gatas: 7.0% Protina ng gatas: 4.53% Klase ng pakain Dami ng pakain (kg) Protina (g) Enerhiya (kg) Calcium (g) Phosphorus (g) Damong Napier 10.1 909 5.7 19.5 19.5 Feed Concentrate 4.0 640 2.6 35 35 Mineral Mix 0.10 --- --- 10.8 7.6 Total 14.0 1,459 8.30 70.3 62.1 Kailangan 14.0 1,370 7.20 68 52 *Pinaghalong calcium di-phosphate at asin (2:1) **Maaaring palitan ang damong napier ng burong mais (50 kilos) Mahalagang Tandaan! Ang damong napier ay katumbas ng kanin at ang konsentreyt ay ulam. Ang pinaghalong asin at di-calcium phosphate ay nagbibigay ng mineral bilang panghimagas ng kalabaw. Upang makatipid, maaari ring pakainin ang gatasang kalabaw ng ipil-ipil, kakawate o iba pang mga legumbre na matatagpuan sa paligid bilang pamalit sa konsentreyt.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.