Dairy Box Daluyan ng Pagpapala sa Compostela Sep 2021 Karbaw COMAVEMCO, Dairy Box, Compostela By Ma. Cecilia Irang Labing-dalawang Dairy Box na ang naitayo sa iba’t ibang panig ng bansa at sa bawa’t isang binuksan ay siya namang pagpasok ng maraming oportunidad para sa mga magsasakang mamamahala rito. Ilan lamang sa mga oportunidad na dadaloy kasabay ng pagbuhos ng gatas sa mga lugar na ito ang pagsasapamilihan ng aning gatas at mga produktong gawa rito. COMAVEMCO ang nagpatayo ng building para sa Dairy Box habang patuloy naman ang ginagawang pag-asiste at pagsuporta ng DA-PCC sa USF pagdating sa marketing collaterals, branding, pagsasanay, tulong teknikal, at probisyon ng ilang mga kagamitan sa pagpoproseso. Inaasahang patuloy na yayabong ang industriya ng pagkakalabawan at maiaangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Compostela, Cebu kung saan itinayo ang Dairy Box sa ilalim ng pamamahala ng Compostela Market Vendors Multi-Purpose Cooperative (COMAVEMCO). Ang Dairy Box, isang one-stop-shop para sa mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw na nagmula sa konsepto ng Business Development and Commercialization Unit (BDCU) ng DA-PCC, ay isang imprastraktura na naglalayong masuportahan ang mga negosyanteng magkakalabaw na mapataas ang kanilang kita at makapaghandog sa publiko ng mga masustansyang produktong gawa sa gatas ng kalabaw. Minsan nang ibinahagi ni dating DA-PCC Executive Director Dr. Arnel Del Barrio ang dahilan sa likod ng pagkakatatag ng kauna-unahang Dairy Box sa bansa noong 2015, na matatagpuan sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Aniya, naging tugon ito sa resulta ng isinagawang Value Chain Analysis na nagsasabing isa sa mga rason kung bakit hindi lumalawak ang programa sa kalabawan ay dahil sa kakulangan sa merkado ng aning gatas. Dairy Box ng COMAVEMCO Noong Agosto 12, 2018, naitatag ang Dairy Box sa Brgy. Poblacion, Compostela, sa pakikipagtulungan ng DA-PCC sa Ubay Stock Farm, na naging hudyat para magkaroon ng siguradong mapagkakakitaan ang mga maggagatas sa nasabing bayan. Para sa Dairy Box ng COMAVEMCO, “bestseller” at “specialty” nito ang produktong natatangi at tanyag lamang sa kanilang lugar—ang Queseo, na ang pangunahing sangkap ay gatas ng kalabaw. Ang paggawa ng queseo ay naging bahagi na ng kultura at kasaysayan sa bayan ng Compostela dahil sa tiyak na ganansyang hatid sa kabuhayan ng mga residente rito kaya naman isa ito sa mga produktong ipinagmamalaki ng COMAVEMCO Dairy Box. Maliban sa “Queseo Festival” na ipinagdiriwang tuwing Hulyo kasabay ng selebrasyon ng pista ng bayan, ang produkto ring ito ang napili ng bayan para sa konseptong one-town-one product (OTOP) ng panlalawigang pamahalaan. Ang queseo ay kesong puti na gawa sa gatas ng kalabaw. Ito ay karaniwang nakabalot sa dahon ng saging, na mas naging espesyal dahil dama ang pagiging “native” nito. Nasa 1,500 piraso (na may timbang na 50 gramo kada isa) ang pinakamaraming nabebentang queseo ng Dairy Box sa isang araw. Karaniwang umoorder nito ang mga negosyanteng may-ari ng mga hotels, restaurants, coffee shops, at beach resorts noong wala pang pandemya. Maliban sa queseo, kabilang din sa mga mabibili sa Dairy Box ang iba’t ibang flavors ng inuming gatas, pastillas, pastries, at ice cream, na ipinoproseso ng mga miyembro ng COMAVEMCO. “Siguradong de-kalidad at locally produced ang mga produktong inooffer namin dito sa Dairy Box,” ani Ebonito Alivio, general manager ng COMAVEMCO. COMAVEMCO ang nagpatayo ng building para sa Dairy Box habang patuloy naman ang ginagawang pag-asiste at pagsuporta ng DA-PCC sa USF pagdating sa marketing collaterals, branding, pagsasanay, tulong teknikal, at probisyon ng ilang mga kagamitan sa pagpoproseso. Ani Alivio, may ilang mga NGO at ahensya ng gobyerno rin ang nagpaabot ng tulong sa kanila kagaya ng Department of Trade and Industry at Department of Science and Technology. “Malaking tulong talaga itong pagbubukas ng Dairy Box kasi hindi lang natin naipakikilala ‘yong mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw bagkus ay nakatutulong pa tayo sa mga miyembro na magkaroon ng adisyunal na kita para masuportahan nila ang kanilang mga pamilya,” dagdag niya. Plano ng COMAVEMCO sa hinaharap na makapagpatayo ng mas maayos na processing facility at makalikha ng mga karagdagang produktong mula sa gatas ng kalabaw. Patuloy din ang pakikiisa ng kooperatiba sa adhikain ng pamahalaan na mas mapaigting pa ang industriya ng paggagatasan hindi lamang sa Visayas kundi maging sa buong Pilipinas.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.