24/7 Dairy Products Vending Machine, bubuksan na

 

Katuwang ang Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development OneStorePh at Central Luzon State University-Central Luzon Agriculture and Resources Research and Development Consortium, ang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw ay magiging bukas na sa publiko, 24/7.

Ito ay kapaki-pakinabang lalo na sa mga kababayan na nais tumangkilik sa produkto ng mga magsasaka nguni’t laging napag-aabutan ng oras ng pagsasara o sa mga umiiwas na makihalubilo sa maraming tao dulot ng pandemiya.

Pormal na bubuksan ng DA-Philippine Carabao Center ang nasabing vending machine ngayong buwan ng Oktubre, na matatagpuan sa Milka Krem compound sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Author

0 Response