Dating minamaliit,ngayo’y bantog at multi-milyonaryong koop Apr 2023 Karbaw BSNMPC By Ma. Cecilia Irang Sino’ng mag-aakala na ang kooperatibang minamaliit, kinukutya, pinagtatawanan, at binabato ng mga masasakit na salita noon ay uunlad at magiging tanyag hindi lang sa bayan ng Asingan kundi sa buong lalawigan ng Pangasinan? Dating minamaliit,ngayo’y bantog at multi-milyonaryong koop Nagsimula lang sa puhunan na PHP10,000, ngayon ay milyun-milyon na ang assets nito na nakaimpok sa banko. Patuloy ding dumarami ang bilang ng mga miyembrong nabebenepisyuhan nito na umabot na sa 234 na dati’y 25 miyembro lang. Ang kanilang sikreto? Sa kabila ng mga mapapait na karanasan na kanilang pinagdaanan, wala sa kanilang bokabularyo ang pagsuko. Sa halip na ituring na hadlang ang mga pagsubok, nagsilbi itong hagdan para maabot nila ang tinatamasang tagumpay sa kasalukuyan. Ito ang kwentong tibay at tagumpay ng Bantog Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative (BSNMPC) sa Asingan, Pangasinan. Kwentong tibay Sariwa pa sa alaala ng mga miyembro ng BSNMPC ang mga matitinding pagsubok na kanilang kinaharap noong nagsisimula pa lang ang kanilang kooperatiba. “Taong 1973 nang maitatag ang kooperatiba namin na pinamumunuan noon ng hindi marunong bumasa at sumulat. Pati ang mga naunang miyembro ay hindi rin nakatapos ng pag-aaral. Ang tingin ng iba sa koop ay walang mararating,” pagbabalik-tanaw ni Rolly Mateo Sr., kasalukuyang chairperson ng BSNMPC. “Pinagtatawanan nila kami. Wala raw kaming pakinabang at ang bansag pa nila sa’min ‘Bantog Masamang Nayon’,” sambit ng isang miyembro. “Mababa ang tingin nila sa amin dito sa community kasi siguro dahil mahirap lang kami,” saad ng isa pa. Sa pagpapatuloy ng kooperatiba, sumubok sila ng iba’t ibang negosyo kagaya ng organic fertilizer, fi shing, at marami pang iba nguni’t hindi rin nagtagumpay. Kwento ni Rolly, may mga ilang ahensya ang nagbigay ng suporta sa koop pero hindi rin umusad dahil aniya hanggang simula lang ang assistance sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit naging mailap ang BSNMPC sa pagtanggap sa mga proyektong inaalok sa kanila. Taong 2005 nang mag-alok ang DA-PCC ng proyekto sa kooperatiba ukol sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw sa pangunguna ng dating center director ng DA-PCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) na si Gloria Dela Cruz. “Noong una, ayaw namin tanggapin kasi sabi ko nga baka parang tulad lang din ng dati na sa halip na makatulong ay mas lalo pa kaming nalubog. Pero sabi ng DA-PCC, iba sila magtrabaho. Nagtiwala kami at pinatunayan nila na iba talaga silang magtrabaho. Iyong DA-PCC pala ang pag-asa ng koop namin,” nakangiting sambit ni Rolly. Napagkalooban ng 25 gatasang kalabaw ang kooperatiba nguni’t kagaya ng karamihan na nagsisimula pa lang sa bagong negosyo hindi naging madali ang lakbayin ng BSNMPC sa pagkakalabawan. Isa sa naging problema nila ay ang kawalan ng merkado sa kanilang aning gatas hanggang sa napapanisan na sila ng produkto. May mga panahon din na umaayaw na ang ibang mga miyembro dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan. Dahil sa taglay na tibay at pagsisikap na makahanap ng merkado, pati na rin ang solidong suporta ng DA-PCC dito, nalampasan nila ang mga hamong ito. Kwentong tagumpay Makalipas ang ilang taong pagtitiyaga at pagsusumikap, umarangkada ang negosyong paggagatasan ng BSNMPC nang mapabilang sila na maging supplier para sa milk feeding program ng Department of Education sa ilalim ng RA 11037 o Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act. Mula 2019 hanggang 2022 na feeding cycles ay nakapagsupply ito ng 10,233,967 pakete ng gatas ng kalabaw para sa mga batang benepisyaryo ng programa sa buong Pangasinan na kung saan nagkaroon sila ng kabuuang kita (gross income) na PHP194,008,043. Maliban sa gatas, nagsupply din ng Karabun, isang tinapay na gawa sa masustansyang gatas ng kalabaw, ang koop. Nasa 6,438,567 piraso ng Karabun ang naipamahagi ng BSNMPC sa mga benepisyaryo ng feeding program ng DepEd noong 2020 hanggang 2022. Ito ay may katumbas na kita na PHP66,587,966. “Napakapalad po namin kasi ‘yong technology ng DA-PCC ay ibinabahagi po nila sa’min,” ani Rolly. Ayon kay Rolly, malaking biyaya na mapili sila bilang supplier para sa feeding program lalo na at laganap pa rin ang pandemya, na labis na nakaapekto sa kabuhayan ng maraming Pilipino. Ang BSNMPC rin ang namamahala sa Dairy Box outlet sa Asingan na kung saan mabibili ang iba’t ibang mga produktong gatas na ipinoproseso ng koop kagaya ng pasteurized milk, chocomilk, yogurt (strawberry flavor, blueberry flavor, at mango flavor), lacto juice, pastillas, espasol at kesong puti. Plano ng BSNMPC na magproseso ng karne ng kalabaw sa susunod na taon bilang dagdag na pagkakakitaan dahil marami rin silang lalaking kalabaw na pwedeng patabain at katayin. Maliban dito, nakaplano rin ang pagkakaroon nito ng pabahay na itatayo sa nabiling lupa bilang tulong sa ibang mga myembrong walang mapagtayuan ng bahay. Malaki ang pasasalamat ng mga kasalukuyang miyembro ng kooperatiba sa mga naunang mga miyembro na nagtiyaga at hindi bumitiw sa kabila ng mga hamong pinagdaanan, gayundin sa mga ahensya ng gobyerno na patuloy na umaagapay. Sila ang nagsilbing matibay na pundasyon kung kaya’t sa dulo ng madilim na lagusan ay nasilayan ng kooperatiba ang liwanag ng tagumpay.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.