Pinagpala upang maging pagpapala Apr 2023 Karbaw TRLAFCO By Ronaline Canute Masayang tinanggap ni Alvin Virtucio at iba pang miyembro ng The Rosario Livestock Agricultural Farming Cooperative (TRLAFCO) sa Rosario, Batangas ang kanilang gantimpala at sertipiko bilang Outstanding Dairy Buffalo Cooperative noong ika-walong National Carabao Conference. Pinagpala upang maging pagpapala Masayang tinaggap ni Alvin Virtucio at iba pang miyembro ng The Rosario Livestock Agricultural Farming Cooperative (TRLAFCO) sa Rosario, Batangas ang kanilang gantimpala at sertipiko bilang Outstanding Dairy Buffalo Cooperative noong ika-walong National Carabao Conference. Kasabay ng pag-flash ng camera ay nag-flashback din sa kanilang mga ala-ala ang mga simula ng ko-op na sama-sama nilang itinatag at ipinagpatuloy. Ang Batangas ay kilala sa sikat na kapeng barako nito. Ang kapeng ito ay may kakaibang linamnam, may kakaibang lasap, at tapang. Sinasalamin nito ang bawa’t miyembro ng TRLAFCO na matatapang sa pagharap sa hamon ng kanilang grupo. Ang kanilang lalawigan ay nabiyayaaan ng matabang lupa kaya’t nagtanim sila ng palay, mais, niyog, at mga gulay at nagkaroon din sila ng negosyo sa babuyan. Nguni’t ang kanilang kita ay hindi naging sapat upang sustentuhan ang kanilang koop dahil mababa ang presyo sa palengke. “Mahal ang farm inputs pero napakamura ng selling value. Halimbawa sa palay, kailangan mong magbanat ng buto pero mura kapag anihan. Maliit lang at minsan ay wala nang maiiwang kikitain ng magsasaka,” ani Alvin. Sa inisyatiba ng DA-PCC sa UPLB, naipakilala sa TRLAFCO ang dairy farming noong 2013. Nang sumunod na taon ay nagsimula silang gumawa at mangolekta ng gatas mula sa kanilang mga miyembro. Ang bawa’t litro ay binibili nila ng PHP40 pero ngayon, umaabot na ng PHP70 hanggang PHP 75 kada litro. Ayon kay Alvin, walang mahirap sa pag-aalaga ng kalabaw basta masipag kang gumising ng maaga para paliguan at pakainin sila. “Kailangang magkaroon tayo ng mindset na sa bawa’t minutong ginugugol natin sa pagkakalabaw ay may katumbas na salapi,” dagdag pa niya. Noong 2018, marami sa kanilang miyembro ang nagkainteresado sa pagkakalabaw kaya ang dati nilang pangalang Barangay Agricultural and Fisheries Council (BAFC) ay naging sila ay naging TRLAFCO. Naging maayos ang daloy ng kanilang ko-op hanggang sa nagkaroon ng pandemya na sumubok sa kanilang tibay. Ang manager ng TRLAFCO na si Catherine Santiago ang nagsalaysay sa mga hamon na isa-isa nilang nilagpasan. “Natakot kami na lumabas dahil baka makahawa kami sa aming mga pamilya pero nag-aalala rin kami na kapag hindi kami lalabas, ano kaya ang mangyayari sa ko-op?” pagbabalik-tanaw ni Catherine. Naalala niya ang panahong tanging sasakyan lang nila ang tumatakbo sa kahabaan ng EDSA noong lockdown para mangolekta at maghatid ng gatas. Gayunpaman, siya at ang kanyang team ay nanatiling nakatuon sa kanilang trabaho dahil nais nilang walang ni kahit isang dairy farmer ang mapag-iwanan. “Hindi naming alam kung paano naming nagawa. Nagdasal lang kami at inisip na sa ginagawa namin ay meron kaming natutulongang pamilya ng mga magsasaka,” kwento ng emsoyonal ng si Catherine. Umayon din si Alvin na humuhugot sila ng inspirasyon na meron silang natutulongang lokal ng Rosario. Ang tanging problema nila ngayon ay kung sino ang magpapatuloy sa kanilang kabuhayan pagdating ng araw. Ngayon, nakatuon sila sa pagbigay ng suporta sa mga lokal Rosario. Nagsimula na silang maghatid ng tulong sa mga PWD at magbigay ng school supplies sa mga bata.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.