Sa Dairy may money, saksi diyan si CAMPCI

 

Sa tuwing maaalala ni Ferdinand Cueva, chairman ng Catalanacan Multi-Purpose Cooperative Inc. sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija ang kalagayan ng kanilang kooperatiba noong dekada 90s ay may kaginhawaan sa kanyang puso

Sa loob ng ko-op ay kakikitaan ng mga miyembrong nagpupulong, may mga abala naman sa mga papeles. Sa kanilang bakuran ay may mga nagbibilad ng palay, may abalang nagmamasa ng tinapay sa may gawi, at may mga nakapila para kunin ang kanilang benepisyo.

Ito ang karaniwang tagpo sa CAMPCI na hindi lubos inakala ng mga nagtatag nito na makakaranas sila ng kaginhawaan. Bahagi ng kanilang kasaysayan ang malungkot na karanasan. Ang kanilang kooperatiba ay dumaan sa isang tila madilim na panahon na ang natatanging takas ay ang sumuko. Nguni’t sa panahon na inakala nilang katapusan ng kanilang pamamalakad ay may liwanag ng pag-asa ang umusbong.

Taong 2020, mapalad ang CAMPCI na mapabilang sa listahan ng mga kwalipikadong supplier ng Milk Feeding Program at ng Karabun (milk flavored bun) ng Department of Education (DepEd).

Ang CAMPCI ay naka-ipon ng Php 54,497,300 mula sa 2,701,770 packs ng toned milk para sa milk feeding. Sa kabilang banda, Php600,000.00 ang kanilang kinita mula sa paggawa ng 600,000 piraso ng karabun. Sa wakas ay nagbunga na rin ang kanilang skap bilang miyembro at opisyal ng kooperatiba.

Sa kasalukuyan ay apatnapu mula sa 131 miyembro ng CAMPCI ang naggagatas. Bawa’t isang litro ay binibili ng kooperatiba sa halagang Php76.

Ayon kay Ferdinand, ang kanilang pakikisali sa feeding program at karabun ay nakatulong sa kanila upang kanilang mabawi ang titulo ng lupa ng koop at mga utang sa bangko. Maliban pa dito, nagkaroon din ng magandang pagbabago sa buhay ng kanilang miyembro. Isa-isa niyang ibinahagi ang mga pagbabagong ito.

“Nakabili kami ng limang hektaryang lupa na nagkakahalaga ng 8.6 milyon. Nakakuha rin kami ng elf truck na dalawang milyon ang presyo at nakapagpatayo kami ng gasoline station na nagkakahalaga ng 1.50 million pesos,” pagmamalaking sabi ni Ferdinand.

 Maliban pa sa mga nabanggit ay nagtayo sila ng panaderya na inilaan para sa paggawa ng mga pastry na gawa sa gatas ng kalabaw.

Sa kasalukuyan, ang CAMCI ay merong tatlong negosyo tulad ng trading, lending, at dairying. Pinatotohanan ni Ferdinand na ang dairying ang may pinakalamaking kontribusyon sa kanilang total income.

Taong 2015, binuksan ng DAPCC ang kauna-unahang Dairy Box sa Pilipinas na matatagpuan sa Maharlika Highway, Science City of Muñoz, Nueva Ecija at ito ay ipinamahala sa CAMPCI.

Bahagi ng kanilang plano sa hinaharap ang pagpapalawak at pagpapatayo ng dairy box upang mas lumaki ang market ng kanilang produkto.

Labis ang pasasalamat ng CAMCI kahit na sa mga kabiguan na kanilang pinagtagumpayan.

Ang CAMPCI ay pinagkalooban ng “Best Dairy Buffalo Farmer Cooperative” noong ika-anim at ika-pitong National Carabao Conference nd DA-PCC.

Isa sila sa mga nagpatunay na may tagumpay na naghihintay sa mga taong nagpupursige at nananampalataya.

Author

0 Response