Para sa tagumpay ni baclay, papugay! Nov 2023 Karbaw BMPC By Ronaline Canute Nagsipalakpakan ang madla nang tawagin ang general manager ng Baclay Multi-Purpose Cooperative (BMPC) sa Zamboanga Del Sur na si Richard Hidalgo upang ibahagi ang kwentong tagumpay ng kooperatiba sa pagkakalabawan. Notice: Undefined variable: imgDesc in C:\laragon\www\post.php on line 114 Sa may entablado ay nakapaskil ang tarpaulin na may nakasulat na ‘Cara-Ugnayan’, isang communication platform na binuo ng DA-Philippine Carabao Center na naglalayong ipakilala ang magagandang programa nito sa pamamagitan ng pakikipagugnayan sa mga lokal na media. Sa harap niya ay mga media, lokal na opisyales, dairy farmers, at dairy cooperative na nag-aabang sa kanyang kwento at kwenta. Kahit kinakabahan ay tumayo si Richard, nagpakilala, bumati, at sinimulang magkwento. *** Ang kasaysayan ng BMPC ay nabuo at sumibol sa maliit na opisina sa Ocampo St., Sto. Niño, sa Tukuran, Zamboanga del Sur. Ang kanilang bagong headquarters ngayon ay matatagpuan na sa Barangay Baclay sa kaparehong bayan. “Nahirapan kaming palaguin ang kooperatiba noong kami ay nasa lending business pa hanggang sa ipakilala sa amin ng DA-PCC ang kabuhayang salig sa gatasang kalabaw noong 2019,” panimula ni Richard. Ayon kay Fe Academia, ang Carabao-based Enterprise Development (CBED) coordinator ng DA-PCC sa Mindanao Livestock Production Center (DA-PCC sa MLPC), naghahanap sila noon ng magiging bull recipient nang makilala nila ang koop. “Ang kalabaw ay hindi kinikilala noon bilang isang hayop na pwedeng gamiting pang-negosyo. Nguni’t dahil sa effort ng DAPCC at ng kooperatiba, nalaman namin na ang kalabaw pala ay hindi pangkaraniwan lang na hayop kundi nakapagbibigay ng masaganang buhay,” ani Richard. Dahil sa pananaw na ito tungkol sa kalabaw, nagbago ang kapalaran ng BMPC--malayong-malayo sa kanilang naging simula. Ang koop ngayon ay abalang-abala na sa kanilang lalong lumalawak na negosyong salig sa gatasang kalabaw. Mula 2020 hanggang 2022, ang BMPC ay naging supplier sa national school feeding program sa mga School Division Offices (SDOs) sa Zamboanga Peninsula at Rehiyon X. “Noong napanood ko ang ‘Faces of Success’ at nakita ko ang sarili ko, naiyak ako. Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na masasabi naming nagtagumpay na kami!” nakangiting pagkukwento ni Richard. Ang tinutukoy ni Richard ay ang video na ipinalabas ng DAPCC sa 8th National Carabao Conference (NCC) noong 2022 kung saan nakabilang sila sa mga tinaguriang mukha ng tagumpay sa pagkakalabawan (Faces of Success in Carapreneurship). Sa video, buong pagmamalaking ipinakita at isinalaysay ng kooperatiba ang kanilang naging makabuluhang paglalakbay. “Nakapagpoproseso kami ng 44,000 piraso ng 200ml na sachet ng gatas sa isang araw. Iyan ay humigit-kumulang 150,000 sachets kada linggo. Para sa aming produksyon ng KaraBun, nakagagawa kami ng 37,000 buns na sumasakop lamang sa isang SDO. Ngayon ay umaabot na ito sa 92,000 para sa tatlong SDOs,” sabi ni Edmund Calvo, ang production supervisor ng BMPC. Ang pakikilahok ng BMPC sa national school feeding program ng DepEd ay nagdulot ng napakaraming benepisyo sa mga miyembro ng kooperatiba. Nakapagbigay ng trabaho ang kooperatiba sa mga tagaTukuran at karatig bayan dahil sa produksyon ng gatas at KaraBun. Kasalukuyang may 140 empleyado ang BMPC at nakatutulong din sa mga kabataan na gustong kumita habang nag-aaral ng part-time. Noong Marso ngayong taon, nakagawa ang koop ng bagong produkto na pumatok sa mga school canteen ng elementary at high school, ang milk bar. “Nakapagdebelop kami ng milk bar na ibinebenta namin ng PHP7.00 ang isa na pinapatungan naman ng school canteen ng PHP3.00. Umaabot ang aming kita ng PHP7,000 hanggang PHP8,000 bawa’t araw,” may pagmamalaking sabi ni Richard. Sa ngayon ay balak nilang makapagbenta ng milk bars sa 25 na paaralan sa kanilang lokalidad. Mula sa daang libo, multi-milyong kooperatiba na ngayon ang BMPC na aabot sa PHP50 milyon ang kabuuang asset. *** Nagsipalakpakan nang masigabo ang mga nakikinig nang matapos magkwento si Richard. Tunay ngang ang tamis pakinggan ng tunog ng palakpakan matapos mapagtagumpayan ang mahabang panahon ng kasawian
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.