Higit tatlong biyaya para sa Tres Marias Nov 2023 Karbaw Higit tatlong biyaya para sa Tres Marias By Maximo Peralta Jr. Sa iilan, lingid pa ang natatanging kainaman ng biyayang dulot ng pagkakalabawan nguni’t ang pakikibaka sa ganitong hanapbuhay ay sipag at tiyaga ang tanging puhunan. Isang yaman nga ito kung ituring ng mga sumubok na rito. Higit tatlong biyaya para sa Tres Marias Ang Tres Marias ng San Simon West Cluster sa Aringay, La Union ay ang tanging miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na sumubok sa pag-aalaga ng kalabaw at naging benepisyaryo sa proyekto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong 2018 na Sustainable Livelihood Program (SLP)-Dairy Buffalo Production. Ang nasabing proyekto ay magkakatuwang na isinasagawa ng DSWD, Department of AgriculturePhilippine Carabao Center sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DA-PCC sa DMMMSU), at LGU-MSWDO-MAO ng Aringay. Sa taong 2022, sila ay tatlo sa mga pinakamahuhusay na nagsagawa ng proyekto at kabilang sa may pinakamaraming nakokolekta na gatas ng kalabaw sa Aringay Dairy Carabao Raisers Association (ADCRA). Ang Tres Marias ay binubuo nina Aling Cecilia Carreon, 65; Catherine Carreon, 59; at Olivia Carreon, 54. Pabiro silang binansagan noon ng DA-PCC sa DMMMSU na Tres Marias dahil sa sila ay magkakaapilyedo bilang mga asawa ng magkakapatid na Carreon. Sa katunayan, si Aling Cecilia at Catherine ay magkapatid, habang si Aling Olivia ay kanilang hipag. Mula sa pabirong pagbansag ng Tres Marias, ito na ang naging pagkakakilanlan sa kanila kinalaunan. Ang pagsampa sa kalabaw Hindi naman maikakaila na ang pagtahak sa panibagong daan ay tila ba mahirap, nariyan ang pagdadalawang-isip at pagdududa. Nguni’t sa positibo at desididong tao na handang humarap sa kahit anong pangyayari, diretso ang kanilang tingin—nakatuon ang kanilang paningin sa ganda ng bagong oportunidad at ang nakaamba nilang pagtatagumpay. Bagama’t sila’y may edad na, hindi ito naging hadlang para sumubok sa pag-aalaga at paggagatas ng kalabaw. Para sa kanila, wala sa edad ang pag-aalaga kundi desisyon at tiyaga mismo. Taong 2018 noong magsimulang ipakilala ng DSWD sa kanila ang programa. Ayon kay Aling Cecilia, cluster leader ng San Simon West, hinikayat nya noon ang mga kapwa 4Ps beneficiaries na sumubok sa pagkakalabawan pero hindi sila sumang-ayon. Nguni’t ngayong nakikita na nila na maganda ang kinahinatnan ng kanilang pagiging katiwala sa programa ng pagaalaga ng kalabaw, nagsisi ang ilan at gusto na ring mag-alaga ng kalabaw. “Mayat met. Idi damdamo laeng kasla narigat ngem tatta agpagpagatas kamin, mayat met [Mainam. Noong una parang mahirap pero ngayong gumagatas na, mainam talaga],” nakangiting sabi ni Aling Olivia, anim na taon nang nagkakalabaw, sa salitang Ilocano. Naging haligi at kaakibat nila ang DA-PCC sa DMMMSU sa kanilang pagsisimula at sa pagbibigay nito ng iba’t ibang kaalaman tungkol sa tamang pag-aalaga, pagpapakain at paggagatas ng mga kalabaw maging sa pagproproseso ng gatas nito Malaki rin ang naging ambag ng paggagatas para tustusan ang pag-aaral ng mga anak nina Aling Catherine, Olivia, at mga apo ni lola Cecilia. Nakapagtapos na ang dalawang anak sa hayskul ni Aling Catherine at may isa pang anak na kasalukuyang nag-aaral. Gayundin ang mga apo ni Lola Cecilia at nag-iisang anak ni Aling Olivia na nasa ikatlong taon naman sa kolehiyo. Ito ang patunay na hindi sila nabigo sa kanilang desisyon na makipagsapalaran sa mundo ng pagkakalabaw. “Uray agfarfarm kami latta adda extra income mi idyay gatasan, […] since adda paylaeng pag-adadalek nga uubbing, dakkel nga banag didyayen [Kahit na nagbubukid pa rin kami may extra income kami dahil sa paggagatas, [...] at dahil may mga pinag-aaral pa akong anak ay malaking bagay na ‘yon],” ani Aling Cecilia. Bilang katiwala ng proyektong SLP ng DSWD, tinitiyak ni Aling Catherine na maipamamana niya ang kaalaman sa pag-aalaga at paggagatas ng kalabaw sa kanyang mga anak, “Isursurok latta ti aramiden da nu agpagatas ta ammo da ti araramiden da [Itinuturo ko ang dapat nilang malaman sa paggagatas para alam nila ang gagawin nila],”aniya. Ito ang naging kwento ng pag-uumpisa ng Tres Marias sa pagkakalabaw. Nang masumpungan ang pagkakataon na sila ay makapag-alaga ng gatasang kalabaw, hindi sila nagdalawang-isip kundi masaya silang sumagot kaagad ng oo ng may pag-asa na ngayo’y unti-unti nang nagkakatotoo. Ngayong unti-unti nang nakikilala ang kalabaw saan man, ang pagaalaga nito ay isang matingkad na oportunidad na katulad ng kulay nito—simbolo ng masaganang kita. Bukod sa karne at gatas na ipinoproseso, ginagawa ring sinturon ang balat nito habang ang dumi ay nagiging vermicast o pataba
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.