Freddie kwentong pag-angat sa lakbayin ng buhay Dec 2023 Karbaw CBED By Rovelyn Jacang Malaki ang pasasalamat ni Freddie Carlos, isang magkakalabaw mula sa Porais, San Jose City, Nueva Ecija, sa DA-PCC dahil simula nang mapahiraman siya ng gatasang kalabaw ay nagkaroon siya ng dagdag na pagkakakitaan. Malaki ang pasasalamat ni Freddie Carlos, isang magkakalabaw mula sa Porais, San Jose City, Nueva Ecija, sa DA-PCC dahil simula nang mapahiraman siya ng gatasang kalabaw ay nagkaroon siya ng dagdag na pagkakakitaan. Dating pagta-tricycle ang kabuhayan ni Freddie, na kumikita lang ng PHP5,000 hanggang PHP7,000 sa isang buwan. Nguni’t simula nang magkalabawan siya noong 2009, mas maginhawang pamumuhay ang naranasan niya at ng kanyang buong pamilya. Ang dating kinikita sa pamamasada ng tricycle ay nadoble at kung minsan nga ay higit pa. Bagama’t iba ang pag-aalaga ng purebred na kalabaw kumpara sa native na siyang nakasanayan ni Freddie, matiyaga siyang dumalo sa mga pagsasanay upang mas mapalago pa ang kanyang kaalaman at mapagbuti ang pagaalaga ng mga kalabaw. Sa loob lamang ng isang taon matapos maipagkaloob kay Freddie ang gatasang kalabaw ay nagsimula na siyang kumita mula sa gatas. Nakakukuha siya ng 5-6 litro ng gatas araw-araw na noong panahong iyon ay naipagbibili niya sa halagang PHP60 kada litro. Patuloy niyang pinagyayaman ang biyayang natanggap at nito lamang taong 2023 ay umabot na sa 25 litro ang kanyang naaaning gatas na naibebenta niya ng PHP80 kada litro. Mula sa isang alagang kalabaw, umabot na ngayon sa 15 ang kanyang inaalagaan, lima rito ang ginagatasan at ang iba ay buntis pa. Hindi biro ang pag-aalaga ng gatasang kalabaw. Ang iba ay sumusuko dahil sa ilang kadahilanan. Isa na rito ang hindi o hirap na pagbubuntis. Kaya may ibang magsasaka ang nagsasauli ng kanilang alagang kalabaw. Kung hindi nga naman magbubuntis ang kalabaw ay hindi nila ito magagatasan at mapagkakakitaan. Sa ganitong pagkakataon, si Freddie ang tumatanggap ng mga isinauling kalabaw at dahil sa kanyang matiyagang pag-aalaga, bumuti ang kalagayan ng mga kalabaw na dati ay payat at hindi mabuntis. “Ina-adopt ko yung mga natutunan ko sa mga seminar lalo na sa Farmer Livestock School on Dairy Buffalo Production (FLS-DBP),” ani Freddie. Malaki, aniya, ang naging pakinabang ng pagsasanay na ito dahil nagkaroon siya ng sapat na kaalaman kung paano mapagbubuti ang kanyang pagaalaga lalo na pagdating sa nutrisyon at kalusugan ng mga kalabaw. “Hindi naman lahat ng natututunan sa training ay kaya nating i-adopt. Pumili lang ako ng kaya kong gawin na nakikita kong angkop sa farm ko,” dagdag pa ni Freddie. Si Freddie ay kabilang sa mga pinakaunang sinanay sa FLSDBP. Dumaan siya sa training of trainers upang maging facilitator at magturo naman sa kanyang mga kapwa magsasaka. Ayon sa kanya, dahil sa FLS-DBP ay nalinang ang kanyang social skills. Hindi na siya mahiyain gaya ng dati at mas natutong makisalamuha sa ibang tao. “Mayroon na akong naisasagot kapag may nagtanong sa akin dahil sa mga itinurong mga pinagbuting pamamaraan sa pag-aalaga ng kalabaw,” ani Freddie. Malimit ding maimbitahan si Freddie para maging resource speaker at magbahagi ng kanyang kaalaman at karanasan sa ibang magkakalabaw na nagsasanay sa FLS-DBP mula sa Visayas at Mindanao. Sa kasalukuyan, si Freddie ang chairperson ng Simula ng Panibagong Bukas Multi-Purpose Cooperative sa San Jose City, Nueva Ecija.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.