Pagtutulungan sa ART-ICDF project Jul 2020 CaraBalitaan ART-IDFC, BODACO, DA-PCC sa USF By Charlene Joanino & Leinefe Aton DA-PCC sa USF — Inaasahang mapaiigting pa ang industriya ng pagkakalabaw sa probinsya ng Bohol sa hinaharap kaugnay ng implementasyon ng “Agricultural Rural Transformation thru Integrated Community Dairy Farming (ART-ICDF) Project”. “BODACO ang nangongolekta ng mga aning gatas mula sa magsasaka at nangunguna sa negosyo sa paggatasan na mahalaga sa implementasyon ng ART-IDFC project dahil ang mga magsasaka ang dahilan kung bakit isinasagawa ang ganitong inisyatiba”. Dr. Gundolino Bajenting Officer-In-Charge ng DA-PCC sa USF Nakatakda sa proyekto ang pagtutulungan ng Department of Agriculture-Philippine Carabao Center sa Ubay Stock Farm (DA-PCC at USF), National Dairy Authority (NDA), Pamahalaang Panlalawigan ng Bohol, at Bohol Dairy Cooperative (BODACO). Isinusulong dito na: (1) mapataas ang kita ng mga pamilya ng magsasaka na aabot sa Php30,000 kada taon; (2) mai-enroll ang 1,000 gatasang hayop kada taon; at (3) mapunan ng 100% pangangailangan sa National Feeding Program (RA 11037) sa probinsya ng Bohol. “Inilunsad ang proyekto noong Disyembre ng nakaraang taon sa 5th Bohol Dairy Festival, nguni’t ang implementasyon ay 2020 at magtatapos ng 2022,” ani Dr. Stella Marie Lapiz, Bohol provincial veterinarian. Naglaan ng Php6 milyon ang PLGU ng Bohol para sa community milk feeding. Ito ay upang matulungan ang mga magsasakang maggagatas na maibenta ang kanilang aning gatas lalo’t hirap itong maipasa sa merkado sa ngayon. Nangangailangan ng ‘di bababa sa 1,250 litro ng gatas kada araw o 150,000 litro sa loob ng 120 days ang probinsya upang mapunan nito ang pangangailangan ng 25,000 batang benepisyaryo para sa feeding program. ‘Di bababa sa 7,583 na gatasang hayop naman ang kailangan. Ito ay batay sa proposal sa naturang proyekto. May tatlong bahagi ang proyekto. Sa Phase 1 ay social mobilization kung saan ang DA-PCC sa USF, Office of Provincial Veterinarian, at NDA ang tutukoy ng lugar na ipabibilang, bubuo ng dairy clusters, magsasagawa ng marketing at orientation ukol sa proyekto. Ang Phase 2 naman ay kinabibilangan ng mga pagsasanay, pagtitipon ng mga stakeholders, pagpapalaki ng kawan, at pagtatayo ng mga communal facilities. Sa Phase 3, magtatayo ng mga negosyo. Ang mga inisyatiba nito ay sa silage production, feedmill, vermicomposting facility, processing at marketing outlets, private partnership, at product development. Sa pagsisimula ng taon, sinimulan na ang Phase 1 at nakapag-enroll na ng 500 hayop mula sa mga piling munisipalidad. Habang sa San Miguel, higit sa 40 kalabaw ang nabuntis. Nitong Hunyo ay nagbigay ng isang traktora ang PLGU sa BODACO bilang tulong sa produksyon ng damong pakain. Ang DA-PCC sa USF ay nakapagbigay na sa nasabing kooperataba ng inisyal na dalawang sets ng kagamitan para sa water system ng dairy farmer clusters sa Mabini, 10 sako ng dairy concentrates, at isang 20-kilo mineral block bilang parte ng mga aktibidad na nakahanay bilang ayuda mula sa pandemya. “Nakita man jud ang dakong potential sa dairy dinhi sa province maong ato gyud gipanghingusgan nga ma implement gud ni siya pinaagi sa atong pagtinabangay” (Nakita natin ang magandang potensyal ng paggagatas dito sa ating probinsya kaya palalakasin pa natin ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng isa’t-isa,’’ ibinahagi naman ni Lapiz. “BODACO ang nangongolekta ng mga aning gatas mula sa magsasaka at nangunguna sa negosyo sa paggatasan na mahalaga sa implementasyon ng ART-IDFC project dahil ang mga magsasaka ang dahilan kung bakit isinasagawa ang ganitong inisyatiba”. Dr. Gundolino Bajenting Officer-In-Charge ng DA-PCC sa USF
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.