Publication: Karbaw

Isang magasin na inilalathala ng Philippine Carabao Center (PCC), isang ahensiya sa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura, apat na beses sa isang taon. Layon ng Karbaw magasin na iparating sa mga mambabasa nito ang iba't ibang kwento ukol sa mga tao, pangyayari, at iba pa na may kinalaman sa umiigting at lumalagong industriya ng kalabaw sa bansa

img

MILYONARYO SA BURO

Sa mahabang panahon, negatibo ang kadalasang pananaw ng publiko tungkol sa bakterya. Kadalasan kasi itong iniuugnay sa mga sakit at impeksyon, ayon sa Microbewiki. Nguni’t marami rin ang bakterya na kapakipakinabang hindi lang sa tao kundi pati na rin sa mga pagkain at iba pang mga produkto, tulad ng bakterya sa loob ng naimbak na mais.

img

‘Love is sweeter’ dahil sa kalabaw

Pagsapit ng alas kwatro ng umaga, abala na ang mag-asawang Danny at Katt sa mga gawain sa kanilang kalabawan. Habang nagpapaligo si Danny, inihahanda naman ni Katt ang mga gagamitin sa paggagatas. Pagpatak ng alas singko, nakapwesto na si Danny sa gilid ng kalabaw habang nakaupo naman sa kabilang gilid si Katt para sabay nilang gatasan ang alaga.

img

Serbisyong Angeles,One of the Best!

Tinaguriang pambansang hayop ng Pilipinas ang kalabaw o water buffalo. Simbolo rin ito ng kalakasan at kasipagan na kadalasang maihahalintulad sa ugali at katangian ng isang mamamayang Pilipino, tulad na lamang ng kinilalang 2023 Outstanding Village-Based Artificial Insemination Technician (VBAIT) na si Edgardo DC. Angeles mula sa bayan ng Floridablanca sa Pampanga.

img

Kwentong Cara Cuero

Sa negosyong paghahayupan, hindi maiiwasang may mga alagang magkakasakit o mamamatay. Isa ito sa katotohanang kinakaharap ng mga dairy farms hindi lang ng ahensya kundi ng mga kooperatiba na inaasistehan nito. Nguni’t sa halip na ituring na balakid o suliranin, isa itong oportunidad para sa DA-PCC sa Central Luzon State University (DA-PCC sa CLSU).

img

Dati’y nag-aalinlangan, ngayo’y asensadong kabuhayan

“Baka hindi po namin kaya…” ‘yan ang salitang binitawan ni Cora Q. Cabintoy halos tatlong taon na ang nakararaan nang mapili sila ng DA-Philippine Carabao Center (DA-PCC) bilang katiwala sa programa nitong pag-aalaga ng mga gatasang kalabaw. Si Cora ang ngayo’y tagapamahala ng Antipolo Primary Multipurpose Agricultural Cooperative (APMAC) sa Antipolo, Dapitan City, Zamboanga Del Norte.

img

Iniwang legasiya, ipinagpatuloy ng dalagang carapreneur

Kung ang ibang kabataa’y kaliwa’t kanan ang upload ng mga “selfies”, pasyalan, at iba’t ibang personal na ganap sa kani-kanilang mga socmed accounts, agaw-pansin naman ang ipino-post na content ng isang dalaga sa San Jose City, Nueva Ecija. Ang sa kanya’y mga videos ng pagpapaligo ng kalabaw, paggagatas, pagkuha ng pakain sa katirikan ng araw, paglilinis ng kulungan at dumi, at paggawa ng mandala ng dayami.

Showing 10 results of 187 — Page 1