Karabella: Negosyong Pinoy Jun 2025 Karbaw Karabella By ReiMar Aguinaldo Sa abalang lungsod ng Metro Manila kung saan maraming mga sikat na negosyo at produkto ang nagsisilabasan, isang natatanging kwento at panlasa ang naiiba — ang Karabella. Isa itong lokal na negosyong may layuning ipagmalaki ang lasang Pinoy gaya ng gatas at karne ng kalabaw sa buong mundo. Sa abalang lungsod ng Metro Manila kung saan maraming mga sikat na negosyo at produkto ang nagsisilabasan, isang natatanging kwento at panlasa ang naiiba — ang Karabella. Isa itong lokal na negosyong may layuning ipagmalaki ang lasang Pinoy gaya ng gatas at karne ng kalabaw sa buong mundo. Nagsimula ang Karabella noong 2017 bilang isang simpleng proyektong may layuning tumulong sa mga magkakalabaw sa Gawad Kalinga Enchanted Farm. Ang kanilang naging unang produkto ay pastillas de leche — matamis, malambot, at puno ng purong gatas ng kalabaw. Nguni’t hindi pa roon nagtapos ang kanilang pangarap. "Nais naming makagamit ng mas maraming gatas ng kalabaw para mas marami kaming matulungang magsasaka," ani ng tagapagtatag ng Karabella na si Eric Jan Buenaflor. Kaya't nabuo ang kanilang gelato na gawa sa gatas ng kalabaw. Ayon sa mga parukyano, iba ang Karabella gelato. Sa unang tikim pa lamang, mararamdamang ito’y may sariling lasa—mas malapot at may natural na tamis na tatatak sa panlasa. Ginagamit lamang nila ang lokal at natural na sangkap, walang halong preservative o artipisyal na pampalasa. Hindi lang gatas, karne pa Hindi lamang gatas ang ipinagmamalaki ng Karabella. Nagbebenta na rin sila ng karne ng kalabaw—patunay na hindi lang pangkusina ang karneng ito, kundi pang-industriya pa. “Karaniwan, pag sinabing karne ng kalabaw, iniisip ng tao na matigas. Pero hindi,” paglilinaw ni Eric Jan. “Kapag ginawa naming sausage o giniling para sa bolognese, malambot ito, malasa, at masustansya pa.” Gamit ang inspirasyong ito, isinama nila ang carabao beef sa kanilang mga rice meals, pasta, at appetizer — lahat ng ito ay hinangaan ng kanilang mga customers. May mga nagsasabing, “Akala ko matigas 'yong carabao beef, pero ang lambot pala!” Laging may elementong surpresa, laging may dahilan para bumalik. Sa dulo ng lahat ng ito, isang bagay ang sigurado: sa bawa’t scoop ng kanilang gelato, sa bawa't serving ng carabao beef bolognese, at sa bawa’t tasang gatas na may pagmamahal, dama ang layunin ng Karabella — ang ilapit sa bawa't Pilipino ang masarap, masustansya, at makabayang lasa ng gatas at karne ng kalabaw. Eric Jan Buenaflor, Karabella Dairy Owner Lasa na may malasakit Hindi basta-basta ang paggawa ng menu sa Karabella. Bawa’t putahe ay dumaan sa panlasa at puso ng mismong may-ari. “Hindi ako gumagawa ng pagkain na hindi ko rin kakainin,” aniya. Kaya’t bawa't sangkap, bawa't serving, at bawa't presyo ay maingat na pinili at pinagdesisyunan—para sa kalidad, hindi lang para sa kita. Ang kanilang tagumpay? Hindi lang nasusukat sa dami ng branches, kundi sa dami ng pusong naaantig. “Gusto kong maging parte ng araw-araw ng customers namin. 'Yong tipong, 'Gusto kong mag-kape — tara sa Karabella. Gusto ko ng dessert — may gelato sila. Gusto ko ng masustansyang karne — may carabao beef sila,” ani Eric Jan. Mula sa kanilang unang branch sa Robinsons Manila hanggang sa SM North Edsa sa Quezon City, dala ng Karabella ang iisang pangarap: ang itanghal ang kayamanang lokal ng Pilipinas, lalo na ang mga produktong mula sa kalabaw. Habang bukas sila sa posibilidad ng expansion, ngayon ay nakatutok sila sa pagpapahusay ng serbisyo, produkto, at karanasan ng bawa’t customer. “Gusto muna naming perpektuhin ito bago namin i-expand sa ibang lugar,” aniya. Sa dulo ng lahat ng ito, isang bagay ang sigurado: sa bawa’t scoop ng kanilang gelato, sa bawa't serving ng carabao beef bolognese, at sa bawa’t tasang gatas na may pagmamahal, dama ang layunin ng Karabella — ang ilapit sa bawa't Pilipino ang masarap, masustansya, at makabayang lasa ng gatas at karne ng kalabaw. Kaya sa susunod na hanap mo ay hindi lang pagkain kundi karanasang puno ng puso at lasa, alam mo na kung saan pupunta. Tikman ang Karabella — ang gatas at karne ng kalabaw na tunay na nakabubusog, nakatutuwa, at nakabibilib.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.