Isang Kalabaw, Isang Kuwento ng Tagumpay Jun 2025 Karbaw Pagkakalabawan By Camilla Soliman Isang kalabaw lang ang puhunan ni Ariel Morales mula Sta. Rita, Pampanga nguni't sapat na ito para simulan ang magandang pagbabago sa kanyang buhay. Pinatunayan niyang hindi hadlang ang maliit na simula kung may tiyaga, tapang, at malasakit sa pamilya. Mula sa isang bote ng gatas, ngayon ay tahanan, edukasyon, at mas matatag na kinabukasan ang naibigay niya sa kanyang pamilya at lahat ay mula sa tulong ng kanyang mga alagang kalabaw. Isang kalabaw lang ang puhunan ni Ariel Morales mula Sta. Rita, Pampanga nguni't sapat na ito para simulan ang magandang pagbabago sa kanyang buhay. Pinatunayan niyang hindi hadlang ang maliit na simula kung may tiyaga, tapang, at malasakit sa pamilya. Mula sa isang bote ng gatas, ngayon ay tahanan, edukasyon, at mas matatag na kinabukasan ang naibigay niya sa kanyang pamilya at lahat ay mula sa tulong ng kanyang mga alagang kalabaw. Hindi man nakapagtapos ng kolehiyo, pinatunayan ni Ariel na ang tiyaga at diskarte sa buhay ay sapat upang makamit ang pangarap para sa pamilya. “Nag-alaga ako ng isa, tapos dumami. Tuluy-tuloy lang hanggang sa lumago,” ani Ariel, habang nakangiting binabalikan ang simula ng kanyang paglalakbay sa pagkakalabawan. Wala raw sa kanilang pamilya ang may lubos na kaalaman sa ganitong gawain. Kaya’t lahat ay natutunan niya sa aktwal na karanasan at sa tulong na rin ng mga kakilala. Isa sa mga mahahalagang koneksyon ni Ariel ay mula sa Provincial Veterinary Office (PVO), na siyang nagpakilala sa kanya sa DA-Philippine Carabao Center (DA-PCC). Mula noon, unti-unting nagbukas ang mas maraming oportunidad para sa kanilang maliit na kabuhayan. Sa kasalukuyan, may 49 na kalabaw si Ariel, 29 sa mga ito ay inahin at patuloy siyang nagbebenta ng gatas. Umaabot sa PHP50 ang bentahan ng bawa't 150 ml na bote ng gatas ng kalabaw, at ang mga produkto niya ay umaabot pa sa Guagua at Zambales. Wala namang may karanasan sa ganitong gawain sa aming pamilya kaya’t lahat ng natutunan ko ay mula mismo sa aktwal na karanasan at sa gabay ng mga kakilala na handang tumulong. Nag-alaga ako ng isa, tapos dumami. Tuluy-tuloy lang hanggang sa lumago. Ariel Morales, Carapreneur sa Sta. Rita, Pampanga Hindi naging madali ang lahat. Ayon kay Ariel, “Sa umpisa talaga ay mahirap magbenta, lalo na kung hindi ka kilala. Mahirap i-market ang gatas mo kung wala pang tiwala ang mga tao sa'yo,”aniya. Nguni't sa pagdaan ng panahon, unti-unting nakilala ang kanyang produkto at ngayon, hindi na sila nahihirapan sa pagbebenta. Bago niya pinasok ang pagkakalabaw, si Ariel at ang kanyang pamilya ay nagtatanim at nagtitinda ng gulay. Limang taon silang pumupunta sa Balintawak kung saan sila may puwesto. Nguni't sa paglipas ng panahon, nakita nila na mas maganda ang kita sa gatas. “Mahina ang gulay, lalo na 'pag dumating ang bagyo. Simula nang sumuong kami sa pagkakalabaw, tumigil na kami sa pagtatanim,” paliwanag niya. Hindi lamang sa kabuhayan umikot ang kanyang tagumpay. Ang gatas ng kalabaw ay naging dahilan din upang makapag-aral ang kanyang mga anak. “Nakapagpatayo ako ng bahay, tapos napag-aaral ko pa ‘yong tatlong anak ko. Gatas din ang pinagkukuhanan ng gastos para sa maintenance ng asawa ko—halos PHP10,000 ‘yon kada buwan,” ani Ariel. Sa panahon ngayon, kung saan maraming pamilyang Pilipino ang hirap itaguyod ang edukasyon ng anak, isang inspirasyon ang kwento ni Ariel. Kamakailan lang ay naawardan siya ng bulugan at ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang makatanggap ng ganitong biyaya mula sa ahensya. “Sinubukan ko lang mag-apply sa tulong na rin ng PVO at nalaman naming pwede pala, buti na lang at sinuwerte,” aniya. Hindi rin niya nakakalimutang pasalamatan ang kanyang mga anak na laging handang tumulong tuwing walang pasok. Isang taon na lamang ay magtatapos na ang panganay niya sa kolehiyo, habang ang dalawa ay papasok na rin ng kolehiyo. Si tatay Ariel ay patunay na hindi kailangan ng marangyang pamumuhay para masabing matagumpay. Ang mahalaga ay may direksyon, diskarte, at dedikasyon sa bawat hakbang. Pagkatapos ng isang mahabang araw, ang kalabaw na kanyang inalagaan mula sa isa hanggang maging halos 50 ay hindi lang mga alagang kalabaw para sa kanya. Ito ang naging tulay sa mas magandang kinabukasan. Si Ariel Morales ay isang larawan ng isang masigasig na carapreneur, masipag, at inspirasyon sa marami.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.