Posts by Tag:  Pagkakalabawan

img

Isang Kalabaw, Isang Kuwento ng Tagumpay

Isang kalabaw lang ang puhunan ni Ariel Morales mula Sta. Rita, Pampanga nguni't sapat na ito para simulan ang magandang pagbabago sa kanyang buhay. Pinatunayan niyang hindi hadlang ang maliit na simula kung may tiyaga, tapang, at malasakit sa pamilya. Mula sa isang bote ng gatas, ngayon ay tahanan, edukasyon, at mas matatag na kinabukasan ang naibigay niya sa kanyang pamilya at lahat ay mula sa tulong ng kanyang mga alagang kalabaw.

img

Payamang Pamayanan ng Buliran

Malamig ang simoy ng hangin na yumayakap sa kalikasan. Ang langit ay malinaw at mapayapa, habang ang Ilog Pampanga ay marahang umaagos, wari’y nakikisabay din sa katahimikan ng bagong araw. Kalauna’y, sunud-sunod na kalabaw ang dumating at nagsitampisaw sa malamig na tubig ng ilog.

img

Higit sa pagbubukid

Kung tatanungin ang mga magsasaka sa Cebu kung ano ang kalabaw, maaari na ang maririnig na sagot ay isa itong hayop na masipag at todo-kayod sa bukirin. Nguni’t para kay Daleng, gusto niyang magbago ang ganitong kaisipan ng mga Cebuano pagdating sa iba pang kayang ibigay ng kalabaw sa kanilang pamumuhay.

Showing 8 results of 12 — Page 1