Father–son tandem sa pagkakalabawan

 

Sa pag-aalaga ng kalabaw, hindi ito kaya ng isang tao lamang. Kailangan natin ng mga katuwang upang mas mapayabong pa ang gawaing salig dito. Karaniwan nang ang pamilya ang katuwang sa pagpapatakbo ng ganitong negosyo.

Sa isang pamilya, ang ama ang itinuturing na haligi ng tahanan samantalang ang anak namang lalaki ang kanyang katuwang. Ang isang malusog na samahan ng mag-ama ay magbubunga ng makabuluhan at matagumpay na gawain.

Unang pagkilala

Sa regular na pagdalaw ng DAPCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa Cabaritan Sur, Naguilian, La Union, nakilala ng mga extensionists nitong sina Kimberly Turaja at Carlo Jowan Aspiras Jr. si Tatay Renato dela Cruz, 76. May malawak na lupain si Tatay Renato kung kaya't inengganyo nila itong pumasok sa gawaing pagkakalabawan.

Natutunan ni Tatay Renato na maaari pa lang kumita sa kalabaw sa maraming paraan katulad ng paggagatas dito, pagbebenta ng karne, paggamit sa balat bilang pagkain at aksesorya o palamuti, at mapagkukunan ng lakas pantrabaho.

Dahil sa kanyang nalaman ay kinausap ni Tatay Renato ang anak na si Frederic dela Cruz, 46, na noo’y nasa ibang bansa.

Ang Pagsisimula

Sa regular na pagdalaw ng DAPCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa Cabaritan Sur, Naguilian, La Union, nakilala ng mga extensionists nitong sina Kimberly Turaja at Carlo Jowan Aspiras Jr. si Tatay Renato dela Cruz, 76. May malawak na lupain si Tatay Renato kung kaya't inengganyo nila itong pumasok sa gawaing pagkakalabawan. Natutunan ni Tatay Renato na maaari pa lang kumita sa kalabaw sa maraming paraan katulad ng paggagatas dito, pagbebenta ng karne, paggamit sa balat bilang pagkain at aksesorya o palamuti, at mapagkukunan ng lakas pantrabaho. Dahil sa kanyang nalaman ay kinausap ni Tatay Renato ang anak na si Frederic dela Cruz, 46, na noo’y nasa ibang bansa.

Ang Pagsisimula

Nahimok niya ang anak na subukan nilang mag-ama ang pagkakalabawan. Nagsimula si Tatay Renato na mamili ng tatlong kalabaw noong 2015. Nang sumunod na taon, nagbalik sa Pilipinas ang kanyang anak na si Frederic na nakipagsapalaran sa ibang bansa, upang umagapay sa ama sa naisip nitong kabuhayan.

“Noong umuwi ako, bumili ako ng dalawang kalabaw at nabigyan ng DA-PCC sa DMMMSU ng isa pa,” ani Frederic.

Oktubre ng taong 2016 nang unang maranasan ni Frederic na gatasan ang kanyang inahing kalabaw. Ito ang unang anak ng kanyang kalabaw at dito na rin siya natutong gumatas sa gabay ng kanyang pinsan na matiyagang nagpapayo sa kanya tungkol sa tamang paggagatas ng kalabaw.

Dahil sa determinasyon kong matuto pinagtiyagaan kong gatasan iyong kalabaw kahit na kaunti ang lumalabas na gatas hanggang sa ako’y matuto nang husto,” ani Frederic.

Kapag nagkakaroon ng training ang DA-PCC tungkol sa mga pinagbuting pamamahala sa pagkakalabawan, si Tatay Renato ang dumadalo. Pagkatapos ng training ay ibinabahagi naman nito ang mga bagong kaalaman sa kanyang anak upang mas mapaganda ang kanilang kasanayan sa pagkakalabaw.

Katas ng pagkakalabaw

Noon, dalawa hanggang tatlong litro lang ang nakukuhang gatas ng mag-ama sa mga alagang kalabaw nguni't habang tumatagal ay naging lima hanggang pitong litro na. Taong 2017, nakakokolekta sila ng 13 litro ng gatas sa isang araw mula sa tatlo nilang kalabaw. Dito napansin ni Frederic na may epekto ang dami ng ipinapakain sa dami ng nakukuhang gatas.

“The more you feed the carabao, mas marami rin itong maibibigay na gatas,” aniya.

Ang kanilang ipinapakain sa mga alaga ay ang mga available feed resources sa kanilang lugar katulad ng dayami, napier, mais, at damo. 

Ayon kay Renato, umabot ng 30 litro sa isang araw ang nakokolekta nilang gatas sa anim na inahing kalabaw mula 2020- 2021 at sila'y kumita ng mahigit PHP40,000 na net income sa isang buwan sa mga nasabing taon.

Malaking tulong ang mga Bombay na nakatira sa Pilipinas, sa pagtangkilik sa gatas ng kalabaw bukod sa pagbebenta ng gatas para sa Milk Feeding Program. Dahil sa pag-aalaga nila ng kalabaw at pagbebenta ng gatas nito, nakabili sila ng motorsiklo at kolong-kolong, chopper, at chest-type freezer. Maliban sa pagbebenta ng gatas, nagbebenta rin sila ng mga lalaking kalabaw.

Sa kasalukuyan, nasa 29 na kalabaw ang kanilang inaalagaan. Apat dito ay mga lalake habang 25 naman ay mga babaeng kalabaw. Labintatlo rin dito ay mga bulo, nagdadalaga’t nagbibinatang kalabaw.

“Talagang maraming pagkakakitaan sa kalabaw, kailangan lang talaga ay tiyaga,” ani Frederic.

Author

0 Response