Lumaking ani at kita sa pagkakalabawan

 

Isa ang Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative (Eastern PMPC) sa mga patotoo ng masaganang ani at mataas na kita sa pagkakalabawan.

Sa ginanap na 30th Annual Regular General Assembly ng kooperatiba ngayong araw, nagpasalamat si Eastern PMPC chairperson Samuel Mercader sa DA-PCC sa walang sawang paggabay nito sa kanilang kooperatiba upang patuloy na makapagsupply ng produkto para sa national milk feeding program na pinangungunahan ng DepEd at DSWD.

Sa kasalukuyan, umaabot na ng milyon ang kinikita ng kooperatiba sa kabila ng hamon ng pandemya. Ngayon ay nakatakda na ring magbigay muli ang koop ng dibidendo sa mga miyembro nito makalipas ang ilang taon.

Kaagapay din ng kooperatiba sa paglago at pag-asenso ang LGU-San Jose na patuloy na sumusuporta sa Eastern PMPC sa pamamagitan ng pagsasagawa ng lungsod ng mga regular na programa kagaya ng milk feeding program.

Ang lungsod ay bumibili buwan-buwan ng gatas ng kalabaw at milkybun sa kooperatiba upang ipamigay sa mga barangay ng San Jose. Ito ay sa inisyatiba ng City Cooperative Development Office sa pangunguna ni Ma. Cristina Corpuz.

Paalala naman ni DA-PCC OIC Executive Director Dr. Ronnie D. Domingo sa Eastern PMPC na maging handa sa lahat ng bagay, huwag matakot sumubok sa mga negosyong

ika-uunlad pa ng operasyon nito, at maging matatag sa lahat ng hamon ng buhay para sa patuloy na paglago ng kanilang kooperatiba.

Kabilang din sa mga dumalo sa aktibidad ay sina Josephine Aguinaldo ng Department of Agrarian Reform, Malou Santos ng Department of Trade and Industry, Mario Torres ng LGU-San Jose, at Dr. Ericson N. Dela Cruz ng DA-PCC sa CLSU.

Author

0 Response