Dairy Box: Siyam na taon sa piling ng komunidad Dec 2024 Karbaw Dairy Box By France Joseph Pascual Sa loob ng siyam na taon, naging daluyan ang Dairy Box ng mga oportunidad para sa mga kooperatiba't magsasaka na maiangat hindi lang ang pansariling buhay kundi ang mga lokal na produkto na gawa sa gatas ng kalabaw. Dairy Box: Siyam na taon sa piling ng komunidad Ang Dairy Box ay isang business model ng DA-PCC para sa mga maliliit na magsasaka ng gatas at mga kooperatiba sa ilalim ng pangunahing programa nito na Carabao-based Enterprise Development (CBED). Sa katunayan, dito inangkop at pinasimulan ni Senador Cynthia Villar, ang chairperson ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, ang Dairy Box bilang isa sa mga components ng Accelerating Livelihood & Assests Buildup (ALAB) Karbawan, sa proyektong Carabaobased Business Improvement Network (CBIN) at Coconut-Carabao Development Project (CCDP). Umabot na sa 92 ang Dairy Box noong Hulyo 2024. "Sa buong Pilipinas ay iisa lamang ang itsura ng Dairy Box dahil naniniwala kami na 'yong pagmamahal ng DA-PCC sa kanyang kliyente ay pinapatunayan ng isang layunin lamang," ani Dr. Liza Battad, DA-PCC Executive Director III. Sinabi rin ni Direktor Battad na patuloy na lumago ang merkado para sa mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw dahil na rin sa sama-samang pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan at iba't ibang ahensya ng gobyerno na sumusuporta at umaagapay sa DA-PCC at sa mga inisyatiba nito. Pinagmulan Itinatag ang kauna-unahang Dairy Box noong 2015 sa Science City of Muñoz, sa Nueva Ecija na pinamamahalaan ng Catalanacan Multi-Purpose Cooperative Inc. (CAMPCI). Sa ilalim ng tagline na “Go local, go dairy,” naging hudyat ito ng pagbubukas ng pintuan upang maisulong ang iba't ibang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw na tiyak na kapananabikan ng mga turista at manlalakbay. Bukod pa rito, ang pangalang "Dairy Box," na nilikha ni Dr. Battad ay nagpapahiwatig ng "box of dairy goodness." “Layunin ng PCC na maglunsad ng isang one-stop dairy hub na tututok sa pagbebenta ng mga de-kalidad na produktong gawa ng aming kooperatibang mga manggagatas. Nais nating patuloy na paunlarin ang mga magsasakang-maggagatas sa pamamagitan ng value-adding para sa mas mataas na kita. Sa tamang merkado, sa tamang lugar sa tamang oras, sa tamang kalidad, naniniwala kami sa PCC na ang produksyon ng gatas ay lubos na mapapabuti,” ito ang mensahe ng former PCC Executive Director na si Dr. Arnel N. Del Barrio noong grand opening ng Dairy Box. Ani at Kita Noong 2015, may pitong orihinal na produkto ang nabibili sa Dairy Box. Kasama rito ang espasol de leche, sweet macapuno, macaroon, leche flan, bibingkang gatas, at bibingkang kanin na pandan flavor. Ibinibenta rin ang ibang produktong mula sa lokal na koop tulad ng pulvoron at buko pie mula sa Eastern Primary MultiPurpose Cooperative, at leche flan na may macapuno flavor, Chicharabao, tibok-tibok, dulce de leche, sapinsapin, at brownies. Ngayon, nag-aalok na rin ang tindahan ng silvannas, biscuits, tamarind-concentrated candies, at iba pa. Ayon sa financial statement ng kooperatiba, noong kakabukas nito, umabot ang kita ng Dairy Box sa PHP300,000 na may average income kada araw na PHP9,000. Ngayon, pumapatak na sa PHP100,000 ang kinikita ng CAMPCI kada buwan. Ayon naman sa Carabao-based Business Portfolio ng Dairy Box, inaasahan na ang tindahan ay magkakaroon ng kita na PHP1,886,505.03 sa 2025. Suporta Ang pagkabuo ng ALAB Karbawan, proyektong inisyatibo ni Senador Cynthia Villar, ay nagbibigay ng mga interbasyon at suporta sa pag-unlad ng mga magsasaka. Samantala, ang mga nakikipagtulungang lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensiya ay tumitiyak na ang mga ibinibigay na suporta ay gagamitin upang mapabuti ang kabuhayan ng mga kasama sa value chain sa pamamagitan ng herd buildup, organisadong koleksyon ng gatas, at pagpoproseso at pagsasapamilihan ng mga produkto. Mula sa unang tindahan nito sa Science City of Muñoz, ang bilang ng mga Dairy Box establishments sa buong Pilipinas ay umabot na sa 92: 38 sa Luzon, 30 sa Visayas, at 24 sa Mindanao. Malaki ang naging tulong ng DA-PCC sa kooperatiba nina Ferdinand Cueva, ang chairperson ng CAMPCI. Wika niya, "Behind the success of our co-op is a story of disappointment, but with our patience and determination to scale up through dairying, we were able to find the light at the end of the tunnel." Dagdag pa niya, plano nilang magpatayo ng karagdagang tindahan ng Dairy Box kung saan maaari nilang ipakita ang kanilang mga produkto. Nagsaad din ng mabuting saloobin ang chairperson ng Bohol Dairy Cooperative na si Roger Damalerio. "Maraming naitulong ang DA-PCC sa koop namin, kasama na roon ang mga training, immersion sa ibang koop at marami pang iba. Ang DA-PCC din ang nag-encourage sa amin na magbukas ng mga Dairy Box at kasama din sila sa planning nito. Kung may problema kami, lumalapit kami sa kanila at kaagad ang pagtulong nila. Masaya kami ngayon kasi lumalaki na ang aming kooperatiba. Natutulungan natin ang dairy farmers sa pagbili ng gatas sa mataas na presyo. Naging millionaire koop na kami, lumaki na ang aming dairy enterprise. Marami na ang natutulungan, dumami na namin ang nabigyan rin ng trabaho," aniya. Dalawang Dairy Box stores ang pinamamahalaan ng Bohol Dairy Cooperative. Isa sa Island City Mall sa Tagbilaran City, Bohol habang ang isa naman ay sa Ubay Public Market, Poblacion, Ubay, Bohol. Ipinahayag din ni Wendell Amoronio, Operations Manager ng Sta. Catalina Multi-Purpose Cooperative, ang kanyang pasasalamat sa ahensya dahil sa panimulang 50 kalabaw na pinagkaloob sa kanila mula sa proyekto ng CBIN. Ngayon, ang kooperatiba na nakabase sa Cotabato, Kidapawan sa Mindanao ay kumikita ng PHP4,000-5,000 kada araw sa kanilang iba't ibang masasarap na produktong gatas tulad ng yogurt, ice cream, pastillas, cara blanca, keso, flavored milk, at milk tea. "With our vision of inclusive growth, SCMPC leaves no one behind. In every step forward, every member and stakeholder included." Ang tagumpay ng Dairy Box ay para sa mga kooperatibang nagtiwala sa bisyon ng DA-PCC at natutong makipagsapalaran sa negosyong pagkakalabawan.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.