Maalab na pagkakalabawan sa region 2

 

DA-PCC sa CSU-Karagdagang 21 dairy crossbred buffalo and natanggap ng Liga ng mga Barangay ng Isabela MultiPurpose Cooperative (LBIMPC) mula sa DA-PCC sa CSU noong Mayo 12, 2023.

“Itong mga crossbred na gatasang kalabaw na maipapamahagi sa atin ay walang ibang handog kundi benepisyo kaya’t marapat na pag-igihan natin ang pag-aalaga sa mga ito upang maipagpatuloy ang proyekto” ani Ferdinand P. Tejada, municipal agriculturist.

Idinagdag pa niya na ang proyekto ay magbibigay daan para sa pagpapatayo ng mga pasilidad na gagamitin sa pag pro-proseso ng gatas sa kanilang bayan upang mapataas and produksyon ng dairy at balang araw ay makapag supply ng gatas sa mga karatig bayan ng Echague.

Nagbahagi rin ng kanyang pagsuporta sa programa ang Manager ng LBIMPC na si Helino B. Pangilinan na nagpaplanong gawin ang pamamaraan o estratehiya ng ibang matatagumpay na kooperatiba.

“Kailangan nating magproseso ng ordinansa na magbibigay ng insentibo sa mga maggagatas at mag lilimita sa pagkakatay at pagbebenta ng mga babaeng kalabaw upang mapanatili ang dami ng gatasang kalabaw sa ating bayan,” ani Helino.

Sa kasalukuyan, ang proyektong Accelerating Livelihood and Assets Build-up (ALAB) Karbawan ay naipatupad na ng DA-PCC at CSU sa limang probinsyang kanilang nasasakupan kung saan anim na kooperatiba na ang nakatanggap ng 356 dairy crossbred buffalo. Animnapu’t walo naman dito ang natanggap ng LBIMPC.

Author

0 Response