Gender mainstreaming patuloy na isinusulong

 

DA-PCC NHQGP — Nagtipon ang mga miyembro ng Gender and Development (GAD) Focal Point System (FPS) at technical working group (TWG) ng DA-PCC habang sinusunod ang itinakdang health and safety protocols upang suriin ang antas ng pagsisikap ng ahensiya sa pagsusulong ng GAD gamit ang Gender Mainstreaming Evaluation Framework (GMEF) tool.

Nagsilbing tagapagpadaloy sina GAD Focal Person Aimee Fulgencio at outgoing GAD Focal and TWG Lead Sonia Pol ng nasabing workshop na ginanap noong Abril 21 sa DA-PCC National Headquarters and Gene Pool sa Science City of Munoz, Nueva Ecija. Sakop ng gagawing pagtatasa para sa GMEF ng DA-PCC ay ang mga aktibidad ng ahensya kaugnay sa GAD mula 2018 hanggang 2020.

Habang tinatasa ng grupo ang bawa’t tanong sa organizational assessment questionnaire, may mga dokumentong nagpapatunay na natukoy para sa GMEF ng ahensya sa apat na pangunahing bahagi nito na kinapapalooban ng Policy, People, Enabling Mechanisms, at Programs, Activities, and Projects.

Ang resulta ng inisyal na pagtatasa at mga angkop na dokumento para rito ay isusumite sa Philippine Commission on Women sa Mayo 3 para sa balidasyon.

Pagkatapos ng workshop, naglatag din ng kani-kanilang plano at aktibidad ang grupo para sa mga susunod na taon upang makagawa ng mga polisiya at programang gender-responsive sa layuning mas maging gender-sensitive na institusyon ang DA-PCC.
 

Author

0 Response