Kauna-unahang Dairy Box sa Sorsogon, binuksan na

 

Binuksan na ang kauna-unahang Dairy Box sa Sorsogon, Bicol Region, nitong Oktubre 6, 2022 sa pamamalakad ng Gubat St. Anthony Cooperative (GSAC) at Triple 2 Agri-Industrial Corporation (T2-AIC).

Ito na ang pangalawa sa may pinakamalaking pasilidad na dairy processing plant sa Pilipinas na s'yang tiyak na makapagbibigay ng kita at trabaho sa mga residente ng Sorsogon at kalapit bayan nito.

Kaakibat ng pagdiriwang na ito ang entrustment program kung saan naipamahagi ang 46 na kalabaw sa ilalim ng Coconut-Carabao Development Project (CCDP).

Sa pagiging matagumpay nito, nagpahayag si DA-PCC Executive Director Dr. Liza Battad ng pagbati at pasasalamat sa suporta at tiwalang ipinagkakaloob ng GSAC at T2-AIC sa DA-PCC.

Samantala, kabilang sa mga dumalo ay sina Engr. Rene Hermo, GSAC CEO Nonito Collingwood, T2-AIC CEO Leonisa Ferreras, DA-PCC Deputy Executive Director Dr. Caro Salces, at Former DA-PCC Executive Director Dr. Arnel Del Barrio.

Ang aktibidad ay bahagi ng proyektong Carabao-based Business Improvement Network (CBIN) sa ilalim ng Accelerating Livelihood Assets Buildup o ALAB Karbawan ng DA-PCC. Pinondohan ito ng Office of the Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform sa pangunguna ni Senator Cynthia Villar.

Author

0 Response