Ayon sa dating OFW na ngayo’y maggagatas na ‘Totoong may kita sa gatas ng kalabaw’ Mar 2019 CaraBalitaan Freddie Ledda,Naguilian, La Union,OFW ,‘Totoong may kita sa gatas ng kalabaw’ By Ma. Cecilia Irang Sa kabila ng mga ilang negatibong komentong naririnig niya mula sa mga kapitbahay patungkol sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw, hindi nagpaapekto o pinanghinaan ng loob si Freddie Ledda, 48, ng Cabaritan Sur, Naguilian, La Union. Notice: Undefined variable: imgDesc in C:\laragon\www\post.php on line 114 Isa sa mga natanggap ni Ka Freddie na negatibong komento ay “napakahirap alagaan ng mga kalabaw”. “Hindi ako huminto sa pag-aalaga kahit sabihin pa nilang mahirap dahil na-inspire ako sa mga nababasa kong kwento sa mga magasin ng PCC. Nakasaad doon ang mga testimonya ng mga magsasaka tungkol sa kanilang kita mula sa gatas ng kalabaw,” wika ni Ka Freddie. Taglay ang paniniwalang may kita sa gatas ng kalabaw, ipinagpatuloy niyang paramihin ang mga alaga. Hindi naman siya nabigo, mayroon na siya ngayong 18 alagang kalabaw at napatunayang may kita nga sa paggagatas gaya ng kanyang nababasa sa magasin. Pagsisimula Si Ka Freddie ay may dalawang anak. Siya ay dating Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtrabaho bilang isang elektrisyan sa Saudi ng dalawang taon. Dahil sa hirap ng trabaho, nagdesisyon siyang umuwi ng bansa noong 2003 upang makasama ang kanyang asawa at masubaybayan ang kanyang mga anak. Sa kanyang pagbabalik, sinubukan niyang maghanap-buhay. Namasada siya gamit ang tricycle na naipundar niya nguni’t itinigil din niya ito dahil, aniya, madalas hindi sumasapat at hindi sigurado ang kanyang kita. Taong 2014 nang mahikayat naman siya ni Jessie Aromin, isang village-based AI teknisyan, na mag-alaga ng gatasang kalabaw kaya bumili si Ka Freddie ng isang crossbred na kalabaw. Ayon sa kanya, pagkaraan ng anim na buwan ay nabuntis na ito. Taong 2015, nagsimula na itong magbigay ng gatas. Lima hanggang anim na litro ang nakolekta niya araw-araw sa loob ng 10 buwan. Ipinagbibili niya noon ang kanyang aning gatas sa halagang Php50 kada litro. Laking tuwa ni Ka Freddie nang mahawakan niya ang unang kita niya sa bagong negosyong sinuong niya. Naranasan niya ang araw-araw na kitang hatid ng gatasang kalabaw kaya naman hindi siya nag-atubiling dagdagan pa ang kanyang alaga at bumili ng isa pang inahing crossbred. “Ngayong may gatasang kalabaw na ako at kumikita na, madali na akong nakapagbibigay ng baon sa eskwelahan ng aking mga anak at natutustusan na rin ang pang araw-araw na pangangailangan ng aking pamilya,” ani Ka Freddie. “Nakapagpagawa rin ako ng kulungan ng mga kalabaw ko, nakabili ng kolong-kolong at jeep panghakot ng pakain,” dagdag niya. Hindi na rin nagsayang pa ng panahon si Ka Freddie, sa parehong taon, nakipag-ugnayan siya kay Carlo Jowan Aspiras Jr., AI teknisyan ng PCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University (PCC sa DMMMSU) upang ipahayag ang kanyang interes na umaplay sa programang paiwi ng PCC para madagdagan ang kanyang alagang kalabaw. Matapos ang isinagawang pagsusuri kung siya ay kwalipikado, tinugunan ni Dir. Gloria M. Dela Cruz, center director ng PCC sa DMMMSU, ang kanyang kahilingan. Siya ay napahiraman ng dalawang purong lahing gatasang kalabaw bilang inisyal na “paiwi” sa ilalim ng family module ng PCC at tinuruan din siyang magtanim ng pakaing damo. May kita sa gatas ng kalabaw Kasabay ng pagdami ng kanyang alagang kalabaw ay ang pagdami rin ng kanyang nakokolektang gatas. Nguni’t gaya ng karaniwang nagiging problema sa isang negosyo, naging suliranin ni Ka Freddie kung saan niya ibebenta ang gatas. “Noong una, ayaw bilhin ng mga kapitbahay ko ‘yong gatas ng kalabaw sa kaisipang ito ay madumi dahil ang mga kalabaw daw ay lumulublob sa putikan,” kwento niya. Nguni’t hindi sumuko si Ka Freddie, ipinaliwanag niya ang paraan niya ng pag-aalaga at paggagatas sa mga kalabaw para matiyak na malinis ang gatas. “Noong mapatikman ko sa kanila, napagtanto nila masarap pala ang gatas ng kalabaw,” ani Ka Freddie. Sa kanyang paghahangad na maipakilala ang gatas ng kalabaw, sinubukan ni Ka Freddie na magbenta sa munisipyo ng Naguilian, La Union at maging sa mga paaralan. Hanggang sa dumating ang panahon na siya’y nakilala at dinarayo na ng mga mamimili sa kanyang bahay, ilan sa mga ito ay Indian nationals. Ang kanyang mga anak at mga kamag-anak ay natuto na ring uminom ng gatas. Nang lumaon, nakumbinsi rin niya ang kanyang kamag-anak, kapitbahay, maging ang iba pang magsasaka, na sumubok ding maggatas ng kalabaw. Lima ngayon ang ginagatasang kalabaw ni Ka Freddie at ang nakokolektang gatas ay ipinagbibili niya ng Php75-Php80 kada litro. Siya ay may kabuuang kita (gross income) na hindi bababa sa Php40,000 kada buwan, mas malaki aniya kumpara sa Php17,000 na kinikita niya noong siya ay nasa Saudi. "Totoo nga, sa gatas ng kalabaw siguradong araw-araw ang kita. Hindi ko na kailangan pang malayo sa pamilya ko para lang kumita ng pera.” Freddie Ledda Magsasakang Maggagatas Naguilian, La Union
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.